Part 2. Mon Tulfo vehemently denies hitting Claudine Barretto; admits his ego was hurt by the incident

“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi nasaktan ang aking ego. In fact, dapat nung itinulak ko si Raymart Santiago dahil kinukuha niya yung aking cell phone, matapos kong makunan ng still photos yung eksena na pinagagalitan ni Claudine yung counter girl, dapat pagkatapos no’n ay tumakbo ako na parang duwag. Sa akin ay nagpapaka-macho pa ako dahil akala ko… wala naman akong dapat katakutan dahil wala naman akong ginawang masama,” says Mon


Pagkatapos na pagkatapos makausap nina Mel Tiangco at Mike Enriquez sa 24 Oras si Raymart Santiago at ang abugado nila ni Claudine Barretto na si Atty. Alex Avisado, si Mon Tulfo naman ang kanilang nakapanayam.

Huling-huli sa kamera ang pagkagulat ni Mike nang makita niya si Mon na may pasa sa ibabang bahagi ng kanyang kanang mata. Kaya naman kinumusta ng GMA-7 anchor kung nakapagpatingin na ba si Mon sa doktor at kung ano ang sabi nito sa kanya.

Sagot ni Mon, “On the surface, okay na ako.

“Pero magsasagawa pa rin sila ng malalimang examination dahil kakaopera… mga several months ago, inoperahan ‘tong mata ko...”

FIRST TO HIT? Pagkatapos nito ay binalikan na ni Mike ang totoong isyu.

Ayon kina Raymart at Claudine at isang babaeng testigo, si Mon daw ang unang sumuntok o sumipa sa mag-asawa kaya nagkagulo-gulo na.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Alam mo, Mike, wala akong dahilan na sipain o sumipa dahil, unang-una, hindi ko sila kakilala.

“Pangalawa, hindi naman nila ako kalaban.

“Pangatlo, nagmamadali akong lumabas ng terminal building dahil yung aking sasakyan ay nakaabang na sa akin sa labas.

“At [pang-apat], gutom na gutom na ako.

“I had a light breakfast at Davao City. At ang biyahe ro’n, bago airport, isa’t kalahating oras—one hour and 25 minutes.

“Matagal-tagal din ‘yan bago mag-tanghalian kaya nung damating ako sa NAIA 3, gutom na gutom ako kaya nagmamadali ako.

“Kaya lang, what caught my attention was yung panggagalaiti ng isang babae… hindi ko siya kilala, e,” pagtukoy ni Mon kay Claudine.

“Yung panggagalaiti ng isang babae dun sa counter ng Cebu Paciifc, yung Complaints Counter.”

Ano ang pakay niya sa pagkuha ng litrato? Ano ang balak niya dun sa litrato nung sinasabi niyang babae na nanggagalaiti?

“Isusulat ko sana dahil yung babae ay nagsasabi na… nagsisisigaw na minumura niya yung counter girl at ipapatanggal niya sa trabaho—inutusan niyang tumawag sa mga Gokongwei [may-ari ng Cebu Pacific], kakausapin daw niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LACK OF SECURITY. Sa palagay ba ni Mon ay hindi mangyayari ang nangyari sa kanya kung naagapan ng airport police ang insidente?

“Hindi mangyayari ‘yan kung maagap,” sagot niya.

“Alam mo, nung pinagtutulungan nila ako, nakakapag-maniobra ako, e. Nasasalag ko yung mga suntok nila, e…

“Nung dumating yung punto na dumating yung mga unipormadong mga alagad ng batas, I let my guard down, dahil sabi ko, I’m already safe in their hands, kaya I submitted myself to their authority.

“Kaya nagkamali ako dahil hindi pala sila marunong humawak ng mga ganitong kaguluhan.

“At yung mga iba pa sa kanila, nakibugbog din sa akin.”

Bilang suporta sa kanyang alegasyon, sinabi ni Mon, “May mga in-examine kami sa TV5 na mga video na slow motion na nagpapakita na merong nakisawsaw.”

HURTING HIS EGO. Gaya ni Raymart, hindi pa rin bukas si Mon sa posibilidad na magkaayos sila nito.

Aniya, “Sa ngayon, magsisinungaling naman ako ‘pag sinabi kong hindi ako naagrabyado at hindi masama ang loob ko.

“Ngayon lang sa tanang buhay ko na agrabyadong-agrabyado ako.

“At kung sakaling makipag-usap sila ay kokonsultahin ko ang aking mga abugado.”

Tinanong naman ni Mel si Mon kung nasaktan ba ang ego niya sa nangyari sa airport, lalo na’t nakilala siya bilang isang “macho at tigasing kolumnista”?

“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi nasaktan ang aking ego.

“In fact, dapat nung itinulak ko si Raymart Santiago dahil kinukuha niya yung aking cell phone, matapos kong makunan ng still photos yung eksena na pinagagalitan ni Claudine yung counter girl, dapat pagkatapos no’n ay tumakbo ako na parang duwag.

“Sa akin ay nagpapaka-macho pa ako dahil akala ko… wala naman akong dapat katakutan dahil wala naman akong ginawang masama.”

WILL NEVER HURT A WOMAN. Isang testigo naman na nakausap ni Mel ang nagsabi na kitang-kita raw niya nung sipain ni Mon si Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya tanong ni Mel kay Mon: Gawain ba ng isang Mon Tulfo na manakit ng isang babae?

“Malayo ‘yan sa mga Tulfo, lalo na sa akin… pinalaki kami na hindi dapat manakit ng babae.

“In fact, yung tatay ko, siya yung palaging binubugbog ng nanay ko kapag siya ay nahuhuling nambababae. At hindi ginagantihgan ng tatay ko yung nanay ko.

“Lumaki kaming gano’n. Iginagalang namin ang babae.

“Ang babae kasi ay minamahal at hindi sinasaktan,” saad ni Mon.

Hindi niya sinipa si Claudine?

“I vehemently deny that I kicked her,” mariing sabi ng beteranong mamamahayag.

Hamon pa raw ng witness sa kanya: “Mon Tulfo, kailangan humingi ka ng tawad sa ginawa mo.”

Ano ang masasabi niya rito?

“Paano ako hihingi ng tawad sa ginawa ko, wala naman akong ginawa? Wala akong ginawa, Mel.

“Nakita n’yo naman sa video… Nagpapasalamat nga ako do’n sa nag-post nung video dahil kung hindi sa kanya ay lugmok na ako sa public opinion.”

Sabi ni Mel, panghuling bahagi na raw ng insidente yung lumabas na video. Hindi raw doon nag-umpisa ‘yon?

Paliwanag ni Mon, “Kasi nakakaiwas-iwas ako, e. Nakakapagmaniobra ako dun nung pinagtutulungan ako…

“Yung punches were being thrown at all sides, nasasalag ko, I was able to cower them.

“Nung nakita ko… nagkamali ako nung makita ko yung mga unipormadong alagad ng batas, yung security guards at yung airport police, nagtiwala ako kaya I let my guard down.

“Dun ako nadale. May nakapasok sa likuran ko at nasakal ako.”

Ano naman ang reaksiyon ng mga kapatid niya?

“Mainit nga sila, e. Sabi ko, ‘Relax lang kayo mga ‘tol. Ganito talaga ‘to. Talagang yo win some, you lose some.’”

(CLICK HERE to read related story.)

MEESAGE FOR RAYMART AND CLAUDINE. Sa huli ay hiningan ng mensahe si Mon para kina Raymart at Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang sinabi ni Mon sa mag-asawa:

“Alam mo, Raymart at Claudine, dapat pinanindigan ninyo yung inyong persona sa harap ng kamera as wholesome, mabait, martir, at mapagmahal sa kapwa. Dapat dinala ninyo ‘yan sa labas.

“Pero nung makita ko… nakita ko taliwas do’n sa inyong pinu-portray sa harap ng kamera yung ginawa ninyo dun sa babaeng pobre, yung counter girl ng Cebu Pacific, na tinuligsa mo at minura mo na hindi makain ng aso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN