Mon Tulfo on allegations of Raymart Santiago and Claudine Barretto: "Walang katotohanan."

Both Mon Tulfo (right) and Raymart Santiago are saying "Hindi ako nauna." Claudine Barretto adds, "Tinadyakan niya ako." Who’s telling the truth?


Wala raw CCTV camera sa baggage area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, kung saan naganap ang insidente na kinasangkutan nina Raymart Santiago, Claudine Barretto, at Ramon Tulfo.

Ito ang sinabi ng isang may katungkulan na airport personnel sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kaninang tanghali, May 7.

Malinaw ding sinabi nito, na kung pagbabasehan ang sinabi ng kinapanayam niyang eyewitness, si Raymart umano ang unang nanakit.

Taliwas ito sa unang pahayag ng mag-asawang Raymart at Claudine Santiago sa Showbiz Central, kung saan umangal ang aktor na "Biglang sinuntok ako."

Sinabi naman ni Claudine sa nasabing Sunday showbiz talk show na bigla raw "nag-amok" si Ramon—na mas kilala bilang Mon—nung lumapit pa ang dalawang kaibigan ng mag-asawa.

(CLICK HERE for related article)

TULFO’S SIDE. Sa panayam ng PEP sa telepono kay Mon habang papunta ito sa studio ng TV5 kaninang alas tres ng hapon, nanindigan ito na "walang katotohanan" ang paratang nina Raymart at Claudine.

Ang panimulang kuwento ng broadcaster, “Kahapon, a, kagagaling ko lang sa Davao. Pagkatapos, e, nakita ko ’yong isang babae na hindi ko naman kilala, e. Hindi ko nakilala, e.

"Minumura ’yong flight stewardess ng Cebu Pacific, umaangal siya dahil nawalan siya ng bagahe, naiwan ’yong bagahe kung saan siya nangggaling.

“Nasa kanya ang simpatiya ko dahil napakawalang kuwenta ng Cebu Pacific sa pagha-handle o sa pag-iingat ng mga pasahero at ng mga bagahe, kaya nandoon ’yong simpatiya ko sa kanya.”

Pero ang simpatiya raw na ito ni Mon ay nawala nang nakita niyang hindi na tama ang pagtrato ng aktres sa ground stewardess.

Pagpapatuloy ng radio at print reporter: “Ngunit nang makita ko na personal na ’yong ginawa niya doon sa flight stewardess ay nagbago ang simpatiya ko... doon sa ground stewardess na, dahil pinepersonal na niya.

“Minumura na niya at sinasabi niya na ‘matatanggal ka sa trabaho,’ e, wala naman alam ’yong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman niya kasalanan na naiwan ’yong kanyang bagahe, hindi naman kasalanan ng flight stewardess na naiwan ’yong bag ni Claudine sa Boracay. Sa Boracay siya galing, e.

“Kinunan ko ng mga litrato. Sinita ako ni Raymart.

“Sinita ako ni Raymart, sabi niya, ‘Ano baga ’yan, bakit mo kinukunan?’

“Ginawa ko, ‘yong aking cellphone ay inilagay ko sa bulsa ko, binalik ko sa aking bulsa.

“Pero pilit niyang kinukuha. ’Tapos naitulak ko siya, ’tapos umalis na ako."

Sa tanong na siya ba ang unang sumuntok, nanindigan itong hindi siya ang nagsimula ng away.

NAIA POLICE & CEBU PACIFIC. Samantala, patuloy ang pag-iimbestiga ng Police Investigation and Intelligence Division ng NAIA tungkol sa insidente.

Mayroon na silang nailabas na initial incident report, ngunit ayon sa media affairs department ng NAIA, hindi pa nila ito natatanggap.

Heto naman ang official statement ng Cebu Pacific tungkol sa nangyari (published as is):


"Flight 5J 896 from Caticlan to Manila last May 6, 2012 had to offload some luggage due to Caticlan airport’s weight limitation, which is implemented for safety reasons. The bags were loaded in the earliest available Kalibo - Manila flight on the same day and have been delivered to the owners.

"We regret the inconvenience this may have caused our guests and we hope for their understanding as their safety is our primary concern."

UPDATE. Katatapos lamang magbigay ng dagdag na pahayag ni Mon, sampu ng kanyang mga kapatid na sina Ben, Erwin, at Raffy, sa show ng Tulfo brothers sa TV5, ang T3: Kapatid, Sagot Kita.

Kasalukuyan namang nagaganap ang press conference nina Raymart at Claudine sa Red Garlic Bistro sa Katipunan, Quezon City.

Abangan ang susunod pang mga pangyayari sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN