Glaiza de Castro: "Ako yung tipo ng tao na kapag hindi ko nakikita sa future ko, huwag na lang. Stop na agad. Hindi na pinatatagal."

Glaiza de Castro reveals that she and her steady date has stopped seeing each other. Now that she has more time for herself, does that mean she can already be choosy about her new suitors? She says: “Hindi sa pagiging choosy, pero nire-reserve ko din lang yung sarili ko sa karapat-dapat na taong pagbibigyan ng pagmamahal ko.”


Hindi makapaniwala si Glaiza de Castro na magwawakas na sa Biyernes, May 18, ang kinabibilangan niyang primetime series sa GMA-7, ang Biritera.

“Nakakalungkot. Parang hindi ko namalayan na matatapos na pala kami.

"Gano’n kabilis ang bilis ng takbo ng araw,” aniya nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, May 13.


MISS THE KIDS. Ano ang kanyang mami-miss sa Biritera?

“Siyempre yung mga bata,” pagtukoy ni Glaiza kina Roseanne Magan as Rose Ann, Barbara Miguel as Darling, at Sweet Ramos as Barbie.

“Mahaharot at makukulit silang bata!” natawa pa niyang sabi.

“Kapag kunyari past midnight na, siyempre hindi maiiwasan na puyat at pagod na. Medyo mababa na yung energy.

“At sila yung kinukunan namin ng energy, kasi parang hindi sila nauubusan.

“Naging malapit na rin sa akin yung mga bata, although hindi kami masyadong nagkakasama sa mga eksena.

“So, mami-miss ko sila. Para na rin kasing mga pamangkin ko sila, e, dahil kasi meron akong mga pamangkin na gano’n ang edad."

Dagdag ni Glaiza, “Sa huling week ng Biritera, marami pang nakaka-excite na aabangan ng viewers.

“Naku, may mawawala at may magtatagpo ulit!”

REST DAYS. Ano ang susunod niyang project pagkatapos ng Biritera?

“Sa ngayon, hindi ko pa alam.

"Baka pahinga muna sandali. Magre-relax lang muna… pasyal-pasyal!” tawa niya.

“Ngayon lang nangyari na after ng isang show, hindi ko pa alam kung ano ang susunod.

Pero dadag niya, “Sana magkaroon ulit, kasi parang ayokong mabakante nang matagal.

“Mahirap yun, di ba? Ha-ha-ha!

“Pero habang wala pa, sasamantalahin kong makapagpahinga, makapagbakasyon muna.

“Uuwi yung ate ko galing Dubai. Hindi pa namin alam kung ano talaga ang plano. Pero definitely, aalis kami.

“Sana out of the country na bakasyon. Pero sa ngayon, hindi pa namin napapagplanuhan, e.

“Pagdating pa lang niya, saka pa lang kami mag-uusap-usap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE TIME FOR LOVE. May time na siya to entertain suitors ngayong hindi muna siya busy sa trabaho?

“Entertain suitors talaga?” tawa na naman ni Glaiza. “Puwede!”

Nabalita noon na meron siyang non-showbiz guy na nakaka-date, wala na ba ngayon?

“Oo, gano’n kabilis, e!" tawa niya.

“Hindi,” bawi agad ni Glaiza.

“Kasi ako yung tipo ng tao na kapag nakikita kong ano, hindi na… hindi ko nakikita sa future ko, huwag na lang.

“Stop na agad. Hindi na pinatatagal.

"Kasi mahihirapan pa kunwari kapag… di ba, may mga iba nga diyan na years talaga ang itinatagal ’tapos in the end [hiwalay]… di ba?

“Kung hindi talaga para doon sa taong iyon, uhm… feeling ko, e, magkakaroon ng ways talaga para mahinto.

“So, yun. Parang hinto muna,” napabungisngis niyang sabi.

MORE CHOICES. Pero hindi naman ibig sabihin, nagiging sobrang choosy na siya ngayon?

“Hindi naman. Siyempre dapat ano… siyempre dapat may mga standards ka.

"Kasi siyempre babae ka, e.

“So, ayaw mo namang basta-basta na lang ibigay yung mga benefits na yun, di ba?

“Hindi sa pagiging choosy, pero nire-reserve ko din lang yung sarili ko sa karapat-dapat na taong pagbibigyan ng pagmamahal ko.”

QUALIFICATIONS. Ano ba yung standards niya pagdating sa pagpili ng lalaking mamahalin o makakarelasyon?

“Well siyempre, unang-una, yung maiintindihan yung work ko. ’Tapos yung mamahalin din yung pamilya ko.

“Kasi siyempre kung ako lang ang kaya niyang mahalin, e… medyo tagilid yun, di ba?

“’Tapos yung may pangarap dapat sa buhay. Yung may goal, di ba?

“Para naka-set na yung utak niya kung ano ang gusto niyang mangyari sa future.

“Kumbaga, nando’n yung pagiging cool at relaxed niya pero merong kapupuntahan,” sabi ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN