Chef Boy Logro makes big leap from TV to the big screen

Chef Boy Logro makes a special appearance in Boy Pick-up: The Movie from Regal Entertainment and GMA Films. He says he agreed to do the movie to trade pick-up lines in a scene with Senator Bong Revilla.


Hindi lang telebisyon ang na-conquer ng sikat na celebrity chef na si Chef Boy Logro, kundi pati na rin ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Special guest si Chef Boy sa pelikulang Boy Pick-up: The Movie ng Regal Entertainment at GMA Films.
Ito ang paglabas ni Chef Boy sa isang malaking pelikula kaya sobrang excited siya dahil ang makakasama niya sa eksena ay walang iba kundi si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
“Makikipagtagisan ako ng pick-up lines dito sa movie with Senator Bong Revilla,” masayang balita ni Chef Boy nang makausap namin siya sa set ng pelikula sa Forest Hills Subidivision, Antipolo City nuong May 17.
“Noong sinabi nila sa akin itong guest role na ito at si Senator Bong ang makakasama ko, aba, oo ako kaagad.
“Sino ba ang hihinde, ‘di ba?
“Tsaka ang bida rito sa Boy Pick-up ay ang paborito kong si Ogie Alcasid, kaya never akong magsasabi ng ‘no’ sa paglabas sa movie na ito.
“Suporta ko ito para sa kanila dahil sinuportahan naman nila parati ang mga ginagawa ko sa Kapuso network,” ngiti pa ni Chef Boy.
Sunud-sunod ang mga magagandang exposure ni Chef Boy simula noong pumatok ang kanyang cooking show na Kusina Master.
Bukod sa kanyang daily cooking show, nabigyan siya ng comedy series na Tweets For My Sweet with Marian Rivera na top-rating sa oras nito tuwing Linggo ng gabi.
“I am very happy dahil sa magagandang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko inaasahan ito dahil ang gusto ko lang naman ay ang magtrabaho nang mabuti para sa pamilya ko.
“Hindi ko inisip na magiging celebrity chef ako dahil nagtuturo lang naman ako. Nagkataon na may mga natuwa sa atin at nagtuluy-tuloy na iyon.
"Kaya every time na lumalabas ako with my wife, makakarinig ka sa paligid na nagsasabi ng ‘Yum-Yum-Yum!’ Ibig sabihin ay napapanood nila ang show natin sa GMA-7.
“Nakakataba ng puso rin na may mga lumalapit sa iyo para magpasalamat kasi natulungan mo sila sa pagluluto at kinatutuwaan rin nila ang Tweets For My Sweet.
“Salamat sa magandang suporta nila dahil hindi kami magsasawa na bigyan sila ng kasiyahan parati.”
LOVES TO TEACH. Kahit na busy si Chef Boy sa kanyang showbiz career, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang pinagmulan at tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagtuturo ng Culinary Arts sa Institute of Culinary and Kitchen Services sa Cavite.
“Hindi ko puwedeng iwan ang pagtuturo dahil nasimulan na natin ‘yan noon pa. Marami na tayong natulungan at matutulungan pa.
“Kaya kahit na busy tayo sa telebisyon, hindi ko maaaring iwan ang aking culinary school.
“Kahit na nandoon ang dalawang anak ko na nagtuturo na rin, kailangan nandoon pa rin ako.
“Present ako parati diyan at natutuwa ako’t dumarami ang gustong matuto ng iba’t ibang paraan ng pagluto at pag-prepare ng mga kakainin sa lamesa.”
NEW RESTO. Binalita nga ni Chef Boy na magtatayo siya ng bagong restaurant sa Cavite kaya abala rin siya sa pagbili ng mga bagong gamit para sa bagong negosyo ng pamilya nila.
“Isang Spanish restaurant ang bubuksan namin sa Cavite. Kaya busy rin ako sa pag-ayos no’n at sa pagpili ng mga gamit para roon.
“Malapit na rin siyang matapos at malalaman nila ‘yan sa Kusina Master. Authentic Spanish cuisine ang matitikman nila sa restaurant na iyon kaya abangan nila ang pagbukas nito.”
NEW CAR. At bilang regalo ni Chef Boy sa kanyang sarili dahil sa sobrang sipag niya, may bago siyang sasakyan—isang white Toyota Fortuner na gamit-gamit niya noong pumunta siya sa shooting ng Boy Pick-up: The Movie.
Ayon kay Chef Boy, matagal na niyang gustong bilhin ang naturang sasakyan para may magamit daw silang pang-date ng kanyang misis.
“Mahilig kasi ako sa long drive. Ako ang nagmamaneho kaya gusto ko isang sasakyan na 4-wheel drive at kumportable ka habang nakaupo ka at nagmamaneho.
“Tamang-tama lang itong Fortuner sa akin kasi very spacious at madadala mo kahit saan kahit hindi maganda ang daan. Plus diesel [fuel] siya kaya matipid sa gasolina.
“Pangatlong sasakyan ko na ito. Yung dalawa, ginagamit namin sa negosyo namin. Kaya itong Fortuner, para lang sa personal na gamit ko.
“Kapag magde-date kami ni misis, ito ang gagamitin namin. Para feeling nasa ligawan stage pa rin kami.
“Noong nililigawan ko pa kasi si misis, hatid-sundo sa akin ‘yan. Kaya parang binabalikan lang namin ang kabataan naming dalawa.
“Sabi ko nga, e, walang ibang babae na makakasakay sa harapan ng sasakyan ko kundi ang misis ko. One and only ko lang ‘yan,” pagtatapos pa ni Chef Boy Logro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN