Suzi Entrata-Abrera’s plans on Mother’s Day—breakfast in bed with husband Paolo and the kids

Suzi Entrata-Abrera is looking forward to spending Mother’s Day with husband Paolo, and their three daughters, Leona, 8, Jade, 7, and Nela, 6. She shares: “Usually, breakfast in bed ako. Nilulutuan nila ako ng pancake, bacon, tapos may orange juice. So, sabay-sabay kaming kumakain sa kama. E, di ba bawal yun? So, once a year kaming sama-samang kumain sa kama.”


Mother’s Day na bukas, May 13, kaya may kinalaman dito ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa celebrity mom na si Suzi Entrata-Abrera.

Nakausap namin siya sa grand press launch ng Clara Ole Ora Mix Mo specialty fried rice mix na ginanap sa 55 Events Place sa Sct. Rallos, Quezon City kahapon, May 11.

Siya kasi ang nagsilbing host sa naturang event na tinampukan din ng sikat na Pinoy chefs na sina Chef Sandy Daza at Chef Eugene Raymundo. Special guest naman si Junior Master Chef Grand Champion Kyle Imao.

Na-e-excite daw si Suzi kapag sumasapit ang espesyal na araw na ito ng mga nanay dahil super-asikaso daw siya ng kanyang asawang si Paolo Abrera at ng kanilang tatlong anak na babae – Leona (8), Jade (7) at Nela (6).

Aniya, “Usually, breakfast in bed ako. Nilulutuan nila ako ng pancake, bacon, tapos may orange juice. So, sabay-sabay kaming kumakain sa kama.

"E, di ba bawal yun? So, once a year kaming sama-samang kumain sa kama.”

Hilig daw niyang lutuan ang asawa at mga anak. Paborito raw ng mga ito ang kanyang adobo at Thai meatballs. Nagluluto rin siya ng fried rice kaya ayon kay Suzi malaking tulong daw sa mga katulad niyang working mom ang Clara Ole Ora Mix Mo para magkaroon ng variety ang niluluto niyang fried rice na masarap pero mabilis gawin.

Sa mga nakaraang Mother’s Day, ano na ang best gift na natanggap niya mula sa kanyang mga anak?

“They always make drawings for me na may nakalagay na ‘I Love Mama,’ ‘You’re the best Mama!’

"So, ikaw nanay ka tapos pagod ka sa work, tapos nagwa-wonder ka, ‘Have I done enough for my children, for my husband? Tapos bibigyan ka ng drawing na merong ‘You’re the best Mama in the world,’ talagang wala nang tatalo sa ganung regalo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IDEAL CELEBRITY MOM. Kabilang si Suzi sa kinikilalang ideal at best celebrity mothers sa showbiz. Ano ang masasabi niya rito?

“Thank you so much. Basta ako, I just do my best, so if people appreciate that and they think that I’m ideal, it’s flattering for me. Kaya thanks talaga.”

Ano ang pinaka-fulfilling sa pagiging isang ina?

“To see that my children are happy and healthy. Yun ang most fulfilling para sa akin na alam kong naaalagaan ko yung kanilang physical, emotional, spiritual well-being, na balensado yung kanilang personality. Yung makita ko na marami silang tools for their lives ahead.”

A BOY FOR HER NEXT BABY? Wala pa ba silang balak ni Paolo na sundan ang kanilang tatlong anak?

“Naku, yan na nga ang magandang tanong. Kasi six years old na yung bunso e. Pwede pa naman, I’m 37, so pwede pa naman.”

Gusto niya bang lalaki naman ang susunod niyang anak?

“Oo naman. Kung pwede nga lang, kung makakasigurado ka or makakapamili ka, siyempre boy naman kasi tatlo na yung girls ko. Tapos yung asawa ko, ang kapatid niya babae, so walang magke-carry ng family name niya.”

Hindi ba sila humingi ng medical advice kung paano makakabuo ng baby boy?

“Oo, we’re doing that. Ang daming nag-a-advice. Di ba yung [sexual] position supposedly, yung diet or timing, yes may ganyan kami.

"Lahat na ng advice pinagsama-sama na namin pero wala pa rin e. Siguro God’s will na lang talaga kung magkaka-boy pa kami.”

FULL TRUST IN PAOLO. Eleven years na ang pagsasama nina Suzi at Paolo bilang mag-asawa simula nang ikasal sila noong May 6, 2011.

Una silang nagkakilala at nagkasama nang maging hosts sila ng sports show na Game Plan. Na-"develop" nga sila sa show hanggang sa lumalim ang kanilang relasyon at magdesisyong magpakasal.

Paano nila napapanatili ang magandang samahan nila bilang mag-asawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Continuous bonding lang with the kids. Kasi yung mga anak namin ang aming inspirasyon para gawing stronger ang relationship namin.

"After our work naman sa morning and afternoon, magkasama na kami sa gabi and have dinner with the kids. And then once in a while we still go out on dates. Mahilig kami sa movies.

"So, pag may magandang movie, minsan after ng morning shows namin, magla-lunch kami together tapos manonood ng movie. Simple lang ang buhay namin. Hindi naman kami magimik e.”

Wala bang isyu ng selosan sa kanila?

“Wala masyado. I think in a relationship dapat may konting selos kasi parang wala na kayong pakialam sa isa’t isa. Si Paolo kasi hindi naman talaga selosong asawa.

"Pero pag sinisita niya ako like, ‘Bakit ganyan ang suot mo?’ parang hindi ko akalain. Kasi dati lumalabas ako naka-shorts lang ako at sando. May ganung feeling lang na parang ‘Wow, concerned.’

“Ako naman bihira akong magselos sa kanya kasi suplado kasi yun sa girls, e... Pero may time na tatanungin ko siya, ‘Saan ba kayo nagpupunta ng friends mo? Nagmo-motor lang kayo buong araw?’ Yung ganun lang.”

Buo raw ang tiwala ni Suzi sa kanyang asawa at confident siya na hindi sila maghihiwalay.

“Hindi kami maghihiwalay. Huwag naman, ang babata pa ng mga anak namin. At saka wala naman siyang ginagawang masama o ako para maghiwalay kami.”

NO PROFESSIONAL RIVALRY. Wala rin daw problema kina Suzi at Paolo kahit na nagtatrabaho sila sa magkaibang morning shows sa magkalabang networks. Si Suzi kasi ay isa sa mga hosts ng Unang Hirit sa GMA-7, habang si Paolo naman ay co-host ng Mornings@ANC sa ANC, ang cable news channel ng ABS-CBN.

“Hindi kami apektado ng network war, walang professional rivalry. Magkaiba yung time slot namin at saka magkaiba yung market.

"Kasi sila cable news channel sila, English ang language nila. Aminin mo yan. Yung Unang Hirit is more of pang-masa talaga kaya Tagalog ang ginagamit namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO PLANS TO TRANSFER. Ayon kay Suzi, hindi naman daw siya niyayaya ng asawa niya na lumipat ng network. Masaya raw siya at kuntento sa GMA-7.

“Wala naman kasi akong mairereklamo [sa GMA-7], sa totoo lang. Hindi ako unhappy. I like working with the people [of Unang Hirit], mga kumare at kumpare ko na sila.

“Pero siyempre anybody naman, given an opportunity na parang daang milyong, di ba parang mapapaisip ka rin.

"At saka kung iisipin mo naman na friends mo naman ang mga katrabaho mo, e di friends pa rin kayo, magkikita pa naman kayo.

“Pero at this point, wala akong mako-complain. They’ve been kind to me, they’re so understanding. Kunwari sa Unang Hirit, e di ba mommy ako at kailangan ako sa PTA meeting.

"Magpapaalam ako kung pwede ba akong umalis ng mas maaga, pumapayag naman sila kasi they understand how important family is to all of us. Kasi mga nanay kami, mga tatay kami doon. Yung fact na yun na-appreciate ko sa kanila.”

Wala bang offer ang TV5 sa kanya lalo na’t ilan sa mga kaibigan niya ay doon nagtatrabaho katulad ni Paolo Bediones?

“Wala namang formal talaga. Puro informal lang from friends. Kami ni Beds [Paolo Bediones], matagal na kaming hindi nag-uusap e. Nung pag-alis siya sa GMA-7 siguro twice lang yata kami nakapag-usap.”

Paano kung magkaroon ng formal offer na malaki ang compensation package?

“I would be a hypocrite to say ‘No way.’ Siyempre it’s a come on, e.

"That’s the only way you can make a person think about [the offer], di ba? Bakit ako aalis? Ang saya-saya ko na dito e. So, parang what else can you offer aside from monetary compensation.

"But for me, if you ask me now, if I’m happy where I am—super. I’m super happy. Hindi lang dahil sa hosts ha, pati yung staff barkada ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More than anything it’s also always flattering when somebody thinks you’re good enough to pirate.

"Whether or not natuloy kayo o hindi, whether nagtanong lang minsan o hindi na nagtanong ulit, parang pag in-ask ka kahit sinuman, siyempre mapa-flatter ka.

"Ibig sabihin, ‘Ha? So, nagagalingan din pala kayo sa akin,’ parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN