Sam Pinto on possibility of Derek Ramsay pursuing her: “Chill na muna siya… hindi naman nagmamadali—wala namang nagmamadali.”

Sam Pinto gets slightly irritated when asked if she could be the cause of the breakup of Derek Ramsay and Angelica Panganiban. Sam says there’s no proof to substantiate such allegation. On being with Derek in Australia: “So, okay, I never went to Australia, so that wasn’t me. Period.”


Si Sam Pinto pa rin si Neneng B sa pelikula ng GMA at Regal Films na Boy Pick-up The Movie.

Si Sam ay masasabing kilalang-kilala na bilang si Neneng B dahil sa "Boy Pick-up" segment nila sa gag show na Bubble Gang sa GMA-7.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa Forest Hills, Antipolo, para sa last shooting day ng Boy Pick-up.

“Ang saya-saya kaya ng shooting ng Boy Pick-up The Movie kasi alam ninyo naman, ang dami-dami naming guests.

“Sina Senator Bong Revilla will be here later and of course me, kasi I love Bubble Gang.

“I love taping Bubble Gang ‘tapos ngayon yung Boy Pick-up naging movie na. I’m so happy.”

Malaking bagay kay Sam na maging si Neneng B sa Bubble Gang pa lang.

“Ay, sobra! Sobrang laki ng naibigay sa akin. Kapag nagmo-motorcade, hindi na ako si Sam Pinto, si Neneng B na ako!

Ganoon… kahit saan ako pumunta, ‘Kape ka ba? Kape ka ba?’ Ganoon sila.”

Ipinagmamalaki rin ni Sam ang set nila sa movie kung saan kinuhanan ang “battle” ng pick-up.

“Ang ganda, grabe ang ganda talaga! Doon din kami binigyan ng bonggang introduction lahat.”

LEADING LADY. Bilang si Neneng B, nagkaroon ng isyu na tila hindi nito nagustuhan na si Solenn Heusaff ang naging leading lady ni Ogie Alcasid sa halip na siya.

“Yes, I guess, people just assumed na siya ang leading lady. Nagulat silang lahat na hindi ako.

Pero, okey naman kami ni Solenn. Sobrang okay kami.”

Naging isyu nga ba kung sino ang leading lady?

“Not at all, for me, not at all. Kasi, from the very start alam ko naman kasi ang story ng movie is the life outside pick-up world.

“So, bakit ako pa ang magiging leading lady, so it’s okay.”

Nagpapalasamat din si Sam na pinayagan siya ng Viva Films na gawin ang pelikula kahit exclusive Viva contract artist siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talaga, sobrang thankful. Pero kung sakali talaga papayagan, ako yung magsasabi na, ‘Boss Vic [del Rosario] sige na!’” natatawa niyang sabi.

Bubble Gang naman kasi and it’s also with GMA, so why not?”

THE REAL SCORE. Hindi pinalampas ng PEP ang maitanong kay Sam ang tungkol sa bagong isyu sa kanya.

Nadadawit kasi ang pangalan niya bilang third party sa breakup nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

“Ikukuwento ko from the very start... Kasi, ganito yun…

“May blog na lumabas na may blind item na may isang hunk na pumunta ng Australia na nag-hook-up with this sexy actress.

“And yung blog na ‘to, usually, yung mga hints niya, yung title–initial ng title.

“Parang it starts with the ‘DR’ and ‘PS.’ Of course, everyone knows, ‘PS’ is me.”

Kinonek na raw ito noong ma-interview siya at tinanong kung saan niya planong mag-Holy Week.

“Sabi ko, ‘I might go to Australia,’ but it never happened.

“I’m just here in the Philippines–staying with my family because my mom will stay here.

“So, okay, I never went to Australia, so that wasn’t me. Period.”

SEEN TOGETHER. May lumalabas ding balita na may out-of-town event na nakita sila ni Derek na magkasama.

“Hindi ko nga maalala yung sinasabi nilang event na ‘yan,” tanggi ni Sam.

“All I know, we did this commercial once. And then, after that, we never talked; we never saw each other again.

“I don’t know his number and he doesn’t know my number, so yun.”

Sa Twitter, nagpa-follow ba ang isa’t isa?

“Hindi ko nga alam ang Twitter niya,” natatawang sabi ni Sam.

WRONG ASSUMPTIONS. Noong nabalitaan niyang nadadawit ang pangalan niya as third party, ano ang naging reaksiyon niya?

“I know! It’s kinda annoying kasi, hindi naman ako yun. People started assuming it was me kasi nga… sexy actress…PS…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hello!… I’m just here in the Philippines. I can show you my passport.”

Hindi naman daw niya ikinainis nang malaman niya ang isyu.

“Hindi naman nainis. It’s more on, ‘Bakit ba, hindi naman ako yun.’ And then, I get a lot of bashers.

“Hello! Parang sinasabi nila, ‘Ikaw pala ang dahilan, ha?’

“Ano ba? May proof ba sila na nandoon ako? Wala naman, di ba?”

Aware rin si Sam na nililinaw ni Derek sa Twitter account nito ang isyu at nililinis rin nito ang pangalan ni Sam.

“Yung mga tao na ang nagsasabi sa akin… which is good.”

WHAT IF? May nagtanong naman kay Sam kung paano raw kung ligawan nga siya ni Derek?

“May ganoon ba? I don’t think na may ganoong mangyayari ever. I think, Derek is very, very good-looking.

“Who wouldn’t want him, right? Hindi ko muna iniisip yun. I just wanna clear this whole issue.”

“Siguro next, next year pa mangyayari yun,” natatawa niyang sabi.

“Kakatapos lang niyang mag-breakup. Ayoko naman. Chill na muna siya.

“Hindi naman nagmamadali–wala namang nagmamadali.”

Nang kamustahin namin ang love life niya, mas natawa ito at sabay sabi, “Ganoon pa rin!”

Paliwanag niya, “Like right now, as always, career muna. Nandito na ito sa harap ko, ito muna ang iko-concentrate ko.

“Parang ayoko lang now talaga. Meron namang nanliligaw, pero parang hindi ko lang feel… Yun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN