Derrick Monasterio bonds with his dad in the U.S. after seven years of not seeing each other

Derrick Monasterio on his half-brothers: “Siguro pagbalik ko sa States, baka magkaroon na ng chance na makita at makilala ko na sila. Tatlo sila—puro boys. Eighteen ‘yong eldest sa kanila. Sa pictures, nakita ko na sila. Mas guwapo sila kesa sa akin!”


Kagaya ng kanyang inaasahan, naging masaya at memorabale para kay Derrick Monasterio ang recent trip niya sa Amerika.

Bukod kasi sa pagkakataon na maranasan kung paano maglakad sa red-carpet premiere doon ng pelikulang The Road ng GMA Films, kung saan isa siya sa cast, naging daan din ito para muli silang magkasama ng kanyang amang doon nakabase.

Pitong taon daw silang hindi nagkita ng ama.

Kuwento ni Derrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Super saya. Pinaka-best trip ko po siya so far.

“Siyempre, yakapan nang mahigpit. ‘Tapos nagkuwentuhan kami tungkol sa kung ano na ang nangyari sa akin at sa career ko.

“’Tapos sabi niya, magpakabait daw ako. Alagaan ko raw ang nanay ko.”

Ang ina ni Derrick ay ang dating aktres na si Tina Monasterio.

Nagkita rin ba sila ng kanyang mga kapatid niya sa ama?

“Hindi… malayo po kasi sila sa L.A.,” pagtukoy ng young actor sa lokasyon kung saan ginanap ang red-carpet premiere ang The Road.

“Siguro pagbalik ko sa States, baka magkaroon na ng chance na makita at makilala ko na sila.

“Tatlo sila—puro boys. Eighteen ‘yong eldest sa kanila.

“Sa pictures, nakita ko na sila. Mas guwapo sila kesa sa akin!” sabay tawa niya.

Tipong artistahin din daw ang mga kapatid niya sa ama. Paano kung gustuhin ng mga ito na mag-showbiz din?

“E, di sige. Go!” tawa ulit ni Derrick.

Balak daw bumalik ulit ng binata sa Amerika. Nabitin daw kasi siya sa isang araw lang na ipinagsama nila ng kanyang ama.

“That’s why I’m looking forward na makabalik ulit sa States. At saka by that time, mag-iipon talaga ako nang husto ng perang babaunin ko.

“Hindi kasi ako ready, e. Hindi ko alam na marami palang stores do’n na ang gaganda ng tinda, na mura lang.

“At saka sabi ng dad ko, kung gusto ko raw ulit bumalik sa States, sabihin ko lang sa kanya para ayusin niya lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Yong one day lang na ipinagsama namin ng dad ko, sinamantala namin na makapamasyal nang husto.

“Pumunta kami ng Universal Studios, Knotts Berry Farm, Warner Bros., at kung saan-saan pa.”

Sabi ni Derrick, ang isang magandang katangiang gustung-gusto niya sa kanyang ama ay ang pagiging likas na galante nito.

Ipinag-shopping ba siya nang husto ng dad niya?

“Yeah, siyempre!

“Binigyan niya ako ng cash kaya ako na ang bumili lahat ng mga gusto ko!” tawa ulit ng young actor.

Umiwas naman si Derrick nang subukan naming tanungin ang tungkol sa dating napapabalitang nililigawan niyang si Sarah Lahbati.

“Huwag na natin siyang pag-usapan,” pakiusap ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN