Luis Manzano on his and girlfriend Jennylyn Mercado’s past relationships: "Hindi na siguro kailangang pag-usapan."

Luis Manzano on why he feels it’s not important for him and girlfriend Jennylyn Mercado to discuss their past relationships: “Whatever we shared, share, or will share will always be a fresh start para sa aming dalawa.”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-guest ang Kapamilya star na si Luis Manzano sa Showbiz Central na isang Kapuso show.

Birthday celebration kasi ng kanyang girlfriend at isa sa hosts ng Showbiz Central na si Jennyly Mercado kahapon, Linggo, May 13, kaya siya naroon.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mapanood nang live sa Studio 6 ng GMA-7 TV Complex ang guesting ni Luis.

Ang unang itinanong kay Luis ng Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez, kasama ang co-hosts na sina Pia Guanio-Mago at John "Sweet" Lapus ay “What do you think of our studio?”

“It’s very, very different sa nakasanayan ko. Different,” sagot ni Luis.

“I’m very, very… thankful ako sa lahat ng mga nandito. Thank you for a very, very warm welcome.

“Kami ni Mats [tawag niya kay Jennylyn], we’re very thankful both sa bosses ng ABS and GMA for allowing this to happen.

“As she was able to guest sa Kapamilya Deal or No Deal at ako’y nandito ngayong hapon.

“Kaya once again sa mga bosses po ng ABS and GMA, thank you very much.”

TERMS OF ENDEARMENT. Bukod sa “Matsmats” na hango sa mats na ginagamit nila sa kanilang Brazilian Jiu-jitsu at Muay Thai training, ano pa ang iba nilang terms of endearment ni Jennylyn?

“It would have to be siguro, ‘Baby.’ Nandiyan ang ‘Love-Love’ or ‘Love.’ Ayan,” sagot ni Luis.

Sa kanila raw ni Jennylyn, si Luis ang mas mahilig magbigay ng mga nicknames or terms of endearment.

“Hindi ko nga alam kung paano ko naisip yung ‘Matsmats,’ ani Luis.

“It’s very out of the box. Napakalayo nun sa ‘Honey,’ ‘Baby-Baby,’ napakalayo ng ‘Matsmats’ para maging term of endearment,” sabi pa ni Luis.

PAST IS PAST? Colorful at controversial ang kanilang nakaraang pakikipagrelasyon, napag-uusapan ba nila ang tungkol dito o ito ba’y isang "no-go zone"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not necessarily a ’no-go zone.’ It’s more of, hindi na siguro kailangang pag-usapan," sagot ni Luis.

“Whatever we shared, share, or will share, will always be a fresh start para sa aming dalawa.”

NANCY CASTIGLIONE. Naitanong naman kay Luis ang tungkol sa minsang pagde-date nila ni Jennylyn at hindi sinasadyang nagkita sila ni Nancy Castiglione na dating karelasyon ni Luis.

“There was one time we were having dinner in Podium, I walked in sa House of Wagyu.

"Of course magkasama kami ni Matsmats [Jennylyn] and Nancy was there. If I’m not mistaken [she was] with her clients, and we had a brief, ‘Hi,’ ’Hello.’”

Wala naman daw naganap na ilangan.

“None at all. ‘Hi,’ ’Hello,’ lang and she was having dinner with her clients and we had our date night,” pagtukoy niya kay Jennylyn.

NO TENSION WITH PATRICK GARCIA. Si Patrick Garcia na ama ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz ay nasa ABS-CBN na muli. Kumusta naman sina Luis at Patrick?

“Si Pat [tawag niya kay Patrick]… nakakatawa nang konti.

"Nung lumipat ulit sa amin si Pat, they believed na medyo may tensiyon sa aming dalawa.

“In fact, when I interviewed him sa talk show din namin, they were saying na, ‘Magkakaharapan na!’

“When in fact kami ni Pat, we got to work together sa Kampanerang Kuba. That was my very first acting show.

“So, never kaming nagkatensiyon ni Pat. And I highly doubt na magkakatensiyon kami ni Pat.”

So, it’s all positive vibes?

“Yes, I believe so,” pahayag ni Luis

ON MEETING DENNIS TRILLO. Si Dennis Trillo naman na dati ring karelasyon ni Jennylyn ay hindi pa ba nakikita ni Luis?

“Hindi pa. Medyo malabo nga naman kung magkasalubong kami ni Dennis because being from different networks.

“Hindi rin naman ako palalabas. So, yung chances na magka-encounter kami, medyo slim to none,” ani Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON ANGEL LOCSIN. Sina Jennylyn at Angel Locsin naman na ex-girlfriend ni Luis ay hindi rin nagkikita.

Dating iisa ang manager nina Jennylyn at Angel na si Becky Aguila at naging close din ang dalawang aktres.

Ayon nga kay Jennylyn, “Simula nung lumipat si Angel sa kabilang istasyon hindi na kami ulit nagkita.”

Naitanong naman kay Luis kung nasabi na ba niya kay Angel na girlfriend na niya si Jennylyn.

“Kami rin naman ni Angel hindi pa kami nagkikita, although iisang istasyon kami.”

Okay na sila ni Angel?

“Siguro okay kami dahil…hindi pa kami nagkakasalubungan.

“Pero okay in the sense na she’s very, very happy.

“Hindi pa kami nagkakausap nang harap-harapan or over the phone. So, okay na yun,” sabi ni Luis.

Sina Jennylyn at Dennis ay hindi pa rin nagkakausap.

“Hindi kami nag-uusap. Yun lang,” ang simpleng sinabi naman ni Jennylyn.

WORKING WITH JEN. Tumatawid sila ng landas; bilang magkarelasyon hindi ba mahirap na nasa magkaibang TV networks sila?

“Siguro sa akin, wala naman kaming intensyon na magkasama talaga sa trabaho,” pahayag ni Luis.

“Siguro if it’s something very… kumbaga episodic, parang ganun, parang Kapamilya Deal or No Deal or like this [Showbiz Central], we welcome.

“Pero siguro it doesn’t matter sa aming dalawa...and siguro sa akin, ang nakikita kong maganda sa relasyon namin na nasa magkaibang istasyon, dahil sa nangyayaring ganito medyo nabi-blur namin ang line ng network wars.

“So, we’re very thankful for that.”

MOVIE WITH JENNYLYN? Kung may producer na makakaisip na pagsamahin sila sa isang pelikula, ano sa palagay ni Luis ang bagay na kuwento sa kanila?

“Siguro yung ano… I can’t think of an exact movie na pupuwedeng isipin.

“Pero siguro magandang storyline is pakipot ako na nililigawan niya,” ang pagbibirong sagot ni Luis.

“Bakit ganun?” ang mabilis na tanong ni Jennylyn kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na sinagot ng binata ng, “Para madali na lang ang acting natin,” sabay-tawa nitong muli.

WEDDING BELLS? Nilinaw naman ni Luis ang kumalat na balitang may nakakita raw sa kanya na nag-i-inquire sa isang simbahan sa Batangas para sa kasal nila umano ni Jennylyn.

“Yes may mga nakausap din ako na mga kaibigan nating mga members of the press na diumano’y ako’y nag-i-inquire na tungkol sa kasal sa Batangas.

“Kahit ako naguluhan kung paano nangyari iyon. I have… siguro kung sakali kamukha ko yung nag-inquire, Napakasuwerteng nilalang,” at tumawang muli si Luis.

“I have no idea how that happened. Siguro iyon lang, that’s the… ‘pag may explanation po, please tell us. Even I want to know.”

BEST ACTOR TROPHY. Ano pa ang gustong ma-achieve ni Luis sa kanyang career bukod pa sa kanyang masayang personal life?

“Siguro sa akin I’ve been very fortunate sa aspeto ng hosting.

“Kahit paano nagawaran na rin ako ng mga awards. Nung ginawa ko ang In My Life, medyo nabigyan rin ako ng blessing, naging Best Supporting Actor [ako].

“So, siguro para sa kahit na sinong artista na may pagmamahal sa industriya, sana pinagdarasal na makasungkit ng isang Best Actor [award].

“’Pag nagawa ko iyon, e, kumpleto na po.”

VILMA AND EDU. Gaano ka-involved ang mga magulang niya sa kanyang buhay? Lagi ba siyang humihingi ng advice kina Governor Vilma Santos-Recto at Edu Manzano tungkol sa kanyang personal at propesyunal na buhay?

“You know, something na kaya kong ipagmalaki sa akin, never silang nag-meddle sa buhay ko.

“They made sure na nandoon sila to guide me, pero never silang nag-impose ng kahit ano sa buhay ko.

“For example, in terms of career path. Kahit pareho silang nasa showbiz they never said na, ‘Kailangan showbiz ka rin. Nasa pulitika kami, kailangan magpulitika ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Never. They always let me live and grow on my own.

"At the same time, alam ko ‘pag dumating yung puntong lalagpak ako, nandoon sila para saluhin ako.”

POLITICAL PLAN? Totoo bang papasukin na ni Luis ang politics?

“Sa puntong ito, mas napag-uusapan ang ibang tao kumpara sa akin.

“However, balikan natin noong nag-aaral pa ako. Tinatanong nila ako kung mag-aartista ako, sabi ko, ’Hindi ko alam.’

“Look where I am now. So, ‘pag tinanong sa pulitika, I don’t know, we’ll see in a few years.

“However, naniniwala akong kung saka-sakaling tatahakin ko ang landas ng pulitika, hindi puwedeng hati, e.

“Especially, pag maninilbihan ka na sa tao. Kailangan mong ibigay ang 110 percent ng iyong pagkatao.”

SECRET OF HIS SUCCESS? Ano ang sikreto ni Luis? Ano ang ginawa niya, na kahit naghiwalay ang mga magulang niya ay lumaki siyang maayos?

Nakapag-aral siya, may magandang showbiz career, at maayos na personal life?

At ano ang maipapayo niya sa mga anak na naghiwalay rin ang mga magulang?

“Yung sa akin kasi, never silang nagkulang na ipakita sa akin kung gaano nila ako kamahal.

“Kahit naghiwalay man sila ng landas, never silang nawala sa buhay ko.

“Ang sa akin din naman, in terms of advice ko dun sa mga nagkakataong naghihiwalay ang mga magulang, minsan kailangan nating intindihin.

“Dahil kung saka-sakaling pilitin pa nila na magsama para sa iyo, baka mas ikasama pa.

“Pero as long as ie-explain nang maayos kung bakit kinailangang maghiwalay.

“At the same time kahit lumipat pa ‘yan ng ibang bansa, basta ‘andun ang anak, nararamdaman ang pagmamahal ng magulang, nothing can go wrong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN