Arci Muñoz on joining beauty pageants: “May pag-asa pa ako next year, hanggang 24 [years old] yun—23 pa lang ako ngayon."

Arci Muñoz says she continues to hone her talents by joining workshops and getting lessons from competent trainors. Her motivation comes from a New York-based coach: “Ayoko kasing maging mediocre actress e. Kung ano yung craft ko, kailangang i-enrich ko. Kailangang i-hone ko."


Mahigit isang linggo na lang at magwawakas na ang daytime series na pinagbibidahan ni Arci Muñoz, ang Felina: Prinsesa ng mga Pusa sa TV5.

Nakakaramdam ng pressure si Arci lalo’t walang advice tungkol sa bagong show para sa kanya pagkatapos ng Felina na ikababakante ng aktres.

“Sana yung mga tao subaybayan pa rin kami ng mga taong nanonood sa amin tuwing hapon.

“Para at least naman ma-maintain naming yung viewership namin dahil malapit nang matapos.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kamakailan lang, inaasam ni Arci na mahawakan pa ang mga taong nanonood ng programa niya.

Masaya si Arci dahil bago ito inilipat sa morning slot, maganda raw ang ratings nito ayon sa mga taga-TV5.

“Sabi nila it’s doing good. Simula naman nung umpisa siya [Felina], okey naman siya,” pagpapatuloy ni Arci.

“Kasi kapag lumalabas ako ang tawag sa akin, Felina or pusa, o kaya myaw-miyaw… ganun.

“Hindi naman ako naiinis, natutuwa pa nga ako kasi at least nare-recognize nila ako sa character ko.

“May mga nang-aasar rin pero bakit naman ako maapektuhan sa ganon?

“Dapat nga maging happy pa ako dahil nanood sila ng show ko at alam nila ang show ko.

“Ganun naman di ba, na kapag may show ka at nakakatuwa na yung mga tao natatandaan nila yung character mo?

“Ibig sabihin nanonood sila ng show mo, aware sila–markado.”

NEW VENTURES. Nagpapasalamat naman si Arci sa mga pumupuri sa kanyang kakayahan bilang aktres na naipapakita niya sa kanyang mga nagawang serye sa TV5.

“Thankful ako sa mga boss ko sa TV5 kasi hindi naman madali yung mga projects na ibinibigay.

“Nagpapasalamat ako dahil in-entrust sa akin yung ganong kalaking project.

“Pero hindi ko alam kung gagawa pa muna kami ng teleserye kaya nag-aaral ako ngayong mag-host, mag-public speaking or [yung] on the spot na kailangang magsalita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNCERTAINTIES. Isa ito sa nagbibigay pressure ngayon kay Arci dahil wala siyang ideya kung kailan ang susunod niyang acting project sa TV5.

“Kasi we wouldn’t know kailan kami mabibigyan ng ganung klaseng project.

“So, if ever na meron kaming ganung training, meron akong background.

"‘Pag nangailangan sila ng host, at least prepared na ako,” paliwanag niya.

“Magtu-two weeks na akong nagte-training and New York-based yung coach ko.”

“Parang short course training lang na naisip ko para hindi naman iisang field lang ang alam ko.

“Ayoko kasing maging mediocre actress e. Kung ano yung craft ko, kailangang i-enrich ko. Kailangang i-hone ko.

“Kasi sayang… kung meron naman, bakit hindi palawakin. So, naisip ko na… kasi hindi naman ako forever artista.

“Yun lang yung maitatago ko for the rest of my life, yung education ko.

“Kailangan rin kasing ma-refresh yung utak ko. Ang tagal ko ng out-of-school youth.

“Yung lesson na tini-take ko ngayon parang part lang siya nung course ko.

“Theater Arts yung kinuha ko sa UP [University of the Philippines] and hanggang 2nd year lang yung naabot ko.

“So, ang tagal kong nag-stop ng school, mga 3-4 years ‘ata?

“Sabi ko sa Mama ko, hangga’t wala akong ginagawa, hangga’t hindi ako busy, kailangan meron akong pinagkakaabalahan.

“Ayokong maging idle na tambay lang ako sa bahay.

“Though, marami namang binibigay sa amin ang TV5 na mga guestings, out of town shows or yung mga events nila.

“Pero di ba, iba pa rin yung meron kang ginagawa for yourself na alam mo na makakatulong or para ma-hone or ma-enrich yung craft mo–sayang e.

“And right now feeling ko… nauuso kasi yung mga reality shows sa TV5... why not? Baka magka-interes sila sa akin.

“Hindi ko pa ipinapa-alam sa kanila na I’m taking a crash course sa hosting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman nila kailangang malaman.

“Para lang naman by that time na maisipan lang nila na gusto nila akong bigyan ng something kunektado sa inaaral ko, at least, may training ako at prepared, di ba?

“Hindi yung sasabak na lang ako, wala akong kahit ano. Parang isang role yan e.

“Like sa Felina, kailangang handa ako, prepared, may workshops muna akong pagdadaanan bago sumalang,” eksplika niya.

Wala pang kasunod na project si Arci at tiwala siya sa TV5 na hindi siya pababayaan.

“Ako, I don’t wanna ask kung ano yung susunod at kailan yung bagong project.

“Kasi I’m sure they have a lot in store for all of us na talent ng TV5… you just really need to be patient.”

VIVA PROJECTS. Noong October 2011 pumirma ng kontrata si Arci sa Viva at mag-iisang taon na’y wala pang malinaw na career plan para sa kanya.

“Wala pa rin. Hindi ko pa nakakausap si Boss Vic [Del Rosario] e.”

“Si Tita Annabelle [Rama, manager ni Arci] is too busy. Mas maganda na meron akong personal na relationship kina Boss Vic.

“Kumbaga meron akong communication sa kanila nang personal. Para masabi ko kung ano ang nasa loob ko.

“Okey lang naman kay Tita [Annabelle] e. Kasi siyempre, sobrang dami rin naming ginagawa at busy rin naman si Tita.

“Minsan malalaman niya na tapos na pala yung show mo.

“Ang maganda kay Tita, agad-agad tatawag na ’yan sa mga TV stations.

“Maghahanap na ’yan ng mga shows para sa amin or kahit na anong work o raket.”

Pero gusto pa rin niyang umasa.

“Like si Anne [Curtis], hindi naman overnight yung success niya. She really worked for it.

“And sa tingin ko hindi naman nila ako pababayaan. Kung sakali mang hindi ako maasikaso ni Boss Vic, at least nandiyan si Tita Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako frustrated,” paglilinaw niya. “Naghintay nga ako nang matagal sa GMA and then napunta ako sa TV5.

“Meaning, I’m willing naman na maghintay pa. Ano ba naman yung konting taon na maghihintay pa ako di ba, na mas maganda naman siguro yung ibibigay sa akin?

“Ako naniniwala ako na everything happens for a reason.

"Kaya nga doon sa mga time na hindi ako nabibigyan ng work, meron akong ibang ginagawa.

“Hindi naman ako nababakante di ba? At least, busy pa rin. Saka binabalikan ko rin yung singing.

“After nung public speaking course ko, kukuha naman ako ng voice lesson para may training naman at malaman ko yung mga techniques.

“Yung nagtuturo ng public speaking sa akin, naging classmate niya si Ms. Lea Salonga sa New York.

“Tapos kinukuwento niya sa akin na si Ms. Lea bago sumalang, meron siyang ginagawang mga techniques.

“Yun ang mga sinasabi sa akin ng coach ko, si Ms. Valerie Tapalla.”

BEAUTY COMPETITIONS. Pagdating naman sa pangarap niyang maging beauty queen, hindi pa ito nawawaglit sa isip ni Arci lalo’t nagsimula na ang season ng mga beauty competitions.

“Hindi ko pa totally nakakalimutan ha! May pag-asa pa ako next year, hanggang 24 [years old] yun—23 pa lang ako ngayon.

“Kung next year, why not! Feeling ko nga, baka hindi pa ibinigay sa akin ni Lord yung peak or height ng aking career kasi meron pa siyang ibang purpose dahil kailangan ko raw munang sumali.

“Hindi ko pa alam… Hindi ko pa talaga alam! Baka nga yun ang dahilan!” bulalas niya.

Gusto sanang subukan ni Arci na sumali sa isang beauty pageant ngayong taong ito pero naging abala naman siya sa kanyang acting career.

“Kasi meron akong Felina. Sinasabi nga nila na ngayon na ako sumali. Naisip ko rin yun.

“Kasi minsan yung mga biglaang mga ganyan, yun yung mga suwerte… Let’s see.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Akala namin, isinantabi na ni Arci ang pangarap na maging beauty queen noong pumirma siya sa Viva dahil excited siya sa pag-akyat ng career niya sa showbiz.

“Kasi no’ng nag-sign kasi ako siyempre, in-expect ko na marami talaga akong gagawin.

“And naging busy ako. Wala na akong time sa sarili ko or sa family ko.

“Sabi ko, eto na, eto na yun. Pero hindi pa nga ibinigay ni Lord. Ibig sabihin, meron pa siyang ibang plano.

“Sobrang ipinagpapasa-Diyos ko lahat. Hindi ako naiinip or napu-frustrate.

“Basta, eveytime na napi-feel ko yun, pinagpe-pray ko na lang, ‘Lord, ikaw na ang bahala kung anuman yung plano mo.

“’As long as meron naman akong ginagawa at nagiging busy ako, hindi ako mababagot,’” panalangin ni Arci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN