Barbie Forteza denies that Joshua Dionisio’s womanizing caused the split of their loveteam

After the success of Reel Love Presents Tween Hearts, Barbie Forteza bids good bye to screen partner Joshua Dionisio and says hello to a new loveteam with Elmo Magalona in Tweets for My Sweets. She says about the split: “Pero siyempre, may konting lungkot kasi hindi na si Joshua ang makakasama ko.”


Mawawala na sa ere ang Reel Love Presents: Tween Hearts na pinagbibidahan ng Tween Queen na si Barbie Forteza.

Pero may kasunod kaagad na dalawang projects para sa kanya ang GMA-7–ang ipinapalabas nang Tweets for My Sweet at Luna Blanca na pilot airing na sa May 21.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie kamakailan at ang unang naitanong sa kanya ay kung ano ang feeling na dalawa agad ang shows niya ngayon sa GMA.

“Masaya po at very thankful po ako sa tiwala ng GMA,” sagot ni Barbie.

“Pero siyempre, may konting lungkot, kasi hindi na si Joshua [Dionisio] ang makakasama ko.”

Hiwalay muna ang tambalang Barbie at Joshua o JoshBie.

Sa Tweets For My Sweet kasi ay si Elmo Magalona na ang magiging kapareha niya.

Sa Luna Blanca, na nasa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata ay may tatlong generation of stars.

Sa unang generation ay sina Jillian Ward at Mona Louise Rey, habang sa second generation ay sina Barbie at Bea Binene naman ang gaganap.

At sa pangatlo at huling henerasyon, pagbibidahan naman nina Heart Evangelista at Bianca King ang kuwento.


COMPETITION. Magkasama dati sina Bea at Barbie sa Tween Hearts series.

At dahil magkasama uli sila ngayon sa Luna Blanca, hindi ba naaapektuhan ang friendship nila ng pilit na pagbabangga sa kanila ng fans?

“Hindi po kami ganoon ka-close, pero hindi naman po kami magkaaway.

“Pero tulad po ni Joyce [Ching], mas naging close po kami nung nagkasama kami sa Ikaw Lang ang Mamahalin.

“Kaya sana po ngayon sa Luna Blanca, maging close din kami ni Bea.

“Hindi naman po siguro nag-aaway yung mga fans.

“Kasi ang alam ko po may mga common fans naman po kami,” lahad ni Barbie.

Kung dati’y isa sa lead stars si Barbie sa Tween Hearts, sa Luna Blanca naman ay hindi siya kasama sa kabuuang takbo ng show. Okay lang ba sa kanya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, okay na okay lang po! Nagpapasalamat pa nga po ako na kasali po ako kasi kakaibang project na naman po ito.”


MARIAN RIVERA. Kumusta ang working relationship niya with Primetime Queen Marian Rivera sa Tweets For My Sweet?

“Sobrang honored po talaga ako na makatrabaho si Ms. Marian!

“Kinakabahan nga po ako kapag magkaeksena kami. Kasi siyempre po si Marian Rivera yun.

“Hindi ko po talaga alam kung saan nila kinukuha yung issue na suplada si Ms. Marian, kasi sobrang bait po talaga niya.

“Binigyan pa nga po niya ako ng mga Hello Kitty na gamit ’tsaka mga damit.

“Thoughtful po siya, sweet at napaka-down-to-earth po niya.”


FULL SUPPORT. Napabalita ang pagiging bababaero ni Joshua na ikinainis ni Barbie kaya’t hindi siya masyadong nalungkot sa pinaghiwalay ng loveteam nila.

“Pambababae talaga?” sabay-tawa ni Barbie.

“Hindi po… napakabait po ni Joshua kaya natural lang na marami siyang maging kaibigan.

“Baka po nabibigyan lang ng meaning ng ibang tao.

“Hindi naman naaapektuhan yung friendship namin. Kasi ‘pag taping ng Tween Hearts, wala naman pong nagbabago…

“Ganoon pa rin kami magkulitan at mag-asaran.

“Kahit ano pong mangyari, susuportahan ko po siya and I know na ganoon din si Joshua sa akin," pahayag pa ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN