Miriam Quiambao gets unsolicited advice from Direk Joey Reyes and Ladlad’s Bemz Benedicto on how she views homosexuality

Miriam Quiambao continues to take a lot of flak from several quarters for her statement about homosexuality, the latest coming from Ladlad managing director Bemz Benedicto (inset, top) and Direk Joey Reyes (inset, bottom).


Marami ang nagalit mula sa hanay ng LGBT (Lesbians Gays Bisexuals Transgenders) kay Miss Universe 1999 1strunner-up Miriam Quiambao sa pahayag niyang “homosexuality is not a sin but it’s a lie from the devil” sa kanyang Twitter account.

Ito ay pagkatapos ng kanyang guest appearance sa late-night program ni Boy Abunda na Bottom Line noong April 28 kung saan ang Ladlad Party List representative na si Bemz Benedicto ang naging panauhin.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa The Buzz noong Linggo, May 6, naghayag ng pananaw si Bemz at ang film director na si Joey Reyes tungkol sa naging pahayag ni Miriam.

Ayon kay Direk Joey, “Nagulat ako dahil sa pagkakaalam ko at pagkakakilala ko kay Miriam, hindi ko akalain na masasabi niya ito.

“Yun nga raw, ‘Homosexuality is not a sin but it’s a lie from the devil.’

“Unang-una, hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

“It’s either napakalalim ng gusto niyang iparating o walang katuturan ang sinabi niya.

“So, either which way.

"So, hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa.”

RESPONSIBLE STATEMENTS. Ayon pa sa award-winning director and scriptwriter, bilang bahagi ng showbiz, dapat daw ay mas maging responsable rin si Miriam sa kanyang mga desisyon.

“Tayo ay naninirahan sa isang demokrasya.

“Meron tayong kalayaan at meron tayong kalayaan na ipahayag ang ating iniisip at ang ating nararamdaman.

“Kung ganyan ang opinyon niya, respetuhin natin.

“Pero respetuhin niya rin kung ano ang mga naging opinyon ng mga tao sa kanya ngayon.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa paghingi ng paumanhin ni Miriam sa kanyang Twitter account.

Sabi ni Miriam, “I’m sorry LGBT. Perhaps I was too harsh with the words I used. "Will do my best to be more sensitive. #respect #nobodysperfect #grace."

Ang sabi naman ni Direk Joey tungkol dito, “Kung susuriin natin ang sinabi niya, she apologized for the way she said it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But not for what she said. We respect her for that.

“Ako, I personally respect her for that.”

MESSAGE TO MIRIAM. May huling mensahe naman si Direk Joey kay Miriam.

“Kung sa mata mo ay isang malaking kasalanan ang maging kasapi ng LGBT, dahil diyan at ayon sa Bibliya...

"Ipinapaalala ko rin sa ‘yo na ayon sa Bibliya, ‘Ang pinagsama ng Diyos, lalaki at babae, ay hindi puwedeng paghiwalayin ng tao man o anuman.’

“Hindi rin kinikilala ng Bibliya ang diborsiyo."

Ang tinutukoy marahil dito ni Direk Joey ay ang pakikipaghiwalay ni Miriam noon sa kanyang Italian husband na si Claudio Rondinelli.

DEMAND AN APOLOGY. Si Bemz ang tila unang “nakabangga” ni Miriam sa Bottom Line nang maging guest ang una at si Miriam naman ay isa sa mga bottom liners.

At dahil sa sinabi ni Miriam tungkol sa homosexuality, humihingi si Bemz, sa ngalan ng miyembro ng LGBT, ng "official and unconditional apology" mula sa dating beauty queen.

“We demand from her an official and unconditional apology and only through this can she, using her perverse sense of logic, can see no more and calm the troubled water that have been generated by her unfair and unchristian statement.”

Ayon pa kay Bemz, “Meron din kaming pananampalataya sa Diyos.

“Wala sa kanya na husgahan kami, na kami ay kasinungalingan ng isang demonyo.”

“CONFRONTATION.” Inilahad din ni Bemz sa The Buzz na pagkatapos daw ng taping ng Bottom Line, kinausap pa siya nang personal ni Miriam.

Kuwento niya, “Pagkatapos ng taping, may tension… ito ang hindi nila alam.

“Nilapitan din niya ako at tinanong niya ulit ako kung bakit ko nasabi na ako ay babae.

“Sinabi pa niya na, ’God loves you. I hope you find the truth.’

"So, sino naman ang hindi maiinsulto doon?

“Ako naman, nagsusumikap ano, para maging marangal, maayos, at may dignidad na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero isang Miriam Quiambao lang ang magre-reduce sa aking pagkatao nang ganoon-ganoon na lamang na ako ay isang kasinungalingan.”

Huling mensahe ni Bemz kay Miriam: “Magpakatao ka rin sana, at sana, hindi ganoon ang panghuhusga mo sa amin.

“Hindi po kasalanan at hindi po mali ang pagiging lesbiyana, bakla, bisexual, at transgender.”

Sinubukang makuha ng The Buzz ang panig ni Miriam, pero ayon sa ilang malapit kay Miriam, labis na raw itong apektado sa isyu at ayaw na rin palakihin pa ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN