MTRCB lifts 20-day suspension of T3 under "very stringent conditions"

Heto ang bahagi ng kondisyon ng MTRCB, na pinamumunuan ni Grace Poe-Llamanzares, tungkol sa pagtatanggal ng suspension sa TV5 show na T3: "Upon demand by MTRCB in open court, TV5 vows not to repeat violation in this regard, under pain of sanction from both the Court of Appeals and MTRCB."


Muling mapapanood na bukas sa TV5 ang public affairs program na T3: Kapatid, Sagot Kita.

Ito ay matapos tanggalin ng Movie and Television Review and
Classification Board (MTRCB) ngayong araw, May 16, ang 20-day
preventive suspension na inihain nito sa nasabing programa sa Kapatid network.

Ngunit hindi magiging madali ang pagbabalik sa ere ng T3, dahil may mga mahigpit na kundisyon ang MTRCB para dito.

Ito ang nasasaad sa statement ng MTRCB na ipinadala sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng spokesman nitong si Atty. Toto Villareal sa pamamagitan ng text message.

Matatandaang binigyan ng 20-day preventive suspension ng government body ang T3 noong May 10, bilang sagot sa reklamong pagbabanta ng mga hosts ng programa na sina Erwin, Ben, at Raffy mag.

Hindi napigilan ng Tulfo brothers na isiwalat ang kanilang nararamdaman dahil kitang-kita nila sa video kung paano pagtulunagn na mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, pati mga kaibigan nila, ang kanilang kuya na si Mon noong May 6 sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Tutol naman ang TV5 sa suspensiyong ito dahil sa wala raw jurisdiction ang MTRCB sa T3, na isa raw news program.

Labag din daw sa freedom of the press ang nasabing suspensiyon, kaya naman nagsampa ang TV5 ng petisyon sa Court of Appeals para mapigilan ng isang temporary restraining order (TRO) ang suspension.

Ayon sa statement na natanggap ng PEP ngayong araw, napagpasiyahan ng MTRCB na tanggalin ang suspensiyon matapos ibasura ng Court of Appeals ang petisyon ng TV5.

Nakasaad pa rito: "TV5’s TRO application not granted by the Court of Appeals. Upon demand by MTRCB in open court, TV5 vows not to repeat violation in this regard, under pain of sanction from both the Court of Appeals and MTRCB."

Ang paglilinaw ng PEP kay Atty. Villareal: totoo bang wala na ang suspensiyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Atty. Villareal, "Preventive suspension replaced by TV5
undertaking in open court up in our demand that they will not repeat
violation and observe ethics… Under those very stringent conditions without any prejudice to any permanent sanctions if decided by our panel."

Dagdag niya, hindi raw nabigyan ng TRO ang pagdinig ng MTRCB sa reklamo laban sa T3 at TV5, kaya itutuloy pa rin ito.

"We will continue to decide the case, and then it is possible that T3
and TV5 will be meted permanent sanctions," saad ni Atty. Villareal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN