Direk Brillante Mendoza on Nora Aunor’s National Artist nomination: "Nora Aunor deserves it because she is it. Siya ’yon!"

. Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg">

. Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg">

Direk Brillante Mendoza on why he thinks Nora Aunor is the Superstar and why is she considered an icon: "Kaya pala siya gano’n… kaya pala gano’n ang naging buhay niya kasi more than an actor, she is first an artist!"


Pabor ang internationally acclaimed at Cannes prize-winning indie filmmaker na si Brillante Mendoza sa kasalukuyang pagpapasulong o pagsuporta sa Superstar na si Nora Aunor para tanghaling National Artist o Pambansang Alagad Ng Sining.

Nasa Tawi Tawi ang grupo nina Direk Brillante at Nora at iba pang kabilang sa indie film project na Thy Womb nang mapaulat ang pormal na proposal [House Resolution No. 2317] na nai-file ni Bacolod Representative Anthony Golez, Jr., para gawaran ng titulong National Artist si Nora.

Sa sumunod na mga ulat at pahayag ng pagsuporta ng iba pang taga-industriya kay Nora ay nabuo sa isipan ni Direk Brillante ang gagawin ding hakbang.

Nais niyang suportahan si Nora Aunor sa pamamagitan ng anumang petisyon na kailangan ang kanyang lagda.

Bukas din ang director sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan na may direktang kinalaman sa pagpili ng award recipient.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Brillante ay matapat siyang nagpahayag ng kanyang pagsuporta.

"Kung kailangang magpadala ako ng letter sa NCCA [National Commission for Culture and the Arts] o sa CCP [Cultural Center of the Philippines] bilang personal endorsement, gagawin ko.

"Baka makatulong yun para tiyak na mai-consider ang nomination niya," sabi ni Direk Brillante.

Mula sa mga government agencies on culture and the arts, ‘tulad ng CCP at NCCA, among others, magmumula ang nominasyon ng mga pangalang posibleng tanghaling National Artist, na pipiliin ni Pangulong Noynoy Aquino para parangalan sa taong 2013.

"Kailangan maging solid ang support at justified ang endorsement, e," sabi rin ni Direk Brillante.

NORA AUNOR FOR NATIONAL ARTIST. Malaking bentahe at pabor kay Ate Guy, o Nora ang naging mabuti nilang ugnayan at pakikipagtrabaho sa isa’t isa, para makuha rin niya ang buong paniniwala at suporta mula sa kanyang direktor na si Brillante Mendoza.

"Dapat objective sa assessment... isaalang-alang yung credibility, more than anything else," sabi ni Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit si Nora Aunor [for National Artist]?

"Una, from my point of view, kung hindi ko siya nakatrabaho, kung hindi ko siya nakilala, hindi ko sasabihin ito.

"Hindi ko siya maire-recommend din, in a way. Hindi ko masasabi na siya dapat [ay maging National Artist].

"[Otherwise] I will base everything on what I hear, from what I read, at kung ano yung alam ko tungkol sa kanya based on her publicity lang.

"But based on experience, sa akin, sa film na ito [Thy Womb] ang isa sa pinakamagandang nangyari yung na-discover ko siya!

"Na-discover ko bakit si Nora Aunor?

"Bakit siya Superstar? Bakit sikat siya? Bakit naging phenomenal ang kasikatan niya? Yung success niya? Bakit iconic siya?

"And then, you realize... in fact nga, these aspects, parang wala nga, e.

"It’s her being a true artist. The real meaning in the truest sense kung ano yung pagiging artist.

"Para sa akin si Nora Aunor ang epitome ng pagiging artist.

"And her being an artist si innate. Na ngayon ko lang nakita.

"So, when you nominate somebody to be the National Artist, dapat nandun yung true meaning na ’yon.

"Nora Aunor deserves it because she is it. Siya ’yon!

"Kaya pala siya gano’n… kaya pala gano’n ang naging buhay niya kasi more than an actor, she is first an artist!

"Other actors of her time, of her generation, parang... I can’t see them doing or delivering what she has done in this film,” pagtukoy niya sa Thy Womb na kanilang proyekto ni Ate Guy.

"Iba yung kanyang commitment. ’Pag naniniwala siya sa isang bagay, committed siya. Dedicated siya.

"Kaya na-discover ko sa sarili ko sa pagtatrabaho namin, that Nora is more of a representation of a National Artist."

COMES WITH RESPONSIBILITY. Sa kanyang marubdob na pagsuporta ay mayroon ding "unsolicited advice" si Brillante Mendoza kay Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito, sabi ko rin sa kanya, ’Itong National Artist ... it comes with responsibility.

"’Ibig sabihin, sobrang taas na ng pagkilala sa ’yo ng mga tao. Kaya isa ka ng tunay na institusyon, bilang Pambansang Alagad Ng Sining.

"’That comes with responsibility. A huge responsibility!’" pag-ulit ni Direk Brillante.

Wala namang nabanggit si Direk na pagsalungat mula kay Ate Guy o hindi pagdinig sa kanyang mga payo.

Sabi pa raw ng direktor ni Nora sa Thy Womb: "Kapag na-elevate ka, paninindigan mo rin ’yan for the rest of your life!"

NORA AS BADJAO MIDWIFE. Samantala, tungkol sa pagiging pangunahing aktres ni Nora Aunor sa Thy Womb, unang pagkakataon din sa panayam na ito ng PEP na nagbahagi si Direk Brillante tungkol sa "maseselang eksena" na ilan lang sa highlights ng Nora Aunor-Brillante Mendoza collaboration.

"Lahat ng mga ginawa ni Nora sa film, first time!" paniniyak ni Brillante.

Tulad daw ng totoong pagpapaanak sa Badjao natives. Unang nabanggit ni Direk Brillante bago sila tumulak patungong Tawi Tawi noong April 14, na aniya, "Pitong buntis ang nakapila!"

Sa panahon ng shooting, dalawang buntis ang aktuwal na nakunan ng kamera, habang nanganganak.

Si Ate Guy ang kanilang naging komadrona.

"Makikita mo naman sa film," paniniyak ni Direk Brillante. "Dalawang beses siyang nagpaanak."

Sa wari ni Direk Brillante, nagawa ni Nora ang mga eksena ng pagpapaanak nang may kaukulang paghahanda at walang kaba sa dibdib.

"Kahit nung una, hindi siya kinabahan. Ako nga ang kinakabahan," natatawang kuwento ni Direk Brillante..

"Kasi, dito pa lang [sa Manila], kinausap na niya yung mga komadrona. Nag-workshop na siya sa komadrona.

"Si Ate Guy, napaka-humble niya," sabi rin ni Brillante.

"Kasi, nang tinanong siya kung ano ang preparation niya, para sa particular scene na ’yon, na maselan... ni-remind ko siya, na marami siyang ginawang preparation.

"Pero, sinabi niya, ’Wala lang...’ E, ang dami kaya niyang ginawang preparasyon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-workshop siya with the komadrona. Nag-weaving siya. Ang galing din niyang mag-weave. Namangka... ang galing na din niyang magsagwan.

"Iba naman yung magsagwan nang walang katig ang bangka!" natatawang pag-alala pa ni Direk.

Tumaob ba ang bangka ni Ate Guy sa eksena nila sa laot ni Bembol Roco?

"Well... otherwise, hindi mo na papanoorin ang pelikula ’pag ikinuwento ko sa ’yo!" natawa uli si Direk Brillante.

IN HER BEST ELEMENT. Masayang pagbanggit pa ni Direk Brillante, "Dito sa Thy Womb Nora is back in her usual form."

Sa ilang pagkakataon, naobserbahan din ni Brillante na, "Si Ate Guy, masyadong mabait.

"Hindi siya marunong [makipagtalo] sa ibang direktor niya. Sumusunod siya kung ano’ng sabihin sa kanya, kahit deep inside she doesn’t feel like doing it.

"Sabi ko sa kanya, ’Dapat hindi gano’n, kasi artist ka...’

"’Kung ano’ng nararamdaman mo, yun ang gagawin mo...’

"Lumalabas kasi kapag hindi mo gusto, o hindi ka sang-ayon sa ginagawa mo.

"Importante na sang-ayon ka sa ginagawa mo para maging maayos ang trabaho o makuha nang tama.

"Sinasabi ko naman sa kanya. May mga gano’n kami, pero more often than not, wala kaming take two kasi nahuli na niya ako.

"First day pa lang, alam na niya kung ano ang gusto ko."

"Nakakapanibago kasi sa artista, na dati, naka-tanikala ka, ‘tapos bigla kang pinakawalan.

"Na puwede kang mag-explore sa set… i-explore mo ang character mo.

"Hindi ka limited sa pag-explore sa space.

"Ayoko lang ng umaarte as in, ’No acting, please!’” diin pa ni Brillante.

"Kaya ang artista mismo—tulad ni Ate Guy, nina Bembol, Lovi [Poe] at Mercedes [Cabral] nagtataka, ’Totoo ba ito? Baka binibiro lang ako [ni Direk]!" sambit din ni Brillante.

. Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg">


. Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg"> . Siya ’yon!"" data-url="https://www.pep.ph/news/34069/direk-brillante-mendoza-on-nora-aunor39s-national-artist-nomination-nora-aunor-deserves-it-because-s" data-desc="The award-winning director believes becoming a National Artist comes with responsibility." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/63be3e9ae.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN