Angelika dela Cruz feels guilty for having less time for her son now that she is busy again

Angelika dela Cruz: “Naaawa nga ako kay Gabby kasi minsan kinukulit niya ako na maglaro. E, natataon pa na puyat na puyat ako from shooting. Siyempre, mas gusto mong matulog nang mahaba, di ba? Doon siya mangungulit na maglaro kami. Minsan talaga hindi ko napagbibigyan. Pero kapag kumpleto na ang pahinga ko, doon na ako puwedeng makipaglaro sa baby ko. Bilang ina, siyempre may guilt feeling ka na hindi mo maasikaso ang anak ko as much as you want dahil nasa trabaho ka."&


Sa pagtatapos ng GMA-7 primetime series na Biritera bukas, May 18, mami-miss daw ni Angelika dela Cruz ang pakikipagtrabaho niya sa child actress na si Roseanne Magan na gumaganap bilang kanyang anak-anakan sa naturang serye.

Kuwento ni Angelika nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping set ng Biritera noong May 9, naging very close na siya kay Roseanne at nakita niya ang malaking pagbabago rito simula noong una silang magkasama sa show.

“Napakamahiyain ni Roseanne noong una. Kung puwede siyang magtago sa sobrang hiya niya, magtatago siya.

“Siyempre, baguhan pa lang kaya nag-a-adjust pa siya sa mga nakakasama niya sa set.

“Ako naman, I made her feel comfortable. Ayokong naiilang siya sa akin.

“Kaya kinakausap ko siya na magtrabaho kaming dalawa nang maganda kasi kailangan kapani-paniwala na mag-ina kami sa show.

“Nakinig naman sa akin ang bata kaya maganda ang nagiging eksena naming dalawa,” saad ni Angelika.

Naging kumportable na raw si Roseanne sa kanyang mga kasama sa set at natutuwa si Angelika dahil nakita niya ang pagiging makulit na rin ng kanyang anak-anakan sa show.

“Unti-unti, nag-o-open up si Roseanne sa akin at sa ibang mga tao sa set.

“Nito ngang papatapos na ang Biritera, sobrang biba na niya.

“Feeling ko nahawa siya sa kakulitan ni Darling [played by child actress Barbara Miguel].

“Kung noon tahimik lang ‘yan, ngayon ay sobrang nakikipagkulitan na sa amin.

“Kaya sobra kong mami-miss ang batang ‘yan.

“Sana ay may next project na siya agad kasi very talented ang batang ‘yan.

"Hindi lang siya magaling kumanta, pati umarte ay pasadung-pasado siya,” sabi ni Angelika.

NEXT PROJECT. May kasunod nang proyekto si Angelika pagkatapos ng Biritera. Ito ay ang Kasalanan Bang Ibigin Ka?, kunsaan makakasama niya sina Geoff Eigenmann, Jackie Rice, Jennica Garcia, at Michael de Mesa.

Balik sa pagiging kontrabida si Angelika sa bagong afternoon prime series na ito ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagkatapos kong magbait-baitan at magmartir-martiran sa Biritera, balik na naman ako sa pagiging bruha, di ba?” sabay tawa ng aktres.

“Maganda kasi yung role na in-offer sa akin. ’Tsaka okey lang naman na bumalik ako sa pagkontrabida.

“Magaganda naman ang mga kontrabida roles na ginawa ko in the past, ‘tulad sa Dwarfina, Futbolilits, LaLola, and Una Kang Naging Akin.

“Gusto ko rin ng paiba-iba. Minsan inaapi ako, sa susunod ako naman ang mang-aapi.

“Para hindi pare-pareho ang ginagawa ko.”

LESS TIME FOR HER SON. Inamin ni Angelika na dahil sa magkakasunod na trabaho ay nababawasan ang panahon niya para sa kanyang three-year-old son na si Gabby.

Nagi-guilty nga raw si Angelika dahil minsan ay naglalambing ang kanyang baby boy na maglaro, pero natataon naman na sobrang pagod siya mula sa taping at gusto lang niyang matulog.

Ayon sa aktres, “Naaawa nga ako kay Gabby kasi minsan kinukulit niya ako na maglaro. E, natataon pa na puyat na puyat ako from shooting.

“Siyempre, mas gusto mong matulog nang mahaba, di ba? Doon siya mangungulit na maglaro kami. Minsan talaga hindi ko napagbibigyan.

“Pero kapag kumpleto na ang pahinga ko, doon na ako puwedeng makipaglaro sa baby ko.

“Bilang ina, siyempre may guilt feeling ka na hindi mo maasikaso ang anak ko as much as you want dahil nasa trabaho ka.

“Kahit na si Orion [Casareo, Angelika’s husband] pagod din sa trabaho.

“Kahit nga kami, wala na ring masyadong time na magkuwentuhan.

“Sinabihan na nga ako ni Orion na maghinay-hinay na rin ako sa trabaho. Hindi na raw ako bata.

“Tama na raw yung isang show na three times a week ang taping kasi may anak nga kami.

“Kaya kapag may free time ako, talagang yung oras ko nasa kanila.

“Like noong nakaraang Mother’s Day, magkakasama kami. Simple lang ang celebration namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante, magkakasama kaming pamilya.”

POLITICAL PLANS. Natanong din si Angelika tungkol sa kanyang nabanggit noon na plano niyang tumakbong konsehal sa bayan ng Malabon sa 2013.

Nais daw kasi niyang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang sumakabilang-buhay na kapatid na si Edward dela Cruz na nagsilbing konsehal sa napakaikling panahon.

Aniya, “Noon ko pa naman nasabi na gusto kong manilbihan bilang public servant sa Malabon. Doon ako lumaki at gusto kong tumulong sa maraming tao doon.

“Kilala naman ang pamilya namin doon at si Daddy [Ernie dela Cruz], barangay captain siya ngayon.

“Noon pa kami sumusuporta sa mga projects doon.”

Marami raw proyekto ang yumaong kapatid ni Angelika na gusto sana niyang ituloy kung makapagdesisyon siyang tumakbo bilang konsehal.

Ani Angelika, “Nasa stage pa ako na pinag-iisipan ko ng mabuti.

“Siyempre, kailangan din ng blessing mula sa mister ko. Very supportive naman siya sa mga gusto ko.

“Basta hindi ako mawalan ng panahon sa pamilya namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN