Manny Pacquiao denies quoting a Bible verse: "Kasinungalingan iyan."

Manny Pacquiao clarifies that he did not say any Bible verse during his interview with US-based Filipino writer Granville Ampong for the Examiner. In an interview with sports reporter Dyan Castillejo, he said, “Hindi ko alam iyang verse ng Leviticus kasi hindi pa ako nakabasa ng Leviticus.”


Matapos umani ng batikos, nilinaw ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao ang nauna niyang mga pahayag tungkol sa same-sex marriage.

Sa panayam ng US-based writer na si Granville Ampong para sa National Conservative Examiner, inilahad ni Saranggani Representative Manny ang kanyang matinding pagtutol sa pagpabor ni U.S. President Barack Obama sa isyu ng same-sex marriage.

Ayon kay Manny, “God only expects man and woman to be together and to be legally married, only if they so are in love with each other.”

(CLICK HERE to read related article.)

Sa hiwalay na panayam sa kanya ni ABS-CBN Sports reporter Dyan Castillejo, idiniin ng boxer-policitian na, “Sinabi ko lang ang opinion ko na against the law of God ang same-sex marriage.”

Ipinaliwanag din niya na hindi siya tutol sa mga homosexuals dahil mayroon ding siyang mga kamag-anak na tulad nila.

Aniya, “Hindi ako tutol sa gays… may kamag-anak akong bakla.

"Wala tayong magagawa kung ipinanganak silang bakla. Ang ayaw ko lang paglabag mo sa utos ng Panginoon.”

NO QUOTES FROM THE BIBLE. Ang mariing itinatanggi ni Manny ngayon ay pagsasabi umano niya ng isang Bible verse na naging sanhi ng mga matinding komento laban sa kanya.

Ang Bible verse na napabalitang sinabi ni Manny ay mula sa Leviticus 20:13:

“If a man lies with a man as one lies with a woman, both of them have done what is detestable. They must be put to death; their blood will be on their own heads.”

“Hindi ako nagsabi niyan, kasinungaligan iyan.

“Hindi ko alam iyang verse ng Leviticus kasi hindi pa ako nakabasa ng Leviticus," mariing sabi ni Manny.

WRITER APOLOGIZES. Samantala, agad namang inako ng manunulat na si Ampong ang kalituhang idinulot ng kanyang artikulo na lumabas sa examiner.com noong Mayo 12.

Sa panibagong artikulong isinulat niya sa parehong website, sinabi ni Ampong na ang Bible verse na nakasama sa kanyang naunang artikulo ay hindi galing kay Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As we see, nowhere in my supposition and integration of my interview with Pacquiao did I mention that Pacquiao recited this Leviticus 20:13 nor did I imply that Pacquiao had quoted such.

“I have simply reminded in my column how God made it clear in the Old Testament time that such practice of same-sex marriage is detestable and strictly forbidden, in as much as God wants to encourage his people practices that lead to health and happiness and fullness of life.”

Kasabay ng kanyang paglilinaw ang pagsisi sa mga kapwa manunulat na binago ang konteksto ng kanyang kolum.

Partikular na ang mga manunulat na sina Tom Weir ng USA Today, na sumulat ng “Manny Pacquiao challenges Obama on same-sex marriage”; at Dennis Romero ng LA Weekly na sumulat ng “Manny Pacquiao Says Gay Men Should Be ‘Put to Death.’”

“The same text has now been grossly misconstrued and regarded as Pacquiao’s text, that which is not,” sabi ni Ampong sa kanyang kolum.

Kaya naman ngayon ay hinihiling niya na humingi ng paumanhin ang mga nabanggit na manunulat kay Manny.

“I hereby demand both Weir and Romero to apologize to Pacquiao. They, being writers for USA Today and LA Weekly respectively, should have a better reading comprehension than I do, rhetorically.”

REACTIONS FROM LGBT COMMUNITY. Bago pa man makapagpaliwanag ang Pinoy boxer at may-akda ng kontrobersiyal na artikulo, ilang negatibong komento na ang naglabasan tungkol kay Pacquiao.

Sa interview niya sa blog na LA Weekly, nagpahayag si Rick Jacobs, founder at chairman ng Courage Campaign, ng pagkadismaya sa mga sinabi diumano ni Pacquiao.

Ang Courage Campaign ay isang organisasyon sa U.S. na sumusuporta sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

Ani Jacobs, “I do think that American sponsors are going to have to look very carefully about whether they can continue to pour money into his apparently rather empty soul. Not only does he live in L.A., he makes a lot of money thanks to the United States and sponsors here in particular.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin niya na bilang isang miyembro ng Kongreso, dapat ay mas naging maingat si Manny sa kanyang mga naging pahayag laban sa U.S. president.

“I think that it is outrageous that an official of a foreign government is criticizing an ally, is taking a position about the president’s support for Americans. That’s a really big step for a foreign-elected official to take. We should look carefully at that.”

Isinulat naman ni Simone Wilson sa parehong website na maaari itong makaapekto sa mga malalaking endorsements ng Pinoy boxer.

“We wouldn’t be surprised if this un-endorsement becomes the first of many.

“Pacquiao has an insane amount of high-profile athletic sponsors, including Hewlett-Packard and Hennessy, who probably don’t want to align themselves with such extreme anti-gay sentiments.

“Because... uh... ’put to death’? You just don’t say that kind of thing in 21st century America.”

Samantala, sa official statement na ipinadala ng kilalang lokal na grupo ng LGBT, ang Ladlad, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, May 16, pinaalalahanan nila ang kongresista sa kanyang ginagampanang tungkulin sa lipunan bilang isang mambabatas.

Dagdag pa ng grupo, nirerespeto nito ang malayang opinyon ng bawat mamamayan subalit dapat din umano itong laging alerto sa magiging damdamin ng ibang tao.

Idiniin ng grupo na wala sa kanilang plataporma ang same-sex marriage subalit pinag-uusapan ito at nirerespeto ng Ladlad ang sinumang gustong magpakasal dahil bahagi umano ito ng kanilang karapatang-pantao.

Sa kabila ng mga naging pahayag ni Manny, nanatili namang positibo ang Ladlad. Sa katunayan, binati pa nila si Manny para sa susunod niyang laban kay Timothy Bradley.

Ayon sa 1st congressional nominee ng Ladlad na si Bemz D. Benedicto, “We still wish him the best in his fight. Sa gitna ng kanyang oposisyon laban sa mga LGBTs, wala kaming ibang iniaalay kundi pagmamahal. Umaasa rin kami na balang araw ay maiintindihan at matatanggap niya kami sa kanyang puso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Manny para sa paghahanda niya sa laban niya sa Hunyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN