YouTube sensation Petra Mahalimuyak on joining showbiz: “Slowly but surely, papunta na doon.”

“To become a YouTube sensation wasn’t part of my plan. I really wanted to be an actress so ito na nga maybe ang stepping stone. So, I’m really trying to be a better host. Then, acting ako later,” says Ashley Rivera, a.k.a. Petra Mahalimuyak, about her new hosting stint for Kanta Pilipinas’s webisodes on YouTube.


Mula sa pagpapatawa sa kanyang mga video sa YouTube, handa na si Ashley Rivera—o mas kilala bilang Petra Mahalimuyak—na pasukin ang local show business.

Sisimulan ito ng YouTube star sa pamamagitan ng paghu-host ng mga webisodes na gagawin ng upcoming singing reality search ng TV5, ang Kanta Pilipinas.

Ang mga short videos na ito ay magpapakita ng behind-the-scenes sa mga araw ng audition at sa mismong contest. Ito ay maia-upload sa YouTube channel mismo ng Kanta Pilipinas.

Bagamat opisyal na ang kanyang pagpasok sa showbiz, siniguro naman ni Petra na hindi magbabago ang istilo niya sa mga gagawing webisodes ng Kanta Pilipinas.

“Serious ‘yong sa TV, pero pagdating sa online, it’s gonna be a little more fun,” sabi ni Petra nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng “KPniPetra” kagabi, Mayo 16, sa Roboto San Japanese Grill, Bonifacio Global City, Taguig.

At para sa mga subscribers niya sa kanyang personal account, sabi ni Petra, “I’m still gonna be uploading videos on my channel.

“But ‘yong mga webisodes naman for Kanta Pilipinas, we’ll be uploading it channel nila mismo.

“Gagawin ko ‘yon Mondays, Wednesdays, and Fridays.

“‘Yong videos ko naman will still go. I’m gonna keep it doon sa channel ko.”

(CLICK HERE to read related article.)

SLOWLY BUT SURELY. Inamin ni Petra sa PEP na talagang gusto niyang maging parte ng Philippine showbiz bago pa man siya nagtungo sa Las Vegas, kung saan niya ginawa ang mga sumikat niyang YouTube videos.

“Honestly, I’ve always wanted to be in show business talaga.

“To become a YouTube sensation wasn’t part of my plan.

“I really wanted to be an actress so ito na nga maybe ang stepping stone.

“So, I’m really trying to be a better host. Then, acting ako later.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa mga hindi nakakaalam, dapat sana ay bahagi si Petra o Ashley ng Star Magic, subalit hindi siya natuloy i-launch bilang talent nito.

Hindi na niya idinetalye ang dahilan subalit hindi naman daw nagsisisi si Petra na nagtungo siya sa Amerika.

“May purpose din naman ang pagpunta ko ng Vegas, I became Petra Mahalimuyak.

“People saw ‘yong talent ko and what I can bring to the table. Then, ito na.

“Gusto ko talagang mag-showbiz so it’s gonna happen.

“Since I already signed a contract with Viva [Artists Agency], slowly but surely, papunta na doon.”

AND MUSIC, TOO. Bukod sa paghu-host, pinaghahandaan na rin ngayon ni Petra ang paggawa ng music album na kasama sa kontratang kanyang pinirmahan sa Viva.

“Yes, I’m gonna be making an album!” natatawang sabi ni Petra.

“Nakakatawa siya kasi hindi ko talaga siya in-expect. Sabi ko, ‘Ano ‘to? Anne Curtis ba ‘yong peg ko?’"

Sa unang webisode ng “KPniPetra,” ipinakita rito ang kunwaring pag-o-audition niya sa Kanta Pilipinas. Dito ay sintunado ngunit nakakatawa niyang kinanta ang “Someone Like You” ng Grammy award-winning singer na si Adele.

Matatandaan na ganito rin ang istilo ng kapwa Viva talent ni Petra na si Anne. Sa katunayan, ito ang nagustuhan ng mga tao kay Anne kaya naging hit ang kanyang album at concert na Annebisyosa.

Pero nilinaw ni Petra na hindi niya ginagaya si Anne.

Dagdag pa niya, “Pero kasi, I can sing. I think I can.

“Meron din namang voice lessons. Sinuggest ko ‘yon para naman people can really say na, ‘Wow, she can sing.’

“Talagang feel nila, hindi ‘yong parang niloloko ko lang. I’m actually serious about this.”

Gayunman, handa naman daw siya kung sakaling ikumpara siya sa mas sikat sa kanya na si Anne Curtis.

Para kay Petra, “We’re different. Kung i-compare man ako kay Anne Curtis, I’ll take that as a compliment kasi she’s good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I adore her for her guts, ‘yong confidence niya. She believes in herself and I love that.

“I mean, I don’t think other people can do that na parang mag-concert ka, ‘tapos kumanta ka and all that. Okay siya.”

Sa ngayon, dahil nag-uumpisa pa lamang daw siya, “I’ll try my best,” para manatili sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN