Why Sebastian "Baste" Duterte prefers to stay in Davao than in Malacañang Palace

May 18, 2016
<p>Mas gusto raw manatili ni Sebastian "Baste" Duterte sa Davao kesa tumira sa Malacañang.</p>

Si Sebastian Duterte ang pinakabunsong anak ni presumptive President Rodrigo Duterte sa una nitong asawang si Elizabeth Zimmerman.

Panganay sa kanilang tatlo si Paolo na kasalukuyang vice-mayor ng Davao at pangalawa naman ang mayor-elect ng Davao din na si Sara.

Sa edad  na 28, single pa si Sebastian, na mas kilala sa tawag na Baste, ngunit mayroon na itong dalawang anak sa kanyang dalawang naging nobya noon.

Surfing ang kinahiligan ni Baste kaya naman kahit Tisoy ang kanyang features ay nagmistulang moreno ito.

Bukod sa kanyang sport, ano pa ba ang mga pinagkakaabalahan ni Baste?

Kuwento niya sa State of the Nation ng GMA News TV nitong nakaraang Lunes, May 16, “Pagkagising ko, trabaho lang. Tsini-tsek ko lang yung junk shop, ganun lang.

“'Tapos aalis na ng… minsan wala naman talaga akong ginagawa, nagse-surf lang ako.

“I spend most of my time sa ano sa dagat.”

Ayon pa kay Baste, hindi niya akalaing mananalo ang ama sa presidential race dahil last minute na itong nag-file ng kanyang certificate of candidacy.

Continue reading below ↓

Ngayong nanalo na si Mayor Duterte, unti-unti na raw niyang naramdaman ang pagbabago.

Sabi niya,“Palagay ko yung security, kasi nandiyan naman talaga dapat ‘yan e and yung mga nagpa-picture.”

Aminado siyang hindi sanay sa mga ganoong sitwasyon.

“Hindi, hindi. Before that, wala.”

Hindi pa rin daw niya alam kung ano ang papel na gagampanan niya kapag nagsimula na ang termino ng ama.

Pero kung papipiliin daw siya, mas gusto niyang manatili sa Davao kaysa tumira sa Malacañang Palace.

Aniya, “Hindi ko kaya yung traffic sa Maynila.

"Masaya dito sa Davao, mas gusto ko dito.”

STRICT FATHER. Magkatabi lang ang bahay ni Baste at ni Mayor Duterte.

Madalas daw maglaro ang kanyang dalawang anak at ang kanilang Lolo Digong.

Sabi niya, “Pinapalaro lang niya diyan [sofa], minsan kinakarga niya.”

Istriktong ama raw si Mayor Duterte sa kanila.

Pero kapag may nagawa ka namang maganda, may reward ka raw na matatanggap galing sa kanya.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Kapag nagagalit, nagagalit talaga. Typical 90's kid, yung mga sinisinturon.”

Ang hindi raw niya makalimutan ay noong pinagalitan siya ng ama dahil pinaglaruan niya ang baril nito noong sampung taong gulang siya.

Sa ngayon, hiling niya na kapag may maa-assign na sa kanilang Presidential Security Group (PSG), huwag naman sanang maging "restrictive" masyado sa kanyang mga aktibidades.

Read Next
Read More Stories About
Baste Duterte
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Mas gusto raw manatili ni Sebastian "Baste" Duterte sa Davao kesa tumira sa Malacañang.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results