Slater Young on his sexy photos on the Internet: "It’s done in good taste."

“No, hindi ako masyadong kumportable sa sexy na roles. I don’t see that as my personality. Sa photo shoot okay lang, but when it comes doing sexy roles, di ko ma-imagine ang sarili ko," says Slater Young when asked if he’ll do sexy and love scenes.


Agaw-pansin ang sexy photos ng Pinoy Big Brother Unlimited Big Winner na si Slater Young sa Internet.

Engineer at nanggaling sa isang maykayang pamilya si Slater kaya artistic man ang pagkakakuha ng kanyang mga litrato, isang malaking sopresa ito dahil wholesome ang imahe na nabuo sa isipan ng publiko sa kanya habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Slater para kunin ang kanyang saloobin tungkol dito.

Paliwanag niya, "Yung mga sexy pics na yun, kuha yun bago ako nag-PBB and it’s done in good taste.

“No, hindi ako masyadong kumportable sa sexy na roles. I don’t see that as my personality.

“Sa photo shoot, okay lang, but when it comes to doing sexy roles, hindi di ko ma-imagine ang sarili ko."

Dahil sa kanyang mga seksing larawan, hindi maiiwasang maging laman siya ng pantasya ng mga kababaihan at maging ng mga bading.

Ano ang masasabi niya rito?

"Walang problema sa akin, okay lang yun. Lalaki naman ako," nangingiti at seryoso niyang pahayag.

HOSTING OR ACTING? Anu-ano ba ang mga nakalinya niyang gawin matapos niyang manalo sa PBB?

"Hopefully, more acting gigs. And we’re planning to go into hosting din kasi a lot of people are suggesting hosting.

“Between hosting and acting? Both at the same time, okay lang.

"If may oppportunity, I’d like to try lang kung kaya," sabi ni Slater.

Ang mahusay at beteranong aktor na si Pen Medina ang gustong sundan ng yapak ni Slater.

"If I were to choose kung ano o sino ang gusto kong ma-achieve sa show business when it comes to acting, si Mr. Pen Medina. Napakahusay niyang artista," sabi pa nito.

Sa kasalukuyang estado niya bilang isang inhinyero, may mga ilan ding nanghihinayang kung iiwan daw ni Slater ang natapos na kurso para mag-concentrate sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang napag-usapan namin ng dad ko.

"Sabi niya, as long as I’m happy with what I am doing, they will support me.

“When I feel I’m not happy anymore with show business, I can always go back to Engineering," saad ni Slater.

STILL ADJUSTING. Aminado ang PBB grand winner na hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa siya sa bagong buhay niya ngayon bilang isang artista.

"Hindi pa ako masyadong nakakapag-adjust, pero every day, marami pa ring surprises… every day, new experiences.

“Masaya naman siya, hindi pa nga lang ako kumportable, pero makakasanayan ko din ito."

Sa usaping pag-ibig, ayon kay Slater, "As of now, wala akong girlfriend. Finding the right person is mahirap so naghahanap pa.

“Mga showbiz crushes ko—Emmanuelle Vera, Jessy Mendiola, and KC Concepcion."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN