Kris Bernal on why she’s not in a relationship now: "Kailangan ba natin ng lalaki lagi?"

Kris Bernal explains why she wants her next boyfriend to be her future husband: “Kumbaga siguro nasabi ko lang na kung magkakaroon man ako ng relasyon, yung hindi na nga po parang laru-laro o parang high school lang, parang puppy love. Siyempre yung iisipin mo na, na yung may pangarap na sa buhay. Na mature nang mag-isip, pero hindi naman yung mag-aasawa na ako agad.”


Ang Kapuso young actress na si Kris Bernal ang guest sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, Linggo, May 20.

Ang unang itinanong kay Kris ng host na si John “Sweet” Lapus ay kung marami ba ang nakakapansin na malaki ang iginanda niya mula pa noong nanalo siya sa StarStruck.

Kinu-consider din ba ni Kris na magpa-enhance ng mukha o katawan in the future?

“No,” ang sagot ni Kris at “Lie” ang naging resulta ng sagot ng dalaga.

Pero ayon kay Kris, wala naman daw anumang parte ng katawan niya ang hindi siya masaya.

Ano ang sikreto at ang laki ng iginanda niya?

“Siguro ano lang, masyado lang po akong blessed ngayon.

“Mga inspirasyon ko sa buhay, nagpapaganda lagi.

“Pero hindi naman ako ano, a… blooming ba?” ang natatawang sagot ni Kris.

Dagdag niya, “Malakas ako kumain, sobra!

"Nagkakanin ako, pero nag-e-exercise pa rin ako, nagdyi-gym pa din ako.”

THIRD PARTY? Ang pangalawang tanong kay Kris ay kung may mga ba nag-iisip na siya ang dahilan ng isang linggong tampuhan o alitan nina Mark Herras at Ynna Asistio.

Si Mark ang leading man ni Kris sa afternoon soap na Hiram Na Puso.

Sa palagay ba ni Kris ay pinagseselosan siya ni Ynna?

“No,” ang sagot ni Kris at “Lie” na naman ang resulta ng kanyang sagot.

Dahil dito, hiningan ni Sweet si Kris ng mensahe para kay Ynna…

“Alam mong mahal kita at alam mong nirerespeto ko yung relasyon ninyo.

“Hindi ko rin ugali yung ganun, alam kong matagal na sila.

“At nakita ko naman kay Mark at sa iyo na mahal ninyo ang isa’t isa kaya wala yun.

“Naku, huwag mong isipin yun.

“Walang dapat ikaselos, mahal na mahal ni Mark si Ynna.”

HUSBAND-MATERIAL. Single si Kris ngayon at ayaw muna raw niyang makipag-boyfriend.

Pero may balitang sinabi raw ng young actress na ang susunod niyang magiging boyfriend ay iyon na ang gusto niyang mapangasawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ang huling tanong kay Kris ay kung nagmamadali na ba siyang mag-asawa?

“No” ang sagot ni Kris at “Truth” ang resulta nito sa truth-verifier machine.

Wala pa raw sa isip ni Kris na mag-asawa ngayon.

“Hindi po. Diyos ko, ang bata-bata ko pa!

"Ang bata ko pa at ‘tsaka ang dami ko pang pangarap.

“Kumbaga, siguro nasabi ko lang na kung magkakaroon man ako ng relasyon, yung hindi na nga po parang laru-laro o parang high school lang, parang puppy love.

“Siyempre yung iisipin mo na, na yung may pangarap na sa buhay.

“Na mature nang mag-isip, pero hindi naman yung mag-aasawa na ako agad.”

Desisyon daw ni Kris na maging single sa ngayon.

“Opo, masaya ako, e. Career muna ngayon and masaya akong single ako.

“Hindi ko naman kailangan… kailangan ba natin ng lalaki lagi?

“Hindi naman po ganun. ‘Andiyan ang family natin, ang mga kaibigan natin," saad ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN