Camille Prats needs "approval" of late husband before accepting another man in her life

Camille Prats is still recovering from the early demise of husband Anthony Linsangan less than a year ago. Camille’s marriage to Anthony made her very close to her sisters-in-law who say: “’Basta siguraduhin mo ‘pag nag-asawa ka ulit ha, wala kang sisters-in-law, gusto ko kami lang ang sisters-in-law mo.’”


Maagang nabiyuda ang aktres na si Camille Prats pagkatapos sumakabilang-buhay ng mister niyang si Anthony Linsangan noong September 23, sanhi ng nasopharyngeal cancer.

At dahil maganda, hindi maiiwasan na may magkagusto at manligaw pa rin kay Camille sa kabila ng pagkakaroon ng isang anak.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille kung may nanliligaw na sa kanya, natatawang sabi niya: “Wala pa!”

Pero pag-amin din niya, “Hindi, may parang nagpapakita lang ng admiration.”

Taga-showbiz o hindi?

“Well, halo naman, pero para sa akin, iyon lang, ina-appreciate ka lang nila na alam mo yun… napi-feel ko lang yung admiration towards me.

“But I don’t think that it’s something that will lead to something else.

“Kasi siguro, feeling ko ha, I give out this aura na hindi pa ako ready. Hindi pa.”

But she’s not closing her doors?

“Ayoko namang magsalita ng patapos kasi bata pa naman po ako.

“Pero alam mo yung hindi ko pa ma-imagine ang sarili ko na may iba.

“Hindi ko pa makita yung sarili ko na may iba.

“Parang nasanay na ako na ako lang kasi. I wake up in the morning, ako lang.

“Dati, I dread waking up kasi nga alam kong wala na ang asawa ko. But it was one year of preparation din kasi.

“Nung maysakit siya [Anthony], I hardly sleep beside him kasi hindi na puwedeng may katabi siya, so in a way, it was a preparation for me na masanay, na kailangan kong maging independent. I have to learn to do things by myself.

“And siguro isa yun, yung pagkakasakit niya, is a way of preparing me for the inevitable.

“Ngayon naman na sanay na ako na ako lang, sanay na ako na gumawa ng lahat na ako lang, I can take care of the house by myself, so hindi ko ma-imagine yung sarili ko na may iba pang gagawa nun para sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pang isang taong namamatay ang asawa niya, who knows after a year or so?

“Hindi natin masasabi," nakangiting sabi ni Camille.

“Well, ako ang dasal ko lang naman, kung someday na may dumating man na ganun, sana naman iparamdam sa akin ng asawa ko na, ‘Go mahal, bongga na ‘yan for you, go! Grab the opportunity.’

“Di ba? Parang gusto ko na may ganun, gusto ko lang na may approval niya kahit papaano kasi siyempre para sa akin hindi…

“Iyon nga yung sinasabi ko, na parang I don’t know if I should feel bad about that person coming into my life, kasi I will never be able to move on from losing a husband.

“And kung sinuman yung tao na yun, kailangan niyang tanggapin iyon, na ganito kasi talaga yung pinagdaanan ko.

“So if there will be times na maaalala ko pa siya or masa-sad ako tungkol sa kanya, sana hindi iyon ikasama ng loob niya , na naiisip ko pa rin siya.

“Kasi iyon lang ang iniisip ko—na hanggang saan yung kayang tanggapin ang sitwasyon ko na nawalan ako ng asawa hindi dahil gusto ko kung hindi dahil ganun lang kasi talaga.”

ANTHONY’S FAMILY. Ang pamilya ni Anthony, payag kaya na magkaroon siya ng bagong mamahalin? Maiintindihan kaya nila?

May pagpipigil bang ginagawa sa kanya ang mga ito na palitan si Anthony?

“Wala naman, wala naman.

“Actually, feeling ko naman, alam nila, I mean hindi naman tayo mga ano na para isipin natin na it’s not going to happen.

“’Coz I’m sure they also know na I’m still young, ‘tapos baka nga may manligaw or ganyan.

“Pero parang feeling ko, ako yung hindi kayang dumettach [detach] sa kanila kasi nga parang…

“Nakikipagkuwentuhan nga ako dun sa sister-in-law ko, ang sabi lang niya sa akin, ‘Hay naku, ate, basta siguraduhin mo ‘pag nag-asawa ka ulit ha, wala kang sisters-in-law, gusto ko kami lang ang sisters-in-law mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because I don’t have brothers-in-law, I have three sisters-in- law.

“So, sabi niya, dapat daw yung susunod na mapapangasawa ko, puro lalaki lang ang kapatid.”

So, payag ang mga ito kung sakaling magmamahal ng bago si Camille?

“Oo, pero kumbaga, para sa akin, parang nasasaktan ako na sinasabi nila yun sa akin.

"Kasi it also means that I will always be a part of their family, but I will have to move on to having a next family.

“So, parang medyo hindi ko pa maano iyon.”

RAYMART SANTIAGO. Balik-primetime si Camille sa pamamagitan ng Luna Blanca.

Sila ni Raymart Santiago ang magkapareha rito.

Kumusta si Raymart pagkatapos ng insidenteng nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 6, kung saan sangkot din ang misis nitong si Claudine Barretto at ang broadcaster na si Mon Tulfo?

“He’s okay, he’s… para sa akin, masasabi ko po na he’s handling it very well.

“Of course he’s saying na hindi naman madali because hindi naman siya yung tipo ng tao na sanay siya sa mga ganitong eksena na napupunta siya sa korte and all that.

“But I think I feel for him when he says na, ’Ipinaglalaban ko lang naman kung ano yung tama kasi hindi naman na talaga tama yung ginawa,’ parang ganun.

“So kung ako siguro yung nasa posisyon niya, I’ll do the same thing.”

Magkaibigan si Camille at ang misis ni Raymart na si Claudine.

“I’ve known ate since I was a kid. Magkasama kami sa AngTV, sa Oki Doki Doc,” banggit ng dating child actress.

Ano ang reaksiyon niya sa kumalat na video kung saan napanood ang gulong nangyari sa NAIA Terminal 3?

Saad ni Camille, “The video is only a portion of what really happened and ako, gusto ko ring paniwalaan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi tayo siyempre, kung ano yung nakikita natin, iyon yung pinaniniwalaan natin.

“But hindi naman po natin alam talaga kung ano yung tunay na nangyari kasi putol.

“And yung part na yun, we don’t know if its the beginning or the middle or the end or what happened before that, what brought Kuya Raymart and the others to beat him [Mon] up like that.

“Hindi natin alam, e, so sana, ako, yun lang ang ano ko, na ngayon na nasa korte na, that they’re fighting about it, eventually lalabas naman yung katotohanan.

“Pero siyempre, it’s always a hassle going through something like that.

“Proving na wala kang ginawang mali, kung wala talaga, ang hirap ng ganun, e, plus yung trauma na nadulot nun sa pamilya niya at sa mga anak niya—that’s something that’s very hard to handle.

“And Kuya Raymart is handling it very well.”

Hindi raw halata sa taping nila na may dinadala si Raymart na mabigat sa loob.

“Iyon yung napansin ko, na hindi niya dinadala sa set kung anuman yung problema na dinadala ngayon.”

ANGELICA PANGANIBAN. Natanong din si Camille kung close pa rin sila ni Angelica Panganiban.

“Opo, opo, sobra!" sagot niya.

Ano ang naging reaksiyon niya sa breakup ni Angelica at ni Derek Ramsay?

Humingi ba ng advice sa kanya si Angelica?

“Kami kasi ni sis, well, we were always in touch, lagi kaming lumalabas kapag may oras kami.

“So, medyo alam ko naman yung history nung relationship nilang dalawa ni Kuya Derek.

“How do I say this… ako kasi, mahal ko silang dalawa, mahal ko si Angelica.

"And I respect their decision kung sa palagay nila ito yung magiging mas makakabuti para sa relasyon nila, magiging masaya ako para sa relasyon nila.

“At nandito rin ako para sa kanila dahil hindi naman madaling dumaan sa breakup, masakit ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Taon ang binilang ng pagsasama nila, if I am correct, five years, they were together for five years.

“Hindi madali iyon, masakit iyon.

“But meron talagang mga bagay na sadyang hanggang ganun na lang.

“So, nirerespeto ko yun, at andito ako para sa kanila, susuportahan ko sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN