Rich Asuncion denies getting back together with Ervic Vijandre

Rich Asuncion on Ervic Vijandre: "After naming mag-break, hindi na kami nagkabalikan pa. Kaya nagulat ako nang tanungin ako na nagkabalikan daw kami. Friends pa rin naman kami ni Ervic. May communication pa rin naman kami. Pero nag-decide naman kami na maging friends na lang. Parang mas okey ‘yon kesa noong naging kami."


Marami ang pumupuri kay Rich Asuncion dahil sa mahusay na pagganap niya bilang mapang-api at nagpapanggap na tiyahin ng Kapuso child actress na si Roseanne Magan sa GMA-7 primetime series na Biritera.

Natutuwa si Rich kapag nakakatanggap siya ng mga magagandang feedback sa pagganap niya bilang kontrabidang si Tita Jo. Hindi raw niya inakala na magagampanan niya nang maayos ang role na ibinigay sa kanya.

Ayon kay Rich, “Hindi naman ito ang first time ko na magkontrabida. Bale pangatlo na ito.

“Una ay sa Little Star kunsaan kontrabida ako kina Lovi Poe at Jennylyn Mercado. ‘Tapos sumunod yung Sisid kunsaan kontrabida ako ni Jackie Rice.

“Hindi madali na maging kontrabida.

“Pinaghahandaan ko rin kasi bata ang nagiging kaeksena ko. Nagiging maingat ako lalo na kung kailangan kong maging physical sa kanya.

“Okey lang sa mga ’tulad nina Jackie or Lovi kasi alam nila kung paano tatakbo ang eksena.

“Extra careful ako sa Biritera dahil nga kay Roseanne.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rich sa Studio 6 ng GMA Annex Studio during the live telecast ng Showbiz Central last May 13.

HIT ME GENTLY. Aminado si Rich na nahirapan siya noong una na apihin at pagmaltratuhan si Roseanne sa Biritera dahil mapagmahal daw siya sa mga bata.

Aniya, “Noong una, talagang nahirapan ako kasi may kapatid ako na kasing-edad ni Roseanne.

“Parang hindi ko kayang magtaray sa bata kasi baka isipin nila na gano’n ako sa kapatid ko.

“Pero noong kausapin ako ni Direk Maryo [de los Reyes], sinabi niya na kailangan gawin ko ’yon dahil para raw sa akin talaga ang role na ’yon.

“Kaya dapat patunayan ko na karapat-dapat ako sa role na iyon at minu-motivate niya ako nang husto kung paano ko aatakihin yung role.

“Hindi naman ito ang first time na makatrabaho ko si Direk Maryo. Nadirek na niya ako sa Magdusa Ka at sa Little Star. Kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya bago namin kunan ang eksena ni Roseanne, kinakausap ko muna siya at sinasabi ko ganito ang mangyayari sa scene namin. Huwag siyang matakot sa akin kasi eksena lang ‘yon.

“Pagkatapos naman i-shoot yung scene, niyayakap ko si Roseanne.

“Feeling ko kasi minsan, parang napapalakas ang tulak ko sa kanya or masyadong malakas ang pagsigaw ko.

“Pero nasanay na rin si Roseanne sa akin. Alam niyang acting lang ang lahat kaya pinaghahandaan na rin niya ang mga eksena namin.”

ROSEANNE MAGAN. Natutuwa si Rich dahil sa malaking improvement ni Roseanne sa pag-arte tuwing nagte-taping sila. Kaya mami-miss daw niya ito dahil magtatapos na this week ang Biritera.

“Sobra kong mami-miss ang batang ‘yan. Para ko na rin siyang kapatid.

“Kapag hindi kami nagte-taping at breaktime namin sa set, naglalaro kami at nagkukuwentuhan.

“Masayahin siyang bata at very talented. Kaya sana nga mabigyan siya agad ng bagong project kasi magaling talaga siyang umarte.

“Noong last taping day nga namin, medyo naging emotional ako kasi nga naging very close na ako kay Roseanne.

“Hindi na ako nakasama sa big finale ng show kunsaan may big concert scene. Nakulong na ang character ko sa ending kasi,” kuwento ni Rich.

YAYA RICH. Wala pa raw kasunod na project si Rich pagkatapos ng Biritera kaya mas mabibigyan na niya ng panahon ang kapatid niya na nagbakasyon dito sa Manila bago ito bumalik sa Bohol.

“Yaya ako ng kapatid ko ngayon!” tawa ni Rich.

“Pinagbakasyon ko muna ang kapatid ko dito sa Manila kasi matagal ko na siyang hindi nakakasama. Ilang beses lang kasi sa isang taon ko sila mabisita sa Bohol.

“Kaya habang nandito siya, sinasama-sama ko siya sa mga tapings, mall shows, at guestings ko.

“Wala kasing magbabantay sa kanya kapag iniwan ko siya sa bahay. Kaya isinasama ko na lang siya.

“Natutuwa naman siya kasi halos lahat ng mga artistang nakakasama ko ay may picture siya. Kaya marami siyang maikukuwento kapag bumalik na siya sa Bohol in time for school opening.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO SCHOOL. Speaking of school, nag-enroll si Rich this coming semester para sa kursong Tourism sa University of the Philippines. Hindi raw siya nakapag-enrol last semester dahil magkakasunod ang mga ginawa niyang TV projects.

Sabi ng StarStruck alumna, “After kasi ng Sisid, ginawa ko yung Time of My Life at Kung Aagawin Mo Ang Langit. ‘Tapos yung Biritera.

“Kaya hindi ako nakapag-enrol last year. Pero this year, gusto ko nang ituluy-tuloy para makatapos na ako ng college.”

Dahil mas priority ni Rich and kanyang career at school, kaya dedma raw muna siya sa kanyang personal na buhay.

ERVIC VIJANDRE. Ang huling nakarelasyon ni Rich si Ervic Vijandre na hindi raw masyadong nag-work out para sa kanila.

Pinabulaanan ni Rich na nagkabalikan sila ni Ervic.

“After naming mag-break, hindi na kami nagkabalikan pa. Kaya nagulat ako nang tanungin ako na nagkabalikan daw kami.

“Friends pa rin naman kami ni Ervic. May communication pa rin naman kami.

“Pero nag-decide naman kami na maging friends na lang. Parang mas okey ‘yon kesa noong naging kami.

“Four months kami na exclusively dating. ‘Tapos noong maging kami, wala pang isang buwan, tinapos na namin.

“Mas okey kami as friends," sabi niya.

Magkaiba raw kasi ang priorities nila ni Ervic kaya nahirapan silang ipagpatuloy ang kanilang relasyon.

“May mga bagay na hindi kami compatible ni Ervic. Iba ang gusto niya at iba ang gusto ko.

“Kesa naman na pag-awayan namin ang mga ‘yan, it’s better na maging friends na lang kami.

“Mas okey nga ngayon kasi wala kaming pinagtatalunan. Kapag nagkikita kami, okey kaming dalawa. Walang ilangan at walang iwasan.

“Kaya tama ang naging desisyon namin na we’re better off as friends na lang,” saad ni Rich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN