Andi Eigenmann claims Albie Casiño verbally and physically abused her: “He’s the one who threatened me and the one who wants to get me killed."

“If I wanted him to get hurt, I could have done that a long time ago, please trust me. But I never seek for revenge,” says Andi Eigenmann on talks that what happened to her ex-boyfriend Albie Casiño was premeditated and planned bu her.


Muli na namang naging kontrobersiyal si Andi Eigenmann dahil sa nangyaring gulo pagkatapos ng pagkikita nila ng ex-boyfriend at sinasabing ama ng anak kanyang anak na si Albie Casiño.

Nangyari ang pagkikita ng dalawa sa Fiamma Bar sa Makati noong madaling-araw ng Sabado, May 5.

Inamin ni Andi na binuhusan niya ng alak si Albie, pero itinanggi nito na may kinalaman siya sa nangyaring pambubugbog sa dating boyfriend sa parking lot matapos ang kumprontasyon nila.

Bukod sa insidenteng nangyari noong Sabado, marami pang naging rebelasyon si Andi sa taped interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, May 6.

Muling naungkat at lumabas kung ano ang mga hindi magandang namagitan sa kanila noong sila pa ni Albie.

HER SIDE OF THE STORY. Ang unang tanong ni Boy kay Andi: Ano ba talaga ang nangyari sa Fiamma Bar?

Kuwento ni Andi, “I went out last night because it was my friend’s birthday. Kasama ko ang friends ko.

“I was on the second floor and I was talking to my friends.

"I saw him [Albie]. For the first time, we went face to face since the last time.”

When was the last time?

“That was when we both found out I was pregnant.”

Was he alone?

“I don’t really remember because all I saw was him.

"When I saw him, I saw him. Then, he saw me back.

"He gave me a look."

Lumapit ba si Albie sa kanya?

“Hindi po, e. Parang nagkataon lang. Parang lumapit siyang ganyan.

"I don’t know if he saw me from afar or just there. But I saw him.

"I looked there and he was right in front of me.”

Tinanong ni Boy yung sinabi ni Andi na parang siniko raw siya ni Albie.

“Parang ganyan na po,” pagmuwestra ni Andi na napataas nang bahagya ang siko raw ni Albie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng 21-year-old actress, “Yung sa akin po, parang it’s the first time I’m seeing him again.

"The last time that I saw him, things didn’t go well. It was bad.

“I never really spoke about it. I never said anything about it because at that time, I loved him. And I wanted to protect him. I still had respect for him.

“But the thing is, after what happened, instead of being shy or being humble enough to move out or go away or say hello at least… he cursed me.”

ON HER OWN? Nilinaw ni Boy kung yung sinasabi niyang curse ay mura.

“Opo, minura niya po ako," pagkumpirma ni Andi.

Ayon pa kay Andi, ang huling pagkikita raw nila ni Albie ay nangyari noong Friday night [May 4], midnight.

“A little past midnight.”

What happened then, minura ba siya ng isang beses, maraming beses?

“Isang beses lang po. Parang nag-curse siya.

"And then what will I do? Last time I saw him, sobrang kawawa ako.

“Sorry po, pero naawa rin naman ako sa sarili ko. After that, I poured wine on him.

“But I just told you, only half of the hurtful things that he did to me and how he treated me before.

“The only thing I did was pour wine to his face.

"Now, everybody’s mad at me because he was rushed to the hospital.

“Before this interview, I was super like, ’I don’t care.’ Because I’m not part of it.”

Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Andi na maging emosyunal at maiyak.

Ayon pa kay Andi, “But the thing is, I deserve to be heard too.

"Since the beginning, Tito Boy, I’ve always been the bad one.

“It’s not just against Albie, but in general.

"What’s hurtful is that, it’s always for the wrong reason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tito Boy, ayoko na po kasing pumayag na tinatapak-tapakan lang ako, e.

“Ayoko na pong mapahiya. For once, I wanna stand up.

"Ayoko na pong magsinungaling sa ibang tao na alam ko naman, walang pakialam sa akin.

“Wala po siyang pakialam.

"Yung pinakamasakit pa sa akin, while I was facing this problem, I was on my own.

“I hear all about him having fun, going out, meeting people...

"It’s okay. But why? Ang daya po.”

REVENGE? Sinabi rin ni Andi na kung gusto lang daw niyang masaktan si Albie, noon pa raw sana niya yun ginawa.

“If I wanted him to get hurt, I could have done that a long time ago... please trust me.

"But I never seek for revenge," diin niya.

Isang beses lang daw binuhusan ng wine ni Andi si Albie.

“Isang beses lang po. Ginano’n ko lang po, sa mukha po.

"Then, my friends goes, ‘What happened?’

"He looked back. Albie walks away very angry and I was just crying.”

Bakit siya umiiyak?

“Dahil po sa nangyari.

"Hindi po ako makapaniwala na after all he did to me, kapag nagkikita kami, siya yung... wala po akong utang sa kanya.”

Itinanggi rin ni Andi na sinampal niya si Albie. Binuhusan lang daw niya ito ng wine.

“Kung sinampal ko po siya, okay lang po sa akin. I won’t regret it.

“It’s not that I wished for him. If I wished the worst for him, no, I let him be.

"I don’t think about him anymore," sabi niya.

Saan nagpunta si Albie pagkatapos ng engkuwentro nila?

“Hindi ko na po alam. Isa lang naman po ang daan, e, pababa.”

So, what happened next?

“People were all talking about it. It wasn’t so fast.”

SHE WASN’T THERE? Tinanong ni Boy si Andi kung kailan naman nito narinig na may bugbugan na nangyari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lumapit po ako sa may baba, ’tapos sinasabi na po nila na parang... because he [Albie] was there and his best friend that I’m also close to, parang... they got beaten up daw. Albie got beaten up daw.

"I can’t say, I can’t speak for, you know… what happened outside because I wasn’t there.

“I don’t think I have the right to say anything or to talk because I don’t know.

“Just like I don’t know if I’m still allowed to call her this... but just like Tita Rina [Casiño, Albie’s mom] because she didn’t see it.”

ANDI’S FRIENDS? May kinalaman ba ang mga kaibigan ni Andi sa pambubugbog kay Albie?

“I don’t wanna say anything that I have nothing to do with.

"Obviously, I wasn’t the one that got beaten up.

“I can’t say what happened on that part. I can’t say who it is. I can’t say I know who it is. I can’t say I don’t know who it is.

“They are private citizens, they have their own lives. Why will I… I can’t speak in behalf of them.

“Just like all the other people inside the bar, narinig lang po naming lahat ang nangyari. I did not see it.

“That’s why when I found out, I ran out and look for Albie. I still wanna know.”

Ayon pa kay Andi, “I ran out and look for him [Albie] and said, ‘Are you okay?’

"’There you go again.’ He forces me, ’Give me their names.’ Ginaganyan niya ’ko.

"I’m, ’I went out to you to ask if you’re okay and that’s what I get? Never mind then.’

“I said, ’Albie, whatever happened to you, you brought it up upon yourself.’ And then I left.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s what happened.”

Nagkaroon na ba si Andi ng pagkakataon na makausap ang mga kaibigan niya?

“Hindi ko pa po sila nakakausap," sagot niya.

Sila ba ang mga tipo ng taong mambubugbog?

“As far as I know, my friends... no.”

Sinabi ni Boy na pinapangalanan daw ang mga kaibigan ni Andi, ‘tulad nina "Frank Magalona, Carlos Concepcion, and Neil..."

“Yun nga po, I didn’t even see some of them there.

"Feeling ko po, yung sinasabi na... my only advice is that, sana po, before they came out with names, sana po, sinigurado muna nila kasi po, delikado. Baka po mali.”

Nang tinanong ni Boy si Andi kung kasama ba niya ang mga ito nang dumating sa bar, natatawang sinabi ni Andi na: “Yun nga po, yung iba, hindi ko nga po sila nakita at hindi ko po sila kasabay.”

PREMEDITATED? Sa hiwalay na panayam ni Boy sa ina ni Albie na si Rina Casiño, sinabi nito na tipong premeditated o parang plinano ang nangyaring pambubugbog kay Albie.

Sabi naman ni Andi tungkol dito, “Tito Boy, Ellie [palayaw ng kanyang anak] is only five months old and it’s premeditated?

“If I wanted something like that to happen to him, nangyari po yun the very next day that he beats me.

“But I never planned for anything like that to happen to him.

“He’s the one who threatened me and the one who wants to get me killed.

“I’m sorry if I am saying too much, but I’m just being honest.

"For once, I want to save myself.”

May kumontak na ba kay Andi mula sa kampo ni Albie noong siya ay matapos manganak?

Nakangiting sabi nito, “No. They never talked to me.

"All I know is that they wanted to pay for my hospital bills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thinking if they’ll pay for it, I’ll forgive them.

"They don’t think they know I know that, but I do.”

Sila nga ba ang nagbayad sa hospital bills niya nang manganak?

“They didn’t because I said... they tried.

"If they really want us to be okay, a fruit tray could be okay, not paying for my hospital bill.

“What do they think I look like, gold digger? I work for myself, Tito Boy.”

Nasabi ni Andi na yung huling pag-uusap nila ni Albie ay noong malaman ng huli na buntis na nga si Andi.

Ayon kay Andi, “Ever since na iniinterbyu n’yo ako, wala po akong sinasabi.

“Pero yung nangyari kagabi, I think may karapatan na rin po ako kahit papaano na i-explain kung ano talaga ang nangyari.

“It’s not exactly yung day po na we found out because we tried and tried to check if it’s really confirmed,” pagtukoy ni Andi sa kanyang pagdadalantao

“So, that’s around the time, our friend AJ [Perez] passed away. Naging cold na po siya [Albie] sa akin.

“But since I was doing it all alone, I was doing it alone, kailangan ko pa rin po siya. Siya po ang daddy ng anak ko.

“At noong time po na yun, siya ang boyfriend ko at alam niya rin po yun.

“So, pinuntahan ko po siya. Ako po ang lumapit sa kanya, ako po ang pumunta sa bahay nila.

“Instead of talking to me properly or handle it like a man because he couldn’t accept the fact na buntis pa rin ako, which was hindi niya po nagustuhan—he beats me up.

“That was not the first time he did it.”

Ano ang reaksiyon ni Albie tuwing nagte-test sila?

“Siyempre po kinakabahan. Minsan, tinatawa namin na, ‘Hindi totoo ‘yan.’ Pero kinakabahan po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang sa the last time na dinaan niya ang pregnancy test, dinaan niya na lang po ’tapos umalis na siya.

"Sabi niya sa akin, ‘Hiwalay naman na tayo, di ba? After this problem is solved, I don’t want to have anything to do with you anymore.’

“I respect that. I was fine.

"Kahit mahirap po, okay lang po. Baka tapos na po ang relasyon namin.

“But the only problem was, we were supposed to be in it together.”

Hindi ba siya nakiusap?

“Nakiusap po ako pero ayaw niya po akong pansinin.

"Siyempre po nasaktan po ako, pero somehow, there’s still a part of me na I needed him.

“So, I went to him. I went to his house.

"Pagdating ko pa lang, pinapauwi na niya ako.

"He was so mean. He was verbally abusing me.

"So, I admit, because he was verbally abusing him, I slapped him.

“He got mad at me and he hugged me by the collar.

"He hit me again… that rock wall in his garage.

“And smacked... not slapped, smacked me eight times until I went down the floor.

"Tito Boy, that was what happened.

“After that, he goes inside their house and called his mom—and made her finish what he started.

"Yun po ang nangyari.”

I LOVED HIM... Nang mangyari na walong beses siyang sinaktan sa garahe, umiiyak siya, sumisigaw?

“Tahimik lang po ako kasi alam ko na mapapahamak siya kapag nag-build po ako ng noise.

“Kasi po, naiintindihan ko po na noong time na yun, mahal ko po siya.

"Two years kaming together.”

Sinabi ni Andi na sa mukha siya natatamaan ng kamay ni Albie.

“Bumagsak na po ako kasi sobrang sakit na po talaga.

"He simply wanted me to go home, so inutusan niya yung mommy niya na pauwiin na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko po kasi hindi pa po tapos ang usapan.

"And alam ko po na mahirap na para sa amin na magkita ulit pagkatapos noon.

“Albie always told me naman na yung mommy niya doesn’t know about our relationship.

“Pero Albie told me that the mom thinks that I was cheating on him.

"But Albie told me that because he loves me and trust me, he knows that it’s not true.”

Ano ang nangyari noong lumabas na ang mommy ni Albie?

“Noong lumabas ang mommy niya, doon niya po sinabi, biglang kinampihan niya ang mommy niya na, ‘Ma, paalisin mo na. Di ba nga, sinabi mo sa akin na nangtsi-cheat siya sa akin? Totooo yun. Totoo yun.’

“So, parang I felt so bad.

"So, I tried to talk to his mom properly and tell her… pero hindi niya po ako pinakinggan.

“Noong sinabi ko po na binugbog po ako ni Albie, sinabi niya na, ‘Dati tinanong ko na ‘yan sa ‘yo.’

“Tumawag daw po ang mommy ko [Jaclyn Jose] kay Tita Rina before, sinabi na, inamin ng mom ko na Albie sometimes verbally and or physically abuses me.

“Tinanong ako ni Tita Rina, of course I denied.

"Noong time po na yun, kami pa po ni Albie at ayoko pong mapahamak siya.”

Pero sinasaktan nga ba siya ni Albie prior to that incident—hindi lang verbally kung hindi maging physically?

Ayon kay Andi, “He hit me at the Star Magic Ball and my friends saw it.

“He always accuses me of things that I don’t do like cheating.

"I guess it’s normal for those kinds of relationship na ganoon po, di ba?

“Parang medyo mas protective yung tao. Mas seloso, mas ganyan po kasi po bata pa po kami.

“I understand now na sinasaktan niya po ako kasi po dati, pinagtatanggol ko po talaga siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya sinasaktan?

“Sinasampal po saka tinutulak, sinasakal...” sagot ni Andi.

Ayon kay Andi, okay lang daw sa kanya yung mga yun noon at tiniis niya.

I LIED FOR HIM... Yung eksena nila sa garahe, ang sinabi raw ng mommy ni Albie kay Andi: “Noon tinatanong kita, ‘tapos ngayon sinasabi mo na ganyan ang ginagawa niya. Ano ba talaga ang totoo?"

Patuloy ni Andi, “Sabi niya sa akin... they want me to prove.

"Sabi ko, parang ako, I just left. Talo ako. They are family.

“Even if I was the one telling the truth, wala akong laban.”

Yun daw ang huling conversation nila ni Albie.

Noong nabuntis siya, umasa ba siya na kahit paano, tatawag si Albie?

“Opo. Not because mahal ko po siya like what people will think, it’s because of Ellie.

“It’s because of my baby.

"I couldn’t believe na I fell in love with the person na ganoon.

“Ganoon siya ka-heartless.Walang pakialam. Walang closure po.

"Walang pakialam. Wala lang. Ayaw na lang niya.

“I don’t wanna have to tell Ellie that her dad hates her. That her dad wanted her to die.

"I don’t want to have to do that, Tito Boy.”

DNA TEST? Ano ang naging reaksiyon niya na ang pamilya ni Albie, wanted a DNA test?

“I never answered that question before. But in all honesty, I was all game for it.

“Problema po, okay... Albie talked to me and told me, he said sorry to me. He said sorry to me for everything.

“And told me, ’No matter what happens...’ nagmakaawa po siya, ‘huwag kang papayag magpa-DNA test. Kasi, kapag nalaman ni Mama at ni Papa na sa akin siya, idi-disown nila ’ko. And you know how much I love my family,’” ayon daw kay Albie.

Kailan?

“Medyo ano na po ang tiyan ko...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos na saktan siya sa garahe?

“Opo. That time po, I was only two months… one and a half months pregnant.”

Sa harapang pag-uusap ba nila naganap yun?

“Tinatawagan po ako. And yung akin naman po, okay lang.

"Sabi ko, ‘Albie, you know, yun lang ang hinihintay ko na mag-sorry ka. Own up to your mistake.’

“Pero noong sinabi ng my parents, ayaw po nila. Parang sa kanila, hindi naman kayo kasali.

“Noong malaman ni Albie that my parents declined it, wala. Ganoon na ulit siya. Back to normal. Didn’t talk to me.

"Ganoon na lang po talaga.”

Boy asked Andi, has she moved on?

“Everyone who doesn’t like me and said I am this way because I haven’t moved on, Tito Boy, I had a boyfriend while I was pregnant.

“I think everybody knows that someone else owned up to it.”

Sa lahat, ano ang nais niyang sabihin?

“Yung wini-wish ko lang po na sana po, maintindihan nila ’ko.

"I’m not saying that Albie’s a bad person. He just wanted to finally for once, tell the truth.”

May message ba siya sa kanyang Tita Rina?

“She’s not my Tita anymore. It’s not a message but a question. Parang, ‘Tita, what did I do to you for me to deserve this? I did nothing.’

“I never said anything against them. I never said anything bad at all.

"Ngayon po, mommy na rin ako.

“Hindi ko po kinukuwestiyon ang pagpapalaki n’yo kay Albie, pero sana inaalam n’yo muna kung tama po ba ang ginagawa n’yo o hindi.”

HER PRAYER? Ano ang dasal ng puso niya ngayon?

“Tumigil na po sila. Wala po akong ginagawa sa kanila.

"Lahat, lahat po ng mga nangyari sa akin, nangyari dahil sa kung paano nila ’ko trinato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My only prayer is that they learn to understand that this should just be left. This should be over.

“If they don’t want meet Ellie or if they don’t want to accept Ellie as part of their family, so be it. But it doesn’t mean they have to ruin me also.

“But just because Albie’s going’s down by his decision, that doesn’t mean they have to bring me along with them because I have nothing to do with them.”

May pagkakataon ba na sinabihan siya ni Albie na sisiraan siya?

“When he said in his formspring that I cheated on him with ten boys because he wanted to deny the fact that he beats me up.

“I called him [up] right away and asked him, ‘Why do you have to do that?’

"At the beginning, he said sorry. He said he was gonna take it back.

"Pero binawi niya po at sinabi na, ‘It doesn’t matter. I’m going to lie and lie until I die. I don’t care. You have to be ruined.’

“Sisirain niya raw ang career ko. Hindi raw siya papayag that I’ll go further. He’s higher than me daw kasi, he’s the bida in Mara Clara.

"Those were his exact words.”

REGRETS? Ngayon, pinagsisihan niya ba na minahal niya si Albie?

“Kung hindi ko po siya minahal, wala po si Ellie.

"And even if Ellie… c’mon let’s face it, Ellie is his... I don’t care.

“I don’t have any regrets because we were together once. We were happy when he was my best friend.

“So, no regrets, the fact that I fell in love with him.

"I just wonder what happened to him.

“Because when he first found out that I was pregnant, he even told me, ‘If she’s a girl, can you please name her Andrea?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I said, ‘Why, that’s my name? I don’t wanna give her the same name as mine.’

“’Because I don’t care if people will judge me for this because Ellie, she’s mine.

“’I will only have the right to love her and no one will judge me. I’m very sure that she’s going to be beautiful.’

"And then, he tells me he wants nothing to do with it.

“Sobrang tapos na po talaga ako sa isyung yun, kinalimutan ko na po.

"Sa akin po, I’m living life as if hindi ko po nakilala si Albie.

“Okay na po ako. Kunwari wala na lang tatay na totoo si Ellie, maybe I have to yet meet him.

“But because of what happened last night, everything went back to me.

“And I figured, as long as Albie’s… every time I’ll see him, I’ll never forget what he did to me.

"That’s how much damage he caused.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN