Manny Pacquiao barred from L.A. mall for quoting bible verse that sentences gay lovers to death

Manny Pacquiao’s anti-gay statements irked many people, especially when he quoted a Bible verse from the book of Leviticus, which states, “If a man lies with a man as one lies with a woman, both of them have done what is detestable. They must be put to death; their blood will be on their own heads.”


Hindi naging maganda ang epekto ng pahayag ng Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao tungkol sa pagpabor ni U.S. President Barack Obama sa same-sex marriage.

Bukod sa mga batikos mula sa publiko, ipinagbawal ng Los Angeles mall na The Grove ang pagpasok niya rito.

Gayundin, kinansela ang nakatakdang panayam niya para sa segment ng U.S. entertainement show na Extra.

Inihayag din sa statement ng The Grove, na hindi na “welcome” ang boxing champ sa anumang panayam para sa programa.

“Based on news reports of statements made by Mr. Pacquiao we have made it be known that he is not welcome at The Grove and will not be interviewed here now or in the future. The Grove is a gathering place for all Angelenos and not a place for intolerance.”

SAME-SEX MARRIAGE ISSUE. Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inihayag ni President Obama ang pagsuporta niya sa matagal nang pinag-uusapang pagpapakasal ng dalawang magkaparehong kasarian.

Isa sa mga dahilang sinabi ng American president ay ang Golden Rule: “Treat others the way you would want to be treated.”

Subalit matindi naman ang naging pagtutol ng Saranggani Representative Pacquiao tungkol dito.

Sa interview sa kanya ni Granville Ampong ng National Conservative Examiner, na inilabas noong May 12 sa website na examiner.com, sinabi ni Manny, “God’s words first... obey God’s law first before considering the laws of man."

Ayon pa kay Manny, “God only expects man and woman to be together and to be legally married, only if they so are in love with each other.”

Subalit mas naging kontrobersiyal ang pahayag ni Manny bilang pagtutol sa same-sex marriage nang sabihin niya ang Bible verse mula sa Leviticus 20:13:

“If a man lies with a man as one lies with a woman, both of them have done what is detestable. They must be put to death; their blood will be on their own heads.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan lang ay inihayag ni Manny sa publiko ang kanyang “renewal of faith” at ang pagiging aktibo niya sa pagtuturo ng mga aral mula sa Bibliya.

Ito ay naganap ilang linggo bago magtungo si Manny sa Amerika para sa kanyang training.

Nakatakdang humarap ang Pinoy boxer laban sa American boxer na si Timothy Bradley sa Hunyo 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN