QC Councilor Roderick Paulate denies that he maintains ghost employees; says he’s not suspended from office

Is Roderick Paulate disheartened by the "ghost employees" issue? “Alam mo, ang balita ko...balita lang ito ha? Tsismis lang ito," he begins, "Yun daw ang purpose para mawalan ako ng gana at hindi na ako tumakbo.” Well, the councilman says he’s running for a second term.


Ang award-winning actor-turned-politician na si Quezon City Councilor Roderick Paulate ay nasasalang ngayon sa isyung pulitika.
Lumabas kamakailan ang balitang kakasuhan umano siya ng graft and corruption sa Ombudsman dahil sa pagkakaroon nito ng diumano’y “ghost employees” sa kanyang payroll.

Napabalita ding suspendido na sa kanyang posisyon si Roderick kaugnay dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa birthday party ni QC Mayor Herbert Bautista nuong Sabado ng gabi sa ballroom ng Edsa Shangri-la Hotel, nagpahayag ng kanyang pagkagulat at saloobin si Roderick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media na nag-interview sa kanya.
Bungad na pahayag nang aktor, “Actually, na-shock lang ako dahil merong balita. Tapos lumabas na doon yata sa isang broadsheet na I’m suspended, parang ganon.
"Pero hindi ako suspended! Kasi wala naman akong natanggap [na formal notice]. Usually, ipinapadala yan sa tao mismo.
“Hangga’t wala akong natatanggap, hindi ako suspended," diin niyang pagpapatunay.
Nagagawa pa rin daw ni Roderick ang trabaho niya gaya ng pagpasok sa opisina at pagbisita sa kanyang mga nasasakupan.
“Pumapasok pa rin ako. In fact, pumupunta ako sa mga barangay. Nagta-trabaho pa ako. Kasi hangga’t hindi ko natatanggap yung [formal notice], hindi ako suspended.
“Kaya lang, nauna yung writeup, nauna yung mga issues sa press. Hindi ko alam kung bakit ganon. Pero technically, I’m not suspended.”
Clueless si Roderick kung saan nanggaling ang balita. Naniniwala siya na ang isyu ay may halong pulitika.
“Nung nagsimula yan, parang nababasa na namin na it’s politically motivated. Kasi kakaupo ko pa lang parang meron na agad ganon.
“But let’s see, let’s see kung ano ang mangyayari,” pahayag niya.
BECAUSE HE’S FROM SHOWBIZ? Malaking palaisipan kay Roderick kung bakit “ghost employees” ang ibinabatong issue sa kanya.
“Hindi ko nga alam e, lagi namang ganun talaga raw e…sorry ha? Sinasabi ko lang yung napi-feel. Lagi naman raw talaga ganun ang charges, e.
"I think most of the stars [who joined politics] naka-experience nang ganon [ghost employees issue]. Tapos kumakalat yung ganon.
“Hindi ko alam kung bakit ipinupukol sa akin yung ganon. Siguro yun ang madaling sabihin."
Nagpahayag na ng kanyang suporta para kay Roderick si Mayor Herbert. Sinabi nitong hindi siya naniniwalang may ginagawang graft and corruption ang councilman.
“Dapat lang na hindi siya maniwala dahil we’re doing everything, no!" mabilis niyang sabi.
“Ginagawa naming lahat. Gusto namin yung tuwid na daan.”
At sinasabi rin ni Mayor Herbert na walang ghost employees sa kaniyang opisina.
“Wala! I will say na zero ghost employees kami. Kasi we have a process, e. But ayaw kong ipaliwanag dito," sabi ni Roderick.
Kinakausap na rin daw niya ang kanyang mga abugado para sa kanyang depensa kung sakali mang maisulong ang nababalitang kaso laban sa kanya.
“Susundin natin kung anuman. If there’s an investigation, I welcome that to clear my name.”
SUPPORT FROM HERBERT AND JOY. Ikinatuwa ni Roderick ang malaking pagsuporta sa kanya ni Mayor Herbert.
“Alam mo, natutuwa ako, si Mayor Herbert nandiyan, yung support rin ni Vice [Joy Belmonte] and of course the whole council.”
Wala raw violent reaction sa kanyang pamilya dahil sa isyu. Pagsasalarawan ni Roderick sa reaction ng kanyang mga mahal sa buhay: “Wala, cool lang sila. Cool lang.”
Turned off na ba siya sa pulitika dahil sa nangyayari sa kanya?
“Alam mo, ang balita ko...balita lang ito ha? Tsismis lang ito," pasakalye muna ni Roderick bago isinunod ang gusto niyang sabihin.
“Yun raw ang purpose para mawalan ako ng gana at hindi na ako tumakbo.”
Paano niya pinaghahandaan ang laban sa isyung ito?
“Alam mo, walang pinaghahandaan. Kasi sagot ka lang naman. Pero ang importante, alam mo kung ano, sa sarili mo.”
Nakangiti at walang mababakas na pressure sa mukha ni Roderick habang sinasagot nito ang mga katanungan tungkol sa graft and corruption issues sa kanya. Parang hindi ito apektado sa intriga?
“Kung walang ginawang kasalanan, hindi ka dapat ma-affect e. Ang nakakatakot lang, yung talagang gagawan ka ng kasalanan...wala na akong magagawa dun.”
Dugtong pa niya: “Alam mo ang daming nagsasabing, initiation, test lang daw ito. Ganyan daw talaga pag malapit na ang eleksyon. Pero nakakasama rin ng loob, nakaka-depress.
“Alam n’yo matagal na rin kayo dito. Kilala n’yo na rin ako at alam n’yo rin kung ano ang pulitika... Basta sabi nila huwag lang akong mawawalan ng lakas ng loob.
“Kailangan raw tumakbo pa rin ako.”
PUBLIC PERCEPTION. Naiintindihan daw ni Roderick na hati ang reaksyon at paniniwala ng tao sa isyu laban sa kanya.
“Yung public perception, I think, yung iba na medyo hindi nila naa-analyze, siguro yung iba sa kanila maniniwala. Pero I’m sure yung mga nakakakilala sa akin, alam nila ang totoo.
Naiintindihan din daw ni Roderick kung may mga humuhusga na raw sa kanya, hindi pa man kumpirmadong sasampahan siya ng kaso.
“Wala na akong magagawa dun sa mga humuhusga, may mga naniniwala, may mga nagbibigay ng benefit of the doubt. Pero yung mga nakakakilala sa akin, alam nila kung ano ang totoo.”
“Yung mga naninira sa akin at gustong sumira sa akin, salamat din. Siguro parang tini-train ako ng Panginoon how to face this...test na rin siguro ito sa akin para lumakas ang loob ko.
“Pero sana lang huwag tayong manalo, o magsilbi sa tao sa pamamagitan ng paninira. Kasi, hindi tanga ang tao e. Alam nila kung sinisiraan mo ang tao.”
Ano ang opinyun ni Roderick sa Ombudsman?
“Ako, I respect them. Yung Ombudsman they’re just doing their jobs. I welcome the investigation to clear my name.”
BIRTHDAY WISH FOR THE MAYOR. Bilang pasasalamat kay Mayor Herbert, nagbigay ng kanyang birthday wish si Roderick.
“Love ko yan e. Well, alam n’yo naman sa showbiz kami nagkasama n’yan, parang kapatid ko yan. But of course, iba na ngayon.
"It’s really an honor na magtrabaho ako under his administration. Maganda ang team nitong bagong administration."
Bilang ba niya talaga ang mga empleyado niya?
“Oo naman! Pero I don’t want to elaborate. Kung ano lang yung dapat kong sagutin.”
Ang tinutukoy niya ang posibleng pagharap niya sa mga kinauukulan.
MOVIE PROJECTS. Tungkol naman sa kanyang acting career, may gagawin bang pelikula si Roderick?
“I’m doing a movie. Kaya nga sana matapos na ito e,” dalangin niya.
Dalawa ang production company na nag-aalok sa kanya ng movie project. Ang isa ay Viva Films at ang pangalawa naman ay ang APT.
“Pinag-uusapan na, sana maayos na, hindi pa lang matuluy-tuloy. Most probably...pero dapat sana APT muna e. Kung hindi magagawa ng APT, Viva Films na tayo.
“Eto yung kasama si Maricel [Soriano]. At meron pang isa na ang balita ko, tatakbo rin [sa pulitika] yung makakasama ko,” pagbabalita niya.
Tuloy pa rin ang pagtakbo ni Roderick sa pagiging QC Councilor sa ikalawang pagkakataon ngayong darating na eleksyon. Ano ba ang natutunan ni Roderick sa pinasukan niyang mundo ng pulitika kumpara sa mundo ng showbiz na kinalakihan niya?
“Ako, number one sa akin, trust in the lord. Basta nasa Diyos ka, nobody can go against you. Number two, ingat. Mag-ingat ka.
"Huwag masyadong trusting. Kasi pulitika na ito. Kasi hindi pala ito katulad ng showbiz na kapag galit kayo sa isa’t-isa, mag-a-away kayo sa mga talk shows, tatawag kayo ng mga kaibigan sa press. Dito [sa politics], hindi mo alam e.”
Mas tumapang ba siya?
“Kailangan pa ng training. Yung iba, parang wala lang. But of course, ako, I always pray. Hindi ka mawawala kung lagi kang nagdadasal sa Panginoon.”
Natatawa si Roderick sa mga nagsasabing tanggap na siya sa mundo ng pulitika dahil nakatikim na siya ng isyu at may mga detractors na siya.
“Ganito ba yun? Kailangan bang ganito yun para matuto sa politics? Grabe ano!
"Alam nila yun na I want to serve, I want to serve right. Hindi ko gusto ng ganito e. Saka hindi tayo uunlad kung ganito ang sistema. Dapat trabaho tayo nang trabaho.
“Pero hindi natin maiiwasan na may mga tao na they’re just after the position and after the power.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN