Julie Anne San Jose on her first movie kiss: “Kahit anong bagay pa yun, basta first time mo, kakabahan ka.”

Julie Anne San Jose, unlike most debutants, prefers to celebrate her "introduction to society" the quiet way–with family, relatives and close friends. Instead of a lavish party, Julie Anne staged a concert for her fans on May 16 with Jay-R, Kris Lawrence and, of course, Elmo Magalona.


Naging successful ang birthday concert ni Julie Anne San Jose sa Hard Rock Café noong Miyerkules, May 16, isang araw bago ang mismong 18th birthday niya nitong Huwebes, May 17.

Special guest niya rito sina Jay-R at Kris Lawrence.

At kahit medyo inaasahan, naging surprise guest ni Julie Anne ang ka-love team niyang si Elmo Magalona.

Masiglang nagpahayag ng birthday message si Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertrainment Portal) at ng iba pang miyembro ng media.

“Unang-una po sa lahat nagpapasalamat po ako kay Lord sa lahat ng blessings na ibinigay niya sa akin.

“At saka sa family ko po, sa mga friends ko, sa mga supporters ko.”

“Ang wish ko lang po, good health. At sana po, mas marami pang opportunities na dumating.

“Mga projects at shows. Mas maging successful pa sana ako sa career ko.”

Unlike other debutant parties, walang cotillion dance o 18 roses na naganap.

Mas ginusto ni Julie Anne ang isang simpleng dinner lang ang kanyang selebrasyon na kasama ang kanyang pamilya, mga kaanak, at malalapit na mga kaibigan.

“Yun po ang napagdesisyunan namin. Feeling ko rin po kasi, parang wala nang masyadong gumagawa no’ng may cotillion at 18 roses ngayon e.

“And ako, ang gusto ko lang talaga sa birthday ko, makasama ko yung family ko, relatives ko, and mga friends ko–gano’n.

“Okey na po sa akin kahit hindi engrandeng selebrasyon. Basta ang importante ay makapag-celebrate ako ng birthday ko.”

INDEPENDENCE. Yung iba, sa edad na 18, gusto nang magsarili o mamuhay independently, how about her?

“Kasi iba pa rin po talaga ‘pag nagsarili ka kesa kasama mo ang family mo. Ako, mas gusto ko po talaga with my family.

“Kung talagang panahon na para magsarili ako, ili-lead naman po ako ni Lord do’n.

“Hindi naman po porke 18 ka na e, kailangan hihiwalay ka na at mamumuhay [nang] mag-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ako po talaga, mas gusto ko pa rin with my family.”

CAREER FIRST. Pero pagdating kaya sa pagtanggap ng suitors, okey na ba dahil 18 na nga siya?

“Hindi pa rin po, e,” natawang sabi ni Julie Ann.

“Siyempre, may usapan po kami ng parents ko na uunahin ko muna ang mga pangarap ko.

“Sa career muna po ako magpo-focus. And iyon naman ang dapat talagang gawin ko.

“Nag-start ako bilang contestant sa singing contest. Tapos hindi ko naman po akalain na maaabot ko yung kinatatayuan ko ngayon.

“Kung hindi po ako nag-audition noon sa Popstar Kids, wala po ako ngayon dito.

“And actually, wala rin nga po sana sa plano na mag-audition ako.

“Parang napadaan lang kami. Nagmo-mall lang kami ni Mama.

“Tapos, ayon… parang nag-try lang po ako. Hindi ko naman po ini-expect. Until nandito na ako ngayon.

“Kumbaga nga, sabi ko, ‘Will talaga siguro ni God. Ang bait talaga Niya. God is good all the time.’”

KISSING SCENE. Marami na ang excited habang inaabangan na maipalabas na ang launching movie nila ni Elmo na Just One Summer under GMA Films.

Pinag-uusapan na rin ang nakakakilig nilang kissing scene na inabot daw ng take 7 [pag-ulit ng shoot].

“Nakatulong yung mga workshop namin para maging komportable na kami no’ng kunan na iyon.

“Doon namin na-apply sa scene na iyon yung mga napag-aralan namin.

“Sa workshop po kasi namin, parang as much as possible, we try to be open to each other talaga.”

Pero kinabahan pa rin daw siya bago kunan ang kissing scene nilang iyon.

“Kung first time mo talaga, kakabahan ka.

“Kahit anong bagay pa yun, basta first time mo, kakabahan ka.

“Normal lang na gano’n,” sabi pa ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN