Camille Prats eight months after her husband’s demise: "Getting better kasi mas natatanggap ko na—na wala na talaga, na hindi na talaga siya babalik."

Camille Prats reveals that she has recovered but still coping from the death of husband Anthony Linsagan. As she returns to doing soaps, Camille relates what she is going through: “Oo, umiiyak pa rin ako kasi yung minsan tatamaan ka na lang out of the blue. Like nagtu-toothbrush ka, ang ayus-ayos ng araw mo, ang saya-saya mo, tumatawa ka ’tapos bigla kang iiyak."


After Munting Heredera, ang Luna Blanca ang bagong teleseryeng tatampukan ni Camille Prats pagkatapos ng tatlong buwang pahinga and getting over the death of her husband, Anthony Linsangan.

Ang primetime series na ito ng GMA-7 ay ipalalabas simula sa Lunes, May 21, directed by Dominic Zapata.

Tinanong ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille kung ano ang challenge ng role niya sa Luna Blanca.

"Dun po kasi sa Heredera, para namang walang masamang buto sa katawan ni Sandra [role ni Camille]…

“Napakabait niya kasing tao, napaka-good natured, at walang hinihiling na masama towards anybody kahit na masama na yung ginagawa sa kanya.

“Dito kasi sa role ni Rowena [papel ni Camille], she was a good-natured woman.

“Pero nung dumating yung punto na nagkaroon siya ng encounter with the engkanto at naanakan pa siya ng engkanto…

“Siyempre nagkaroon siya ng galit at hindi nawala sa kanya yung galit na yun.”

Ang mga anak ni Camille sa serye ay sina Jillian Ward bilang Luna at Mona Louise Rey bilang Blanca.

Nagkasama na noon sina Camille at Mona Louise sa Munting Heredera.

Dagdag ng aktres, “And Jillian growing up, parang iyon nga po yung challenge nung role.

“I love her because she is my daughter, but she will always remind me of that incident that I had with the engkanto.

“So mabigat ang loob ko sa kanya dahil anak siya ng engkanto, pero mahal ko siya dahil anak ko pa rin siya.”

HEARTBREAKING MEMORIES. Sumakabilang-buhay ang asawa ni Camille na si Anthony noong September 23, 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer sa edad lamang na 31 years old.

Naka-recover na ba siya sa dalamhating idinulot ng pagpanaw ng kanyang mister?

“Actually, para po sa akin siguro, now that I think about it, it comes with time.

“At saka nung ginagawa ko po yung Heredera, iyon yung pinakamabigat sa akin kasi doon sa Heredera nangyari lahat, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yung timeline ng Heredera, starting from May na okay na sana siya [Anthony], biglang nagpagamot ulit…

“Hanggang sa June na nag-birthday ako, nagbakasyon kami July, lumala yung sakit, then August hindi na makalakad.

“So, yung paglala nung sakit niya, kasabay nung time na I was doing Heredera.

“Kaya yung Heredera, yung para sa akin ha, will be the most memorable but at the same time the most heartbreaking show that I ever did.

“Kasi doon nangyari lahat yung nangyari sa asawa ko… doon nangyari lahat.

“At the same time, nagtatrabaho ako.”

Nakatulong naman daw kahit papaano ang mga pangyayari na may mas nahuhugutan siya ng emotions sa acting.

“That’s true, at saka ano po siguro, it was also a blessing na may trabaho ako nung mga panahon na yun, ’tapos ganun yung nangyayari sa asawa ko.

“So at least there was something na masasabi ko na parang may nagagawa pa rin ako…

“Para sa akin, para sa anak ko, may blessings pa rin na pumapasok sa amin inspite of what was happening to my husband.”

COPING. Kumusta na si Camille ngayon after eight months na namamayapa ang mister niya?

“Masasabi ko po na getting better kasi mas natatanggap ko na—na wala na talaga, na hindi na talaga siya babalik.

“Kasi nung mga first few months, talagang ang isip ko, parang baka naman bumalik… may ganun, e, in denial.

“Ngayon natatangap ko na, na hindi na talaga babalik…

“But there are days na ’pag naiisip ko, ang sakit talaga.”

Umiiyak pa rin siya?

“Oo, umiiyak pa rin ako kasi yung minsan tatamaan ka na lang out of the blue.

“Like nagtu-toothbrush ka, ang ayus-ayos ng araw mo, ang saya-saya mo, tumatawa ka ’tapos bigla kang iiyak.

“Yung on the verge of a breakdown… parang ganung level.

“There was one incident na naliligo ako—normal, wala lang pakiramdam, ha—biglang umiyak na lang ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan nagtu-toothbrush ka, biglang iiyak ka.

“There was one time, I was at a party of my friend, ’tapos medyo… gimik kasi yun, sa Opus, sige pumunta ako.

“Pagdating ko dun, sayaw-sayaw pa ako… enjoy. Biglang umiyak na naman ako… breakdown!”

WITH FRIENDS. Hindi naman daw nagulat ang mga kaibigan niyang kasama niya that night.

“Naintindihan naman nila, e. As in parang, ‘Alam naming nami- miss mo.’

“Kasi nga these are the things that I don’t do without my husband, and now I do it by myself.

“So, siguro iyon yung mga nabe-break-in na ako.

“Like there was a time na I travelled to Shanghai, with his family, and their family friends.

“Ang bigat! Unang araw pa lang, gusto ko nang umuwi.

“Yung hindi ako tatagal ng limang araw dito, mamamatay ako sa sama ng loob.

“Kasi pamilya niya ito, never kong nakikita yung pamilya niya na wala siya.

“Lahat ito mga mag-aasawa na kaibigan namin, lahat sila mag-aasawa, ako wala yung asawa ko. Ang hirap!

“Pero iniisip ko na lang na kaya ako binigyan ng chance to do this, to travel like this, siguro sinasanay na niya [Anthony] ako na, ‘Mahal, you know, this is how it’s going to be now so you have to get used to it. One way or the other, kailangan mong masanay kasi ito na talaga yun.’

“So that’s just how I take it kasi siguro nga kailangan ko na ring… I just don’t have to stick to it, maybe eventually I’ll feel better.”

CURIOUS. Ang four-year-old na anak nina Camille at Anthony na si Nathan ay madalas nagtatanong, ano ang isinasagot ni Camille?

“Palagi, palagi... alam niya that daddy’s in heaven.

“There was a time nagsu-swimming siya, kasi siya, takot siya pumunta sa big pool, so nasa small pool lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Finally nag-jump na siya sa big pool, with his floaters on, ’tapos sabi niya, ‘Mommy, are you proud of me?’

“Sabi ko, ‘I’m very proud of you.’

“’Tapos sabi niya, ‘What about daddy, is he proud of me?’

“So ‘pag gumaganun siya, para akong sinusuntok sa tiyan!

“So, sabi ko na lang, ‘Yeah of course, he’s very proud of you.

“Sabi ko, ‘Do you want, I’ll call him?’

“Sabi ko, ‘I’ll tell him that you’re swimming now’.

“Sabi niya, “But daddy’s in heaven, you can’t talk to him. Text him na lang,’ sabi niya, ‘Text him na lang.’

“Sabi ko, ‘Oo nga naman, hindi na nga naman siya makakausap,’ bilang iyon yung itinuturo ko sa kanya na…

“‘We won’t see daddy anymore but he’s waiting for us there, he’s in heaven and he’s just waiting for us there.

“’We’ll see him eventually, but not yet.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN