KC Concepcion on British admirer Jules Knight: “He knows his standing."

"Nakakakilig na marunong siyang manligaw but at the same time, mahirap uli yung public [figure] ulit. Mahirap for me. Gusto ko siya bilang tao, bilang kaibigan. Gusto ko ‘itsura niya but it would be unfair to myself kung i-entertain ko yung isang bagay kung ‘di ko maitatawid o hindi ako magiging kumportable," says KC Concepcion when asked about her British admirer, Blake member Jules Knight.


Sa kabila ng pag-amin na nagkaroon siya ng trauma sa kinauwian ng kanyang relasyon kay Piolo Pascual, positibo pa rin si KC Concepcion na masarap pa rin ang magmahal.

Maaaring hindi pa siya bukas sa bagong pakikipagrelasyon sa ngayon, pero hindi naman siya nagsasara ng pinto sa kaway ng pag-ibig.

SINGLE AND READY TO MINGLE? Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-actress noong Lunes, May 14, sa contract signing at pictorial ng kanyang bagong show na X-Factor Philippines.

Simula ni KC, “Fear of falling in love again? No, I’m excited to fall in love again.

“And if it happens, open ako dun, but I don’t know.

"Kung na-trauma ba ako, malamang naman, siguro kahit papaano mayroon.

“Imposibleng sabihing wala, pero okay na rin yun kasi ang girls, hindi naman agad-agad,” nakalilimot ang ibig niyang tukuyin.

“Ayoko ring pumasok sa isang [relasyon agad na] parang sabihing rebound.

“I don’t wanna get serious but I’m meeting again... I’m meeting lovely guys but they all know that my priority is work.

“They’re really just my friends. I’m keeping them as friends.”

PUBLIC OPINION. Nilinaw ni KC na hindi siya na-trauma sa love, kundi sa ideya na pinagpiyestahan ng buong industriya ang naging paghihiwalay nila ni Piolo at kung anu-anong mga espekulasyon ang lumabas.

“Maybe, but hindi naman ako na-trauma sa love, e. Na-trauma lang ako sa… I’m a public figure.

“I like this [showbiz] world kahit papaano. The world na ipinanganak ako dito. Dito ako lumaki.

“Hindi ko naman itatago sa mga tao yung buhay ko. Alam na alam nila ang buhay ko.

“But at the same time, I was traumatized more about yung public na maraming opinion, maraming taong nakialam.

“Masakit na nga ang nangyari sa kahit na sinong girl, sinong boy mangyari yun, masakit talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But mas masakit siguro yung nakisabay na hindi alam ang totoong nangyari.

“Dun ako na-trauma kaya nga baka mas tahimik na yung next lovelife ko.

“Na baka nga natatakot lang ako na baka sa susunod, circus na naman ang lovelife ko.

“Gusto ko mas tahimik, pero hindi ko naman ipagdaramot yun sa mga nagmamahal sa akin.

“Pero it’s fun. Girls just wanna have fun right?

"It’s just a smile on my face, dun na muna ako ngayon, dun sa mga smiles.

“Talagang totoo ang sinasabi nila na there are good guys out there.”

LOVELIFE ON HOLD? Kumusta na ang panliligaw sa kanya ng British band member ng Blake na si Jules Knight?

“Ilang beses ko nang na-explain yung kay Jules.

"Nakakakilig na marunong siyang manligaw, but at the same time, mahirap uli yung public [figure] ulit. Mahirap for me.

“Gusto ko siya bilang tao, bilang kaibigan.

"Gusto ko ‘itsura niya but it would be unfair to myself kung i-entertain ko yung isang bagay kung hindi ko maitatawid o hindi ako magiging kumportable.

“He knows his standing. I sent him a text and he knows naman how I feel and you know what? Whoever he ends up with, she’ll be a lucky girl.

“Sa ngayon kasi, kahit na sino namang lumapit sa ngayon, ‘Talagang wait lang, ha, may X-Factor lang ako. Tapusin ko muna ito.’”

SHARON AND HELEN. Natuldukan na ang hidwaan sa pagitan ng ina niyang Sharon Cuenta at ng tiyahin ng Megastar na si Helen Gamboa.

Inamin ni KC na hindi siya gano’ng kapamilyar sa mga kaganapan, pero masaya siya na naayos na ang problema ng kanilang pamilya.

“Wala nga akong alam dun. Kinakailangan ko pang magtanong sa kanila, ‘Ano ba ang nangyari?’

“Sa TV ko na lang nalaman ang mga nangyari.

"Wala, ang sagot lang sa akin, ‘Ano? Bakit? Wala na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang alam ko naman talaga, parang second mommy ni Mommy si Tita Helen.

“And ako, lumaki ako na pamilya namin talaga sila. I’m relieved. Oo naman, it’s family.

“But you know, my mom is so busy, Tita Helen is so busy.

"At saka maraming salamat at busy ako ngayon, so masyadong maraming nangyayari sa work ko na parang ayoko ng negative.

“At sila rin naman. Siyempre nakakapagod rin naman na may negative sa buhay mo.”

X-FACTOR. Kumusta ang kanyang bagong show na X-Factor Philippines?

“Ang X-Factor kasi, bukod sa boses, it’s actually yung total package of performer yung hinahanap namin.

“Hindi porke’t maganda ang boses mo, ikaw yung puwedeng maging winner ng X-Factor.

“Hindi porke’t maganda yung porma mo, maganda yung dating mo, it doesn’t mean na ikaw na.

“Kailangan total package talaga saka on stage nagsa-shine talaga. May X-factor na hindi mo made-describe kung ano, pero actually nararamdaman ng tao.

“Na-meet ko na yung ibang mga contestants. Ang gagaling lahat. Mga taga-Cebu, taga-Davao...

“Salahat ng mga probinsiyang pinuntahan namin, mayroon kang mahahanap talaga na masasabi mong ang gagaling ng mga Pinoy.

“Yung sinasabi nila na we have the best performers, it’s true.

"Nakakagulat, kahit mga may-ari ng karinderya, ’pag bumirit, parang Aretha Franklin na Whitney Houston.

“Alam mo, naka-duster pa siya. ‘Kailangan nasa entablado ka. Ano’ng ginagawa mo dito na parang ang tahimik ng buhay mo? Kailangang makilala ka ng buong Pilipinas.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN