Dingdong Dantes on working with Angel Locsin: "I hope na in cases like this, hindi magkaroon ng double standard…"

When Dingdong Dantes was asked why he was invited, and the only Kapuso, to be in the cast of Star Cinema’s One More Try, one of the reasons he offered was: “Maybe that’s also the main reason kung bakit nila ‘ko kinuha and siguro in their words, ‘They need a certain level of maturity to attack the role.’


Si Dingdong Dantes ang nag-iisang Kapuso sa One More Try, ang bagong pelikula ng Star Cinema—ang movie outfit ng ABS-CBN.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong noong Martes, May 8, pagkatapos ng story conference ng One More Try para sa Star Cinema.

Tinanong ng PEP si Dingdong kung ano ang pakiramdam sa muli niyang paggawa ng isang pelikula para sa Star Cinema.

Matatandaang unang gumawa ng pelikula ang Kapuso actor sa naturang film outfit noong isang taon—ang Metro Manila Film Festival 2011 entry Segunda Mano.

“Para sa akin, it is a rare opportunity,” sagot niya.

“Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon, one, to do a movie.

“Movies that are really nice, movies that are very relevant siguro sa mga nangyayari sa mga tao ngayon.

“The other thing is, hindi rin naman nabibigyan ng opportunity ang ibang tao na gumawa outside of their network.

“So, given all these, parang I really consider myself very fortunate.”

Ano ang naging reaksiyon niya na makakasama niya sa cast ang mga Kapamilyang sina Angelica Panganiban, Angel Locsin, at Zanjoe Marudo?

“Well, sila naman ang nag-formulate no’n.

“Maybe that’s also the main reason kung bakit nila ako kinuha and siguro in their words—they need a certain level of maturity to attack the role.

“And with the background of my co-actors, they also have high regards and much confidence that they can pull it off very well," saad ni Dingdong.

RIGHT TIMING. Base sa script, bakit siya na isang Kapuso ang nakumbidang mai-cast sa One More Try?

“Oo, e... gaya nga ng sinabi nila, it’s a mature role.

“Siguro, I’m also at that kind of age na maaaring mangyari yung ganoong plot ng istorya.

“Siguro, kung mas bata ako, maaaring hindi ko magagampanan ang role. Kung tumanda ako, baka hindi rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nasa tamang edad at tamang experience din ang malaking dahilan kung bakit siguro sa akin rin na-offer.”

Bagamat sinabi ni Direk Ruel Bayani na mas sexy sa No Other Woman ang One More Try, hindi pa nila napag-usapan sa story conference kung paano ang atake sa aspeto ng kaseksihan o pagiging daring ng pelikula.

“Hindi ko po kasi napanood ang No Other Woman kaya wala akong basehan para i-compare,” reaksiyon ni Dingdong.

"Pero siguro, yung pagiging daring at pagiging sexy is a result of the complication of the plot.

“Kumbaga, yun na ang resulta.

“Yun na ang maaaring pananaw ng tao dahil yun ang malaking twist and turning point ng story. So, yun ang magiging basehan.”

Ibang-ibang Dingdong ba ang mapapanood sa kanya rito?

“Not really,” sabi niya.

“Hindi naman ito fantasy or anything. I just portray someone who is very now–it’s very realistic.”

IN GOOD FAITH. Noong may lumabas na balita na siya ang magbibida sa isang Star Cinema movie, sumunod naman ang ilang write-ups na tila nagre-react kung bakit kailangan pang kumuha ng taga-ibang network. Samantalang napakaraming leading men sa bakuran ng ABS-CBN.

Nang tanungin tungkol dito, tumanggi nang magbigay ng reaksiyon si Dingdong.

Aniya, “Ako, I don’t wanna think na meron [reaction]. Kasi ako, I always look at the positive side of it.

“There’s a reason kung bakit nila ’ko kinuha and I respect that reason.

“Basta, I just want to appreciate it more and look at the positive side of it.

“At para sa akin, ‘eto na e, di ba?”

Naging maayos naman daw ang pagpapaalam ni Dingdong sa kanyang home network para gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Sa ngayon, expired na raw ang kontrata niya sa GMA Films pero pinag-uusapan na raw ang renewal of contract niya.

“Good. It’s good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal pa ako sa GMA TV at sa GMA Films, we’re working on the contract.

“Hindi naman magiging possible kung wala ang consent ng aking mother company.

“At nagpapasalamat ako sa kanila dahil yung support nila sa akin ay nandiyan ever since.

“At lahat ng ito, ginagawa namin in good faith.

“Wala kaming inaapakang tao. Walang rules na ino-override so okay ‘to—smooth-sailing.”

FANS’S REACTION. Aware si Dingdong na hindi lahat ng mga tagahanga ng loveteam nila ni Marian Rivera ay tanggap ang paggawa niya ng pelikula na iba ang kapareha.

Pero marami din naman ang nakakaintindi na trabaho lamang ito, gaya nga ng pakikipagtambal ni Marian sa ibang aktor.

Pero may pressure ba na magiging kapareha ni Dingdong sa One More Try si Angel Locsin?

“Well, it happens. I hope na in cases like this, hindi magkaroon ng double standard…

“Because noong umpisa pa naman ng lahat ng ginagawa namin sa industriyang ito, there’s always a possibility for this to happen.

“Ang importante lang naman diyan, always be inspired by the good things na naidulot sa ‘yo ng anumang samahan na nagkaroon.

“Let’s say, sa amin ni Marian, marami kaming magagandang bagay na na-impart sa mga tao and that should always be remembered.

“And regardless naman kung ano ang gawin namin on the side or sa individual careers, ang importante, we support each other," saad ni Dingdong.

Kailangan ba niyang hingin ang consent ni Marian kapag gumagawa siya ng project na iba ang leading lady, at gayundin ba si Marian sa kanya?

“We talked about it,” sabi ni Dingdong

“At ang maganda sa amin, we agreed that in everything we do, whether together o hindi, we are confident that we will support each other.

“At sa mga usapan namin palagi, hindi naman namin binabali yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STRONG RELATIONSHIP. Sa mga napapabalitang breakup ng maraming celebrities, napapanatili nina Dingdong at Marian ang katatagan ng kanilang relationship.

“Oo naman. Matagal-tagal na rin siya and we’re still very happy with it.

“Well, I’m sure na kung anuman yung mga nangyayari sa mga nagkakahiwalay, hindi rin nila inisip na mangyayari sa kanila yun.

“Ang mga unexpected things na nangyayari, para sa akin, we really have to pray…

“So that when the time comes that we have to make a decision, e, magagawa natin ang tamang desisyon.

“Hindi lang para sa sarili natin kung hindi para sa kapakanan ng maraming tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN