Rochelle Pangilinan says no grand wedding plans yet with boyfriend Arthur Solinap

Rochelle Pangilinan has asked her boyfriend Arthur Solinap for two more years before they settle down. It has been a year ago so they have one more year to prepare. “Hindi ako pabor sa magara o mabongga na wedding. So, mas ako do’n sa future kasi, e," says Rochelle.


Sa Miyerkules, May 23, ang 30th birthday ni Rochelle Pangilinan. Pero wala raw siyang malaking selebrasyon.

Kahit gustuhin ni Rochelle, hindi rin puwedeng maiwan ang kanyang commitments.

“May 22 hanggang 24 may taping ang Broken Vow. So trabaho pa rin,” paliwanag niya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, May 20.

Ano ang kanyang birthday wish?

“Birthday wish? Siyempre yung family ko, ako, lahat ng mahal ko sa buhay, sana huwag magkasakit.

"At siyempre sa career, more trabaho to come," sagot ng dating Sex Bomb girl.

Ano ang birthday gift niya sa kanyang sarili this time?

“Wala, e... sa totoo lang, ngayon lang ako nawalan ng gift sa sarili ko.

"Sobrang dire-diretso ang trabaho, hindi ko na naisip," sabi niya.

Ang boyfriend niyang si Arthur Solinap, for sure, merong gift sa kanya.

“Sabi niya meron daw siyang surprise. E, surprise nga kaya hindi ko pa alam kung ano,” nangiti si Rochelle.

“Actually, no’ng isang araw, pinapili niya ako. Tinanong niya kung ano ang gusto kong gift.

"Sabi ko, ‘Bakasyon, kahit three days lang.’

“Ano ang pinili ko? Ay, secret! Ha-ha-ha!”

Out of the country?

“It’s more fun in the Philippines. Ha-ha-ha! So… dito lang.

“Iba kasi yung bakasyon. Kinikilig ako! Ha-ha-ha!

"Secret na lang kung saan.”

MARRIAGE PROPOSAL. Hindi kaya sa bakasyon nilang iyon, may proposal na rin from Arthur?

“Huwag ka nga!” lalong kinilig si Rochelle.

“Hindi ko nga iyon iniisip, e! Ha-ha-ha!”

Ready na siya sakaling mag-propose na ng kasal si Arthur? Meron na rin bang naiipon?

“Alam niya ‘yan. Lagi akong ready.

“Actually, hindi pinag-iipunan. Hindi kasi ako pabor na gastusan nang husto kung may wedding nga.

“Hindi ako pabor sa magara o mabongga na wedding. So, mas ako do’n sa future kasi, e.

“Mas gusto kong gastusan yung sa panganganak ko. ’Yong mga gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagdating sa wedding, mas gusto ko talaga yung simple lang. At kahit saang venue, okey lang sa akin.

“Kung anuman yung ibibigay niya sa akin.

“Basta ang importantre, kasal kami sa mata ng Diyos.

"Kahit saan niya ako dalhin... kahit diyan lang sa tabi-tabi.

“Kahit pa nga ang reception ay isa isang burger outlet, carry na ako!" tawa niya.

“O kaya pag-propose niya, may pari nang bitbit, carry na ako! Di ba?

"Kahit saan. Kasi mahirap sa panahon ngayon.

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Bigyan mo ako ng hanggang after two years.’ So, isang taon na lang.

“May mga binabayaran pa kasi ako. Siyempre kailangan ko munang i-settle iyon lahat. Kailangang planado.”

PLANNING STAGE. So, talagang pinag-uusapan na nila ang paglagay sa tahimik?

“Oo. Kasi mahirap naman kung bibiglain mo ako na… surprise na surprise na aalis lang tayo. Ha-ha-ha! Di ba?

“Ibang klaseng ano iyon, e… ibang klaseng hakbang sa buhay. Iba yun.

“At saka sinasabi ko naman sa kanya, ’Matatanda na tayo. Hindi na tayo mga bata.’

“Hindi naman siguro kami pagbabawalan ng nanay ko, di ba?

“Nasa tamang edad na ako so puwede na!”

LAM-ANG. Maganda ang takbo ng career ngayon ni Rochelle. Bukod sa taping ng Broken Vow, tuluy-tuloy rin ang shooting niya para sa Ilocano epic film na Lam-ang kung saan kasama niya si Rocco Nacino.

Aniya, “Proud na proud ako sa Lam-ang.

“Kasi first time kong magkaroon ng ganitong klaseng fights scenes na talagang niligid ko yung buong bahay hanggang sa ibabaw ng bubong…

“Tumatakbo ako, nakikipag-away ako kay Rocco.

“So, abangan n’yo ito. Iba ito.

"Hindi ko alam... parang Chinese movie na hindi mo maintindihan.

"Talaga… iba. Iba yung ginawa ng director namin [Ana Agabin].”

Matitindi ang fight scenes nila. Si Rocco, napilayan habang ginagawa nila ito. Si Rochelle naman daw ay nasugatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero magaling na naman siya,” sabay pakita niya sa naghilom ng sugat sa kanyang kanang kamay.

“Nagulat lang ako na after ng take, tumutulo na yung dugo.

“May training naman na nangyari—eight days na training yun.

“Do’n sa training, nahirapan ako. Pero no’ng sa mismong shooting na namin, okey na.

“Mabuti na lang pareho kaming dancer [ni Rocco]. Kasi pareho kaming may beat. So, do’n kami nagkakasundo.

"Yung director namin, hindi rin masyadong nahirapan kahit ulit-ulitin pa namin.

“Yun nga lang, duguan kami pareho ni Rocco!” tawa ulit niya.

DISTRACTIONS. Hindi siya nadi-distract na nakabahag lang si Rocco habang kaeksena niya?

“Hindi, kasi nasanay na ako dati sa Amaya!” sabay tawa ni Rochelle.

“Lahat ng lalaking cast ng Amaya, nakabahag, paroo’t parito. Kaya okey lang.”

Regular cast member si Rochelle noon si Amaya, samantalang nag-guest nung huling episode si Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN