Chito Miranda admits he has a new girlfriend; says Parokya ni Edgar is working on a new album

Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda says he and actress Kaye Abad have parted ways. He has a new girlfriend, another actress, Neri Naig. “Yah we’re going out now, girlfriend ko siya. Are we official? I’d like to think official," he says.


Matagal nang maugong ang bali-balita na nauwi na sa breakup ang ilang taon na relasyon ni Kaye Abad at ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chtio Miranda, pero walang kumpirmasyon na nanggagaling sa dalawa.

Nagulat na lang ang lahat nang may mga lumabas na larawan si Chito kasama ang aktres na si Neri Naig, kung saan sweet at halata raw na may espesyal na relasyong namamagitan sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang band vocalist sa nakaraang Uniqlo press launch last Wednesday, May 16, sa Manila Intercontinental Hotel, kung saan isa sa mga napiling endorser si Chito.
Kinumpirma ni Chito na girlfriend niya ngayon si Neri.
“Yah we’re going out now, girlfriend ko siya. Are we official? I’d like to think official.
"December [nag-umpisa] pero huwag na nating pag-usapan ‘yan, corny pag-usapan ang love on camera, di dini-discuss on cam yan.
"Hindi naman sa di ko personality, pero corny pag diniscuss mo ang ganyang bagay on cam e," aniya.
WHAT ABOUT KAYE? Ngayong kumpirmado na may bago ng girlfriend si Chito, agad namin siyang tinanong kung naging maganda ba ang paghihiwalay nila ng ex-girlfriend niya na si Kaye Abad.
“Of course, sobrang we’re good friends, okay kami. Actually, baka delayed na ito, birthday niya tomorrow, May 17, so Happy Birthday!
"Okay kami ni Kaye.”
Marami ang naka-miss sa grupong Parokya ni Edgar dahil hindi na gaanung aktibo ang nasabing banda. Masayang binalita naman sa amin ni Chito na ginagawa na nila ang Volume 2 ng Parokya ni Edgar album.
“Yung Volume 2, katatapos lang naming mag-record, so hopefully, lalabas siya next month, kasi matatagalan pa ako sa editing.
“Sa mga naka-miss sa amin, thank you for voting sa MYX and Awit Awards. Kung na-miss ninyo kami, sana ma-miss ninyo kami palagi para panalo kami palagi.”
ON JESSICA SANCHEZ. Lahat halos ay nag-aabang at nagbubunyi sa pagkakapasok ni Jessica Sanchez sa grand finals ng American idol kung saan makakalaban niya si Phillip Phillips sa nasabing titulo.
Nang tanungin namin si Chito tungkol dito, naging tapat siya sa opinyon niya na gusto niyang manalo si Jessica, pero hanga din siya sa husay nitong si Phillip. Bagay na maaaring masamain o di magustuhan ng mga Jessica die-hard fans.
“Kanya-kanyang opinion naman yan e. Ako, sobrang bilib ako kay Jessica Sanchez, but just like in our music, mas gusto kong manood ng Urban Dub or Rico Blanco kaysa kay Sarah Geronimo, pero mahal na mahal ko si Sarah.
"Yung mga magagalit sa akin na mga Jessica Sanchez fans, sila yung mga di tumatanggap ng opinion ng ibang tao.
"Sobrang overwhelming yung talent niya, puwede siyang manalo, gusto ko siyang manalo, pero di naman kailangan siyang manalo kasi she’s an artist naman more than an American Idol.
"She’s an unbelievable talent."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN