Direk Dominic Zapata on the Raymart-Claudine vs Mon Tulfo issue: "I find [it] rather entertaining."

Direk Dominic Zapata on why he considers the string of showbiz issues, including the Raymart-Claudine vs Mon Tulfo scuffle, entertaining: “Only because, you know what? Minsan napaka-monotonous na ng buhay ko. Ito parang, ‘Ano balita?’ Ito, parang napa-ano ako, ‘Ano?! Talaga?!’"


Paano kaya nahawakan ni Direk Dominic Zapata ng My Beloved ang situwasyon sa pagitan ng mga artista niyang sina Marian Rivera at Katrina Halili na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan?

Ito ang itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dominic Zapata sa set ng Boy Pick-Up (The Movie) kahapon, May 10 sa Metro Tiles sa Tomas Morato, Quezon City.

“Ano naman, e… kasi maano naman sila, parang… minsan kasi di ba, umiinit ang ulo mo, ‘tapos, tapos kaagad.

“Ang sa akin lang, hindi ako makikidagdag doon. Iyon lang yung alam ko na okay. Peacemaker tayo dapat,” pahayag niya.

At bilang peacemaker…

“Kinausap ko sila, separately. Kasi nga baka may misunderstanding lang. Na, ‘Meron ba kayong… are you cool?

“’Kung hindi kayo cool baka mero’n lang kayong hindi pagkakaunawaan.’

“They’re very ano naman, e…they’re very level-headed.

“After I talked to them okay na ulit sila. And they’re also professionals e.

“They understand na, ‘Okay it’s a job, kailangan nating tapusin ang trabaho.

“’Kapag hindi ko aayusin ang aming working relationship, things are just gonna get more difficult.

“’Not only for myself, but for everyone else.’

“And of course when you talk about everyone else, it’s the people that you care about, who are dear to you.

“Whether it’s your boyfriend, your executive producer, or kahit yung alalay mo lang na lagi mong kasama. It becomes more difficult, e.

“So they’re all very level-headed. They understand na kung hindi natin maayos ito, e, tayu-tayo rin ang mahihirapan and the people who are dear to us.”

PREGNANCY BLUES? Sa palagay ba ni Direk Dominic, ang dahilan ng awayan ng dalawa ay napaglihihan lang ni Katrina si Marian?

“Maaari, e. Kasi hindi ko naman nakita. Actually, hindi ko nakita kung ano ba itong pinagmulan, kung ano ba ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Haka-haka na lang. At that point kasi, I was so busy with itong Boy Pick-Up, pinag-iisipan na namin kung paano lulutuin.

“I was reading scripts for Luna Blanca, so I wasn’t in the loop, kung anuman yung nangyari.

“I [became] involved... nung nagkaayusan na.

“Iyon yung medyo mas aware ako, dun na, ‘Ay, may ganun palang nangyayari!’

“I was able to step in nung mag-aayusan na. Kaya kinausap ko na sila. Pati EP [executive producer] ganun.

“Everyone did [his] own fair share to make things work including yung si Katrina and si Marian.

“Okay nga, I like it better. I like it better that way. Yung nagkaayos ‘tsaka… I like it also kung siguro sa magkaibigan, kung wala kayong tampuhan ever… sa akin, sorry, sports-minded kasi ako, e.

“I see it like a basketball game; hangga’t wala kayong talo, hindi ninyo nakikilala kung ano yung weakness nung character ninyo and how you respond to crisis.

“So kung nagkaroon sila ng ganoon, it’s good for their working relationship with each other.”

NOT LEAVING. Nilinaw naman ni Direk Dominic, hindi siya aalis sa My Beloved ‘tulad ng napababalita.

Siya rin kasi ang direktor ng upcoming series ng GMA-7 na Luna Blanca na pagbibidahan ng three generations of stars ng Kapuso network na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey; Barbie Forteza at Bea Binene, and Heart Evangelista at Bianca King.

“Right now I missed two taping days ng My Beloved kasi nga sa Luna Blanca.

“Um-absent ako, kasi in-advance, advance namin.”

Si Direk Lore Reyes muna ang humahawak ng My Beloved na co-director ni Direk Dominic.

“Um-absent ako ng a few days kasi for airing [na ang Luna Blanca], the other scenes naman [ng My Beloved], na-advance na namin.

“’Tapos once I’m through with the movie [Boy Pick-Up starring Ogie Alcasid and showing on June 6], I could stick to both soaps, Luna Blanca and My Beloved.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya nagrereklamo na halos wala na siyang pahinga…

“Okay lang yun. Trabaho yun, I shouldn’t complain.”

RAYMART VS MON. Napag-usapan naman ng PEP at ni Direk Dominic si Raymart Santiago na kaibigan niya at isa rin sa mga artista niya sa Luna Blanca kaugnay ng awayan ng aktor at ng veteran broadcaster na si Mon Tulfo.

Nuong May 6, nasangkot sa eskandalo si Mon at mag-asawang Raymart at Claudine Barretto sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).



Ayon sa news report na lumabas sa PEP, nakita ni Mon na nagwawala si Claudine sa counter ng NAIA 3 dahil nawawala ang bagahe nila ni Raymart.

Naiwan ang mga bagahe ng mag-asawa sa Caticlan airport sa Boracay, dahil kinailangan itong i-offload "for safety purposes." Nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine.



Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.

“Showbiz is what it is. What’s happening, I find… I’m sorry, Raymart is a friend but I have to admit, what’s happening with showbiz right now, I find rather entertaining,” ang natatawang sabi niya.

“Only because, you know what? Minsan napaka-monotonous na ng buhay ko. Ito parang, ‘Ano balita?’ Ito, parang napa-ano ako, ‘Ano?!! Talaga?!’"

Nag-taping na raw si Raymart for Luna Blanca pagkatapos ng airport incident nila ng asawa niyang si Claudine Barretto laban kay Mon Tulfo.

“He can look back at it now na medyo kaya na niyang tawanan.

“It doesn’t mean na he’s trivializing everything.

“He knows what damage it may have brought to his family, and probably to his reputation and I sympathize with him.

“Okay naman siya. Uma-alalay ako sa kanya na, ‘Sabihin mo lang kung okay ka. I’m sure pagod ka, e.’

“’Tapos alalay rin ako sa script kasi baka hindi niya masyadong na-absorb yung script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Step by step ko siya na, ‘Ito yung pinanggalingan ng eksenang ito,’ ganyan.”

Naitanong kay Direk Dominic kung nagdagdag ba sila ng security sa set dahil sa pangyayari sa pagitan nina Mon Tulfo at ng artista niyang si Raymart.

“Wala,” sabay-tawa niya. “Walang ganun.”

Wala silang kaba na baka may mangyari kay Raymart?

“Wala, ang dami namin dun, e.’

Ayon pa rin sa direktor, “But whoever was involved, I won’t wish that to happen to anyone, much less to a friend of mine.

“On both sides, sana hindi na lang nangyari.”

OVERSIGHT. Sa tingin niya, sino ang may fault, ang Cebu Pacific ba?

“Kung yung mitsa, yun talaga, Cebu Pacific talaga.

“Pero they are a company na I’m sure they always try their best.

“Not even to avoid these things, but everyone wants to be competitive nowadays, you’re protecting your business.

“So hindi sinadya ito, it’s not even probably an oversight, it was just an accident.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN