Karen delos Reyes returns to primetime TV after one-year hiatus; still friends with Pepe Smith

Karen delos Reyes on Pepe Smith: “Friends pa rin kami ni Pepe. Yun lang naman ‘yon at wala nang itatawid pa doon. Higit na isang taon na ‘yan. Sa iba naman na para may bago. I still see him kasi nga friends ko ang mga anak niya. Barkada lang talaga kami ni Pepe. Malaki ang respeto ko sa taong ‘yan kaya rakenrol lang tayo parati."


Matagal hindi napanood sa anumang drama series ang young character actress na si Karen delos Reyes pagkatapos ng hindi magandang pangyayari sa set ng telefantasya na Machete last year.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ayon kay Karen, naipaliwanag naman niya nang mabuti ang kanyang panig tungkol sa totoong naganap sa location set ng Machete kaya wala siyang dapat na ipangamba.

Kung bigyan man siya o hindi ng project ng GMA-7, okey lang daw sa kanya.

Sabi ni Karen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, more than a year ngang hindi ako gumawa ng anumang show.

“Choice ko rin naman iyon kasi alam kong mainit pa ang lahat noon. Kaya ibang trabaho muna ang ginawa ko.

“May maliit na negosyo naman ako kaya iyon muna ang inasikaso ko.

“’Tapos nag-work naman ako as AD [assistant director] sa mga kaibigan kong directors. May ginawa kaming mga music videos, commercials, at kung anu-ano pa.

“I’m also into photography kaya niraket ko rin iyon.

“Kaya naging productive naman ako kahit na hindi ako naging active sa acting department.”

Laking gulat nga raw ni Karen nang bigla siyang tawagan ng GMA-7 para makasama sa cast ng bagong primetime series na Luna Blanca.

Maraming entertainment reporters ang naka-miss kay Karen kaya natuwa sila dahil muling napasama ang aktres sa isang malaking primetime series.

“Sa totoo lang, na-miss ko rin ang mga bakla!” natatawang sabi ni Karen.

“Kasi naman, bagets pa ako noong makilala ko ang ilang reporters.

“Nasa Click pa lang ako, may mga close na akong mga reporters talaga.

“Kaya happy naman ako at natutuwa silang makita akong active ulit sa TV.

“Kaya sabi ko nga sa kanila na I am back, alive, and kicking!”

NOT CHOOSY. Sa Luna Blanca ay gumaganap si Karen bilang Tetchie, ang kaibigan ng kontrabidang si Chynna Ortaleza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw choosy si Karen pagdating sa roles na ibinibigay sa kanya. Basta trabaho ay professional daw siya kahit na anong role pa ‘yan.

“Never naman akong naging choosy, e. Yung last role ko nga, dun nga sa Machete, kontrabida ako.

“Kaya kahit na anong role, pasok tayo diyan.

“Siyempre, natuwa naman ako na si Chynna ang lagi kong kasama sa mga eksena ko.

“Kami ni Chynna, panahon pa ng Click, magkaibigan na kami.

“Hanggang ngayon, yung friendship naming dalawa, hindi nagbabago.

“Iilan lang ang mga matatawag kong mga tunay na friends ko sa trabahong ito.

“Nangunguna na diyan si Chynna at ang boyfriend niyang si Railey [Valeroso].”

STILL FRIENDS WITH PEPE SMITH. Kinumusta rin ng PEP ang lovelife ni Karen.

Huling na-link si Karen sa tinaguriang King of Pinoy Rock na si Pepe Smith.

“Heto, rakenrol pa rin!

“Si Pepe Smith pa rin ba? Laglag-pustiso lang, di ba?” sabay malakas na tawa ni Karen.

Dagdag niya, “Friends pa rin kami ni Pepe. Yun lang naman ‘yon at wala nang itatawid pa doon.

“Higit na isang taon na ‘yan. Sa iba naman na para may bago.

“I still see him kasi nga friends ko ang mga anak niya. Barkada lang talaga kami ni Pepe.

“Malaki ang respeto ko sa taong ‘yan kaya rakenrol lang tayo parati.

“Kahit na tanungin n’yo pa si Pepe, same din ang isasagot niya.”

May gagawinng music video si Pepe Smith at kasama si Karen sa production na magsu-shoot nito.

“Pinag-uusapan na namin ‘yan ng mga makakasama ko sa pag-shoot ng music video.

“Nasa behind the scene lang ako ng music video ni Pepe.

“Magandang raket ito kaya abangan na lang nila,” sabi ni Karen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN