Chynna Ortaleza on why her relationship with former actor Railey Valeroso has lasted nine years: "Hindi magulo pag yung isa wala sa showbiz."

Chynna Ortaleza describes her relationship with Railey Valeroso: “Kasi kaming dalawa ang belief namin is, ‘O sige everyday kung masaya tayo sa isa’t-isa, di bongga!’ Tapos kung may konting problema try solusyunan, huwag muna yung, ‘O, break na tayo!’ Huwag yung ganyan. Parang tinanggal na namin sa vocabulary namin yung hiwalay.”


Natawa si Chynna Ortaleza nang banggitin sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na parang Click reunion ang pagsasama nila ni Karen delos Reyes sa Luna Blanca.

Parehong mainstay bilang teen stars ng youth-oriented show na Click ng GMA sina Chynna at Karen maraming taon na ang nakakalipas.

“Oo,” sabay-tawa ni Chynna, “Oo, Click at magkasama kami lagi sa eksena dito [sa Luna Blanca]. Si Wenggay [Karen’s character] at si Mimi [Chynna’s character] pa kami nung time ng Click.

“E, hello, nag-merge nga e, yung isa naman taga-Gmik di ba?

“Tapos si Heart taga-Berks,” at muling tumawa si Chynna.

Mainstay naman noon sa Gmik na isa ring teen show si Camille Prats na gumaganap na Rowena sa Luna Blanca, at si Heart Evangelista naman na gumaganap na Blanca sa show ay mainstay ng Berks noon na isa ring teen program.

Sila naman raw ni Karen, after ng Click ay nagkasama na sa Sugo na show ng GMA dati.

ON RAILEY VALEROSO. Tinanong naman ng PEP si Chynna kung ano na ang nangyari sa sana ay comeback sa showbiz ng boyfriend niyang si Railey Valeroso? Cast member rin noon ng Click si Railey at kapareha ni Angel Locsin; si Chynna ay ka-love team noon ni Richard Gutierrez.

“Parang ano di ba nag–Bench [Uncut: The Bench Denim and Underwear Fashion Show in 2010] siya, pero hindi naman kasi natutuloy [yung comeback] so sabi niya, ‘Alam mo, hindi ko na muna pipilitin, mag-i-school na ako ulit.’

“Sabi ko, oo kasi kung para sa iyo, kung ka-comeback ka, ka-comeback ka pa e, e hindi naman.”

Matatapos na raw sa pag-aaral si Railey sa Asia Pacific College.

“One year na lang magga-graduate na siya ng college.

“Oh at least! Business management kasi di ba may business na siya, yung nagpu-provide siya ng mga uniforms doon sa mga cadets ng PNPA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede na silang magpakasal…

“Ay,” ang tanging naging reaksyon ni Chynna.

NINE-YEAR RELATIONSHIP. Hindi pa ba nila pinaplano ang pagpapakasal? Tutal ay nine years na ang kanilang relasyon.

“Nine years na kaming naglolokohan,” sabay-tawa ni Chynna.

Ano ang sekreto nila?

“Ano ba? Hindi ko alam, may secret ba yun?”

Nakatulong ba na si Chynna lang ang artista at si Railey ay wala na sa showbiz?

“Well isa yun sa malaking factor. Totoo naman yun.

"Hindi naman natin maiaalis yung fact na hindi magulo pag yung isa wala sa showbiz.

"Tapos nakakatulong din na siyempre nanggaling siya sa showbiz alam niya yung trabaho ko, alam niya na busy ka, inaabot ka ng umaga sa set, may times na hindi ka niya mahagilap, alam mo yun?

“So… e pero kasi kaming dalawa ang belief namin is, ‘O sige everyday kung masaya tayo sa isa’t-isa, di bongga!’


“Tapos kung may konting problema try solusyunan, huwag muna yung, ‘O, break na tayo!’

“Huwag yung ganyan. Parang tinanggal na namin sa vocabulary namin yung hiwalay.”

Ano ang pinakamahaba nilang break-up dati?

“Months! Oo, pero bago pa lang kami noon, recently wala.

“Alam mo kung kailan kami nag-stabilize, mga nung fifth year namin.


“Kasi nung first three years talaga, kagulo, nandito pa kaming pareho sa showbiz nun, e. Ang bata pa namin, ang daming nakikialam.”

Nakatulong nga na siya na lang ang active ngayon sa showbiz.

“Oo kasi feeling ko kung pareho kaming active, magulo.”

RAYMART IS COOL. Nagte-taping na si Raymart Santiago na kasama rin sa Luna Blanca.

“Bale kami ni kuya nagkita na kami ilang beses na,” ayon kay Chynna.

Kumusta si Raymart?

“Okay naman.”

Walang tensyon?

“Wala! Wala, super… actually si kuya umuwi siya sakto talaga sa taping.”

Umuwi mula sa Boracay at doon nga sa airport naganap ang eskandalo at gulo nina Raymart at Claudine Barretto with Mon Tulfo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman raw nila kinakikitaan ng anumang hindi magandang vibes si Raymart sa taping, hindi halata na apektado ito.

“Parang hindi naman,” ang natatawang sinabi ni Chynna.

Sa panayam ng PEP sa Luna Blanca director na si Dominic Zapata, tumatawa naman raw na si Raymart sa set, na sinang-ayunan ni Chynna.

“Hello, tawa kami nang tawa sa set! Sabi ko, ‘Ano bang klaseng ano ito, mga karakter ito?’ Drama, nagtatawanan muna tapos bago magdrama, tawanan. Nakakaloka!”

Hindi raw dinadala ni Raymart sa trabaho ang anumang isyu nito sa buhay.

“Wala akong nakikitang ebidensiya. Hindi ko rin naman itinatanong.”

Si Railey kaya gagawin iyong ginawa ni Raymart na pagtatanggol kay Claudine?

“Hoy grabe kayo,” sabay-tawa muli ni Chynna.

Meron na ba siyang experience na ganoon, na may nakaaway siya sa airport?

“Wala pa naman.”

Wala pa rin daw pagkakataon na may sinaktan si Railey para ipagtanggol si Chynna.

“Wala boring ata ako e," at tumawang muli si Chynna.

“Diyos ko, baka mag-rejoice pa yun pag binastos ako, hello!

“Sisigaw iyon, ‘Hindi lalaki yung girlfriend ko, yehey! Hindi siya lalaki, hindi siya lalaki, yehey!’”

ON HER ROLE IN SERYE. Bilang si Divine, gaano siya kasalbahe sa Luna Blanca?

“Alam mo kinakabahan nga ako diyan kay Divine. Kasi di ba, lagi nga akong kontrabida pero si Direk Dom, sa tagal ng itatakbo ng serye na ito talagang sabi niya, ‘Alam mo kung ibubuhos natin lahat ng bonggang-bongga, sawa ang tao!’

“Totoo naman,” at muling tumawa si Chynna.

Bukod kina Chynna, Karen at Raymart, at kina Heart at Camille, kasama sa cast sina Bianca King, ang child superstars na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey, at ang Tween female stars na sina Barbie Forteza at Bea Binene.

Nasa bagong primetime series rin ito ng GMA sina Buboy Villar, Arkin Magalona, Mercedes Cabral, Mymy Davao and Marissa Delgado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Airing na ng pilot episode ng Luna Blanca sa Lunes, May 21 ng gabi.

THREE-YEAR CONTRACT. Tatlong taon ang bagong pinirmahang kontrata ni Chynna sa GMA.

Hindi siya kinukuha ng ibang istasyon?

“Meron pong panahon.

“In-offer-an po ako ng shows ng TV5, yung Babaeng Hampaslupa, they were asking me to do [that].”

Bakit hindi niya tinanggap?

“Kasi during that time things were really… kumbaga naguguluhan ako, hindi ko alam kung saan ako pipirma kasi for me kailangan pa rin ng contract kasi hindi rin naman po ako yung tipong artista na kahit saan mo itapon e, baka puwedeng sunud-sunod ang trabaho.”

Si Karel Marquez ang pumalit sa kanya sa Babaeng Hampaslupa.

“Tapos recently before I signed with GMA … though they were giving me good projects like Magic Palayok, ganyan, gusto po sana akong kuhanin ni Direk Joel Lamangan for Valiente, e.”

Umeere ngayon sa TV5 ang Valiente.

Pagpapatuloy pa ni Chynna…

“Hindi talaga umaayon yung mga pagkakataon, pinagdadasal ko yan e, kasi siyempre it’s normal naman na as an artist you have to take risks but they were not pushing through for me so I decided to stay with my network.

“Anyway they’ve been good to me, how many years have they’ve been giving me work?

“So iyon ang pinagpe-pray ko; ‘Ano ba ang gagawin ko? Gusto ko ba i-take ito or maghihintay pa din ako?’”

Nuong 2001 nagsimula si Chynna sa GMA.

“Eleven years na hindi ko din naman matawaran, na lagi nila akong binibigyan ng trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN