Former child star Robert “Buboy” Villar stars in fantasy-comedy-action movie; joins cast of new teleserye

Robert “Buboy” Villar is all grown up and ready to tackle more serious roles. “Bigla nga po akong tumangkad. Nagulat nga si mama at ang kuya ko. Kasi para raw akong hinatak. Tapos yung boses ko biglang lumaki," he says. "Tsaka nabawasan na ang pagiging makulit ko. Noon, ang gulu-gulo ko at hindi ako mapirmi sa isang lugar. Ngayon, medyo pormal na raw ako.”


Binatang-binata na nga ang dating child actor na si Robert “Buboy” Villar.
Kung noon ay kinatutuwaan ang kakulitan ni Buboy sa mga telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan, Dyesebel, Darna at Panday Kids, ngayon ay nabawasan na raw ang pagiging makulit niya dahil 14 years old na siya.
Sa panayam namin kay Buboy sa press launch ng bagong Kapuso telefantasya na Luna Blanca sa Studio 6 ng GMA Annex Building, kinuwento nito ang mga pagbabago na nangyari sa kanya noong magbinata na siya.
“Bigla nga po akong tumangkad. Nagulat nga si mama at ang kuya ko. Kasi para raw akong hinatak.
“Tapos yung boses ko biglang lumaki. Mataas ang boses ko noon kasi kumakanta ako noong bata ako.
"Ngayon biglang bumaba na. Medyo pumipiyok-piyok lang ng konti.
“Tsaka nabawasan na ang pagiging makulit ko. Noon, ang gulu-gulo ko at hindi ako mapirmi sa isang lugar.
"Ngayon, medyo pormal na raw ako. Hindi na ako mahilig maglaro kasi. Mas madalas na ako sa bahay ngayon.”
GIRLFRIEND? At dahil binata na si Buboy, handa na ba siyang manligaw? May napupusuan na ba siyang gustong maging girlfriend?
“Wala pa po, e. Bigla akong nahiya kasi,” sabay tawa niya.
“Noon kasi parang ang lakas ng loob ko kasi batang makulit ako. Ngayon parang nahihiya na ako.
“Pero may mga crushes naman ako. Isa na roon siyempre si Ate Marian [Rivera]. Forever ko na siyang crush.
“Yung iba, hindi naman taga-showbiz. Kaya huwag na lang natin silang banggitin. Baka isipin nila na liligawan ko sila. Lalo akong mahihiya sa kanila,” ngiti pa niya.
LOCAL SOAP. Kasama si Buboy sa bagong primetime series ng GMA-7 na Luna Blanca. Gaganap siya bilang si Jojo na magiging kaibigan ni Blanca sa second generation na gagampanan ni Barbie Forteza.
Huling napanood si Buboy ay sa epic-serye na Amaya.
“Matagal din po akong napahinga after Amaya. Kaya ibang work po ang ginawa ko muna.
"May tinapos akong international movie at mas tumutok po ako sa pag-aaral ko.
“Natuwa naman ako nang tawagan ako at sabihin na meron akong bagong show.
"Pero hindi pa po ako nakakapag-taping kasi sila Jillian Ward at Mona Louise Rey pa lang ang ipapalabas sa Monday [May 21].
“Pero pinaghahanda na rin ako kasi baka simulan na ang taping namin.
"Excited po ako kasi matagal din akong hindi nakapag-taping at first time kong makakatrabago sila Barbie at Bea [Binene].”
INTERNATIONAL MOVIE. Nabanggit ni Buboy ang international movie na ginawa niya at ito ay may title na Pinoy Super Kid.
Kasama niya rito sila Suzette Ranillo, Mark Lapid, Mon Confiado, Rey “PJ” Bellana at marami pang iba. Mula ito sa direksyon ni Leonardo Belen.
Ipapalabas ang fantasy-comedy-action film sa U.S. na may title na Boy Scout Hero.
“Ang role ko po sa movie ay si Alex, may kakaibang powers ako na walang naniniwala sa akin.
“Ginawa ko itong movie noong kasalukuyang ginagawa ko pa ang Amaya. Nagulat nga po ako kasi English lahat ng dialogue. Ipapalabas daw kasi ito sa ibang bansa.
“Nosebleed nga po ako!
“Kasi sa Amaya, ang lalalim ng Tagalog words na mine-memorize ko. Tapos sa set ng Pinoy Super Kid, puro Ingles naman. Kaya duguan ang ilong ko!” sabay tawa pa ni Buboy.
Pero natuwa naman si Buboy dahil natapos nila ang movie at sana raw makasama siya sa U.S. kapag pinalabas na ito roon.
“Sa U.S. nga raw unang dadalhin ang movie. Siyempre, wish ko na makarating doon. Sana lang makasama po ako.
“Pero depende po sa trabaho ko rito. May Luna Blanca na kasi akong sisimulan.
"Kung mapayagan ako, gusto kong makarating sa U.S. at ipagmalaki ang Pinoy Super Kid.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN