Jennylyn Mercado denies marriage plans with Luis Manzano; says she’s happier to celebrate her birthday this year because of him

Jennylyn Mercado on having Luis Manzano (photo inset) guest in her show despite them being contract stars of two rival networks: "Siyempre masaya at napagbigyan niya kami…ang Showbiz Central. Masaya kami na merong kakaibang maio-offer din sa mga tao. Like, possible rin pala na yung mga tagaibang network ay puwedeng makasama namin dito. So, nakakatuwa."


Bakas sa mukha ni Jennylyn Mercado kung gaano siya kasaya nang mag-guest ang boyfriend niyang si Luis Manzano sa Showbiz Central kahapon, May 13.

Kilig na kilig naman sa kanilang dalawa ang mga taong naroon sa loob ng studio.

"Kasi, nag-guest ako sa kabila," pagbanggit niya sa kanyang pagiging contestant sa Kapamilya, Deal or No Deal na programa ni Luis sa Kapamilya network kamakailan.

"So, dapat bumawi siya dito!" natawang sabi ni Jennylyn nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) at iba pang miyembro ng media matapos umere ang nasabing Sunday showbiz talk show ng GMA-7.

"Siyempre masaya at napagbigyan niya kami…ang Showbiz Central.

"Masaya kami na merong kakaibang maio-offer din sa mga tao.

"Like, possible rin pala na yung mga tagaibang network ay puwedeng makasama namin dito. So, nakakatuwa."

CELEBRATIONS. Yesterday was a very special day for Jennylyn. Bukod kasi sa 5th anniversary special ng Showbiz Central ang episode kahapon, Mother’s Day pa. ‘Tapos, may advance birthday celebration din siya sa nabanggit na programa.

Bukas, May 15, ang mismong birthday ni Jennylyn. Unang pagdiriwang daw niya ng kanyang kaarawan na sila na ni Luis. At mas masaya raw siya ngayon kumpara sa mga nakaraang birthday niya.

"Opo," nangiti ang aktres. "Kasi yung last time, iyon pa ang peak na… ano pa ako, may pinagdadaanan pa ako noon," dahil kabi-break lang nila ni Dennis Trillo that time at ang daming mga intriga.

"So, hindi pa talaga ako gano’n kasaya no’n. Ngayon, masaya ako dahil kasama ko si Luis at nandiyan siya para sa akin."

WITH LUIS MANZANO. Paano ba naiba ang pagsi-celebrate nila ni Luis ng kanyang birthday kumpara sa mga nauna?

"Ayoko namang mag-compare. Pero pare-pareho namang may magagandang memories.

"At may magagandang lessons naman akong natututunan sa lahat ng mga napagdadaanan ko. Sa lahat ng mga nakakasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, as much as possible, ayaw ko nang mag-compare. Kasi magiging unfair naman iyon sa iba."

LUIS’S GIFT? Ano ang birthday gift sa kanya ni Luis?

"Wala pa. Ano’ng plano? Magdi-dinner lang kami kasama ang family at saka friends. Yun lang. Simpleng-simpleng dinner lang."

Nung birthday ni Luis, siya ang naging abala sa sa preparasyon ng selebrasyon nito. Ngayon kayang kaarawan niya, si Luis naman ang mag-aasikaso?

"Ay, ayokong mag-expect. Kasi siyempre, magkaiba naman kami.

"At saka ang babae naman talaga ang mas nag-aasikaso ng mga ganyang party. Mas masipag ang mga babae sa mga ganun, e.

"Yung mga boys, hindi mo kailangang mag-expect."

Pero sa pakiramdam ba niya, may inihahandang surprise para sa kanya si Luis?

"Hindi ko talaga alam, e."

Anu-ano na ang mga regalong natanggap niya kaugnay ng kanyang birthday?

"Wala pa. Wala pa talaga akong natatanggap na regalo. Pero yung Showbiz Central family ko, talagang napasaya nila ang birthday ko."

Halatang medyo kinakabahan si Jennylyn sa paggi-guest ni Luis for the first time sa Showbiz Central. Unang yapak din ito ng actor-TV host sa bakuran ng Kapuso Network.

"Oo. Sobrang kinabahan talaga ako!" sabay tawa ni Jennylyn.

"At saka hindi ako masyadong makapag-isip," patungkol pa niya sa naging one-on-one interview niya kay Luis.

"Hindi katulad ng mga ibang nai-interview ko na may mga pumapasok sa isip ko.

"Pero with Luis, parang may nakaharang na…kapag wala kang nabasa [na questions sa idiot board], wala na akong maisip!" napahalakhak niyang pahayag.

"Hindi naman kami nag-usap bago kami sumalang sa floor. Ini-expect lang niya na isang formal interview iyon. Na ako talaga ang gagawa."

CLOSE WITH ATE VI? Nabanggit ni Luis, natutuwa raw ito na ang mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto at si Jennylyn ay maganda ang samahan at laging may communication. Malaking bagay raw ito para sa actor-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kusa ba ni Jennylyn na mag-exert ng effort para mapalapit kay Governor Vilma?

"Well, siyempre malaking parte ng buhay ni Luis si Governor Vi [palayaw ni Vilma].

"Ako, siyempre nakakasama namin siya. Kahit papa’no nakakapag-text, nakakapag-usap [kami].

"So, hindi namin talaga sinasadya. Pero siyempre bilang malaking parte ng buhay ni Luis si Tita [Vilma], e, siyempre ano… kailangang marunong ka ring makisama."

At para sa Star For All Seasons na si Ate Vi, may sagot si Jennylyn sa mensahe nitong, "Please take care of my son."

"Aalagaan ko po talaga. At saka, maraming salamat po at ibinigay n’yo sa akin ang tiwala. At sinuportahan n’yo po kami."

HER PLANS? Now that she’s 25, ano ang pangunahing nasa isip niya?

"Mas pagbutihan pa ang trabaho ko. Mas magiging workaholic ako ngayong taon na ito. At sa darating pang mga taon.

"At saka magpu-focus ako sa family ko, sa work ko. And hahabaan ko ang pasensiya ko. Yun!

"Dati, maiksi ang pasensiya ko," nangiting pag-amin ni Jennylyn.

"Medyo…mabilis akong mapagod. Mabilis uminit ang ulo ko.

"Pero ngayon, mas mahaba na talaga ang pasensiya ko."

LUIS’S INFLUENCE. Ito ba ang malaking influence sa kanya ni Luis?

"Si Luis naman kasi talagang ano, e, very positive na tao. So, nakakahawa talaga. Malaking influence.

"Dati, pinuproblema ko pati mga maliliit na bagay na hindi naman dapat problemahin.

"Yung mga intriga, tinatawanan na lang ‘yan. Kung hindi naman totoo, bakit mo pag-aaksayahan ng panahon? Yung mga gano’ng bagay."

MARRIAGE PLANS? May kumalat na tsismis kamakailan na nag-inquire na raw ng tungkol sa pagpapakasal sa Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, Batangas si Luis. Ikinagulat daw ni Jennylyn ang tungkol dito.

"Oo nga po, e. Nagulat ako kasi tinext ako ng manager ko, ‘Jen, ano ito, magpapakasal na raw kayo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi totoo. Unang-una, hindi pa kami handa. Pangalawa, marami pa kaming kailangang isipin at marami kaming priorities sa buhay.

"Lalo na ako. Si Jazz [anak niya kay Patrick Garcia], siyempre. At ang pamilya ko.

"Hindi pa ako handing magpakasal. Kaya wala muna iyon."

At wala pa rin naman daw proposal from Luis.

"Wala po. Wala po talaga."

Marami ang nagsasabing bagay nga sila o perfect match ni Luis. May mga umaasa na sana raw ay sila na nga ang magkatuluyan.

"Siyempre, lahat namang ng tao iyon ang gusto, na kung sino ang partner mo sa buhay mo, siya na ang panghabambuhay na makasama mo.

"Pero siyempre, sa tulong na rin siguro ni God at tiwala na rin sa isa’t isa, di ba?

"Depende naman iyon sa pagdadala ng isang relasyon," patuloy ni Jen.

DENNIS TRILLO. Nung kaarawan niya last year nung hindi pa sila ni Luis, at nasa kasagsagan pa ng intriga tungkol sa break up nila ni Dennis ay nagawa pa raw siyang batiin ng huli.

Magkasunod ang birthday nila ni Dennis na ipinagdiriwang naman ang kaarawan tuwing May 12. Ngayon ba ay nabati nila ang isa’t isa?

"Hindi. Ayoko, kasi baka mamaya maging issue pa iyon, e," sagot ni Jennylyn.

Nagkaroon na nga ng isyu ang hindi niya pagtuloy sa Boracay para sa live appearance ng mga Kapuso stars doon nitong Biyernes at Sabado. Totoo bang umiwas daw siya kay Dennis na dapat ay makakasabay niya sa flight patungo roon?

"Ang totoo po kaya hindi ako tumuloy, kasi Lunes pa lang ng gabi, sumama na po ang tiyan ko.

"Kasi nung Sabado po bago ako mag-Party Pilipinas, nag-sprint ako. ‘Tapos parang nagkapilay ako kaya hindi ako masyadong makalakad nang maayos.

"Nalaman ko na napunit pala yung muscle ko sa legs kaya hindi ako makalakad. At saka masakit na masakit ang binti ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos sinabayan ng high fever. At saka nga yung sakit ng tiyan, yung LBM. Na-dehydrate ako kaya nagkaroon ako ng mataas na lagnat.

"Sabi ni Mama, huwag na raw akong tumuloy ng Boracay kasi mukha na raw akong kamatis. Ang pula-pula ko raw.

"Ang taas nga kasi ng lagnat ko at nahihilo ako. Kaya sabi ko, dalhin na ako sa ospital.

"’Tapos in-admit na nga ako kasi ang dami nang nawalang fluid sa katawan ko. Two days akong na-confine.

"Hindi ko sinasadyang huwag tumuloy sa Boracay. Excited nga ako for that.

"Alam ko naman na kasabay ko sa eroplano si Dennis kung natuloy ako. At okey lang. Wala na namang problema.

"Masaya na naman kami sa kanya-kanya naming buhay. So, I don’t think magkakaroon talaga ng problema," katuwiran pa ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN