Katrina Halili plans to file charges against her alleged Twitter basher: "Gusto ko siya matuto, kasi kung tatanggapin ko ang sorry niya, mangyayari sa ibang tao."

Katrina Halili’s alleged Twitter basher is under investigation by the National Bureau of Investigation. If proven that the suspect is the one sending the threatening tweets, the actress says she’s filing charges. "Para matuto ang mga tao na ganyan di ba? Hindi naman porke’t ganun e, magsasalita ka ng mga masasama. Okay lang na magsabi ka na malandi ako, o kahit ano ako, wala akong pakialam. Pero huwag naman masyadong below the belt na nagti-threat pa,"


Hindi nakaligtas si Katrina Halili sa mga basher sa Twitter, pero hindi ito nakipag-away. Sa halip, ipinarating niya ito sa NBI (National Bureau of Investigation) at nagsampa ng reklamo na biktima siya ng Cyber Bullying.
Kuwento ni Katrina, nagsimula raw ang pagti-tweet sa kanya ng mga panlalait at pananakot nung mga bandang second week of April nuong panahon na nagkaroon ito ng isyu kay Marian Rivera sa My Beloved.
"May mga sinasabi siyang masama na sobra na talaga. Sa akin naman kahit anong sabihin niya sa akin, okay lang naman. hindi ko naman papatulan.
"Pero minsan sobrang below the belt na yung mga sinabi, so hindi maganda. Mag-ingat lang sana siya," pahayag ng aktres.
Sabi pa ni Katrina, "May mga tweet siya sa akin na pupuntahan daw ako sa taping. Basta nagti-threat siya, kaya lumapit ako sa NBI."
Pati ang sanggol na ipinagbubuntis ng aktres ay idinadamay daw sa mga pananakot, kaya nagsadya na ito sa NBI para pormal na magsampa ng reklamo.
"Apektado ako kasi hindi natin alam baka gagawin niya yung mga sinasabi niya di ba? Yung mga threat niya," pakli ni Katrina.
Hindi nagtagal natunton daw ng NBI kung sino itong basher na nagbabanta at naninira sa kanya.
Inimbita daw ito ng NBI at nagkaharap na sila ni Katrina.
Isang babae raw ito, na hindi naman daw gaanong katandaan. Napagdudahan pa itong fan ni Marian, ang lead actress ng My Beloved, pero tumanggi raw itong babae.
Hindi na nagkomento si Katrina tungkol dito. "Hindi ko po alam e," ang safe na sagot nito.
Hindi pa puwedeng ikuwento ni Katrina ang buong detalye dahil iniimbestigahan pa raw ito sa ngayon.
Kung ano man daw ang resulta ng imbestigasyon, idedemanda raw ito ni Katrina at hindi raw siya papaareglo.
"Para matuto ang mga tao na ganyan di ba? Hindi naman porke’t ganun e, magsasalita ka ng mga masasama.
"Okay lang na magsabi ka na malandi ako, o kahit ano ako, wala akong pakialam. Pero huwag naman masyadong below the belt na nagti-threat pa," pahayag pa ng aktres.
Naniniwala si Katrina na itong babaeng ito ay nanlalait din sa ibang mga kilalang artista.
Kaya gusto raw niyang matapos na agad ang imbestigasyon para mademanda na raw niya ito.
"Siguro madala-dala siya, kasi kung mapatunayang siya nga iyun, gusto ko talaga siyang makulong. Hindi ako padadaan sa sorry," mariing pahayag ni Katrina.
"Gusto ko siya matuto, kasi kung tatanggapin ko ang sorry niya, mangyayari sa ibang tao, e di sabihin nila ’Sige mang-gago uli tayo ng ibang tao. Pag mang-gago tayo ng ibang tao, mag-sorry lang naman tayo e, okay na.’
"Huwag naman," himutok ni Katrina.
"Siguro konting ingat lang sa mga salita, kasi siyempre minsan nakakasakit din di ba?
"Hindi ka puwedeng magsabi ng kung anu-ano, na minsan magti-threat ka pa. Huwag ka namang magsalita ng ganun, kasi baka balikan ka.
"Lahat naman na ginagawa ng tao, binabalikan ka," ang gusto nitong iparating sa basher niya.
HEALTHY AND PREGNANT. Malaki na ang tiyan ni Katrina, pero mag-a-anim na buwan pa lamang ito.
Maayos naman daw ang kalagayan niya ngayon.
Hindi na raw niya itutuloy ang pagbakasyon sa Palawan pagkatapos ng taping nito sa My Beloved dahil hindi na raw siya puwedeng magbiyahe.
"Sabi kasi nila, mga third week of June hindi na raw ako puwedeng bumiyahe, kaya dito na lang ako sa Manila," aniya.
Natutuwa si Katrina na ibinahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainmenmt Portal) na nagpa-4D ultrasound daw siya para makita nito ang mukha ng baby.
"Nakita ko na ang face. Parehas ng tenga ko, ng lips ko, ng chin at shape ng mukha.
"Pero hindi ko pa masyado makita ang iba e," excited na kuwento nito na ibig sabihin mas kamukha nito ang baby nila ni Kris Lawrence.
Pinag-iisipan pa raw nila kung Kristina o Katrence, bilang kumbinasyon ng pangalan nilang dalawa.
Napagkasunduan na rin daw nila ni Kris na pagkatapos daw niyang manganak ay magpapayat lang daw siya at babalik daw agad ito sa trabaho.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa raw sa plano nila ang magpakasal dahil gusto nilang mag-focus muna sa kanilang career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN