JC de Vera on rumors about merging TV5 with GMA-7: "Lamang ako kasi pioneer ako ng TV5."

“Confident ako na alam kong aalagaan ako ng TV5. Magiging loyal yung TV5 sa akin, magiging loyal din ako sa kanila. So, let’s see. Ang contract ko naman hanggang March 2013 pa, e,” says JC de Vera on TV5 chairman Manny Pangilinan’s rumored buyout of GMA-7.


Masayang-masaya si JC de Vera dahil na-extend ng apat na linggo ang Valiente, na mapapanood hanggang June 29.

Ito ang masaya niyang ibinalita, kasama ang co-stars na sina Nadine Samonte, Niña Jose, at ang bagong dagdag sa cast na si Lorna Tolentino, sa pocket presscon ng TV5 serye kagabi, May 22, sa Alex III restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang bungad ng binata, “Siyempre masaya…masayang-masaya kami. Sabi nila extended kami ng two weeks. Yun ang una.

“So, inii-stretch nang inii-stretch ang kada episode. ‘Tapos ngayon natuluyan na, ginawa na nilang one month."

Ayon pa kay JC, posible raw mas humaba pa ang extension depende sa production at sa management ng TV5.

“Sabi nila hanggang June 29 na lang, pero tentative pa yata. Malay mo matuwa sila.”

At kung magkaroon pa ng panibagong extension, ang nasambit ni JC, "Good news ‘yan, trabaho ‘yan para sa aming lahat. Maraming matutulungan, maraming magkakatrabaho.”

LORNA’S ENTRY. Ano naman ang masasabi niya sa pagpasok ni Lorna sa Valiente?

“Oo, dagdag pressure si Ms. LT. Parang natapos na kami sa mga magagaling na sina Tito Michael de Mesa, may Tirso Cruz III ka diyan, nandiyan si Ms. Jaclyn Jose.

“’Tapos nadagdagan ng isa pang napakagaling, si Ms. LT. May dagdag pressure talaga para sa amin.

“Kasi siyempre kung ano yung ibibigay nila para sa show, hindi kami puwedeng magpaiwan, kailangang sumabay.

“’Pag nagpaiwan ka sa kanila, kawawa ka, hindi ka matututo, so, blessing na rin para sa aming lahat.

"Yung mga nasa younger generation kasi, malaking bagay na marami kaming natututunan. So, yun ang important.”

DANITA PANER. Mula sa career ni JC, dumako naman kami sa usaping puso. Kinumusta nga ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang kanyang lovelife.

“Wala na, hindi na nga ako nagde-date,” ang mabilis nitong sagot.

Pero hindi ba date na matatawag ang muli nilang paglabas ng kanyang ex-girlfriend na si Danita Paner?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, sabi nga nila, ‘di ba ang friends puwedeng maging lovers pero ang [ex-] lovers hindi puwedeng maging friends.

“So, tina-try naming i-break na pag dati kayong lovers, puwede pa ring maging friends.

“Kasi hindi naman masamang tao si Dan, mabait na tao yun, e. Kaya hindi naman imposible na maging magkaibigan kami.”

Ibig sabihin may posibilidad na magkabalikan ulit sila?

“Siguro hindi ngayon, kasi, medyo pre-occupied po yung utak ko sa maraming bagay.

“Ayoko namang papasok ulit ako sa isang relasyon ’tapos kulang-kulang yung pagkatao mo dahil hindi ka nga ready.”

NOT GETTING BACK WITH HIS EX. Sabi ni JC, tumagal lang daw ng isang taon at kalahati ang relasyon nila ni Danita, pero naniniwala ba siya na love is lovelier the second time around?

“Actually, third nga puwede pa, e,” biro niya. “Kahit yung sa mga dati ko naman, hindi talaga ako nagsara ng pinto.”

Pero kung pagbabasehan ang mga nakaraang lovelife niya, tila wala naman siyang nakabalikang ex-girlfriend niya.

“E, kaya sila tinawag na ex kasi hindi na sila dapat balikan.”

Pero hindi naman daw ibig sabihin na ganito rin ang magiging kahihinatnan ng sitwasyon kay Danita.

“Ano kasi, iba-iba kasi, e. Kumbaga iba si ganitong babae, iba si Girl number 2, si Girl number 3. Iba-iba sila, e.

“Hindi ’yan… it depends on the girl, kumbaga depende sa aming dalawa [kung] paano namin natapos yung relasyon, kung paano namin pinag-usapan.

“Merong iba, hindi friendly ang paghihiwalay kaya may tuldok. Meron akong ibang relasyon na hindi friendly ang breakups. Masakit talaga.

“Siyempre mahal mo yung tao, willing kang mag-forgive. Pero yung iba, forgive ‘tapos forget.”

Nakiusap na lang si JC na huwag nang pangalanan kung sino yung mga ex-girlfriend niyang “forgive and forget” na.

VENTURING INTO BUSINESS. Sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan, mahirap nga magkaroon ng lovelife ngayon si JC. Bukod sa showbiz, pumasok na rin siya sa pagnenegosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mister lechon ako ngayon. Nag-start ako ng isang franchise ng Hecky’s Lechon sa Vito Cruz [Malate, Manila].

“’Tapos yung isang restaurant, halos katabi rin niya na nasa tapat din ng St. Benilde, The Burgery naman ito, so, mga burgers.

“Sarili ko po ito. Nung kinuha ko po kasi yung puwesto, nag-cram ako kung ano yung puwede kong ilagay dun sa kiosk.

“’Tapos pumili ako ng ilang franchise para kung ano yung ilalagay doon. ’Tapos diyan ako nag-end sa Hecky’s kasi siya yung pinakabago.

“May food chain po siya. May branches po siya sa mga mall.”

Anong klaseng lechon naman ang ino-offer ng business niya?

“Cebu-style lechon po siya na oven-baked at organic. Healthy po siya kasi less fat.”

Bakit niya pinasok ang pagnenegosyo?

“Gusto ko lang subukan, nag-e-explore lang ako. Malay mo suwertehin, ‘di ba?”

Ano naman ang sabi ng manager niyang si Annabelle Rama?

“Happy siya siyempre, kasi nakikita niya kung saan ko inilalagay yung pera ko, ‘di ba?

“Si Tita naman, very supportive iyan sa akin, e. Actually, kokontratahin ko na nga siya na sa akin na kumuha ng lechon, e.”

VACATION IN AUSTRALIA. Pagkatapos daw ng Valiente ay gusto munang magpahinga at magbakasyon ni JC habang inihahanda pa ang susunod niyang project sa TV5.

“Two weeks akong magbabakasyon sa Australia. At saka nagkataong kasal din po noong pinaka-close kong pinsan.

“Kaya imbes na pumunta lang ako doon para sa kasal, hinabaan ko na yung stay. So, vacation na rin para sa akin.”

Posible bang magkita sila doon ng Utol Kong Hoodlum leading lady niyang si Jasmine Curtis Smith dahil doon ito naka-base?

“Tinanong ko kasi siya kung kailan siya uuwi [sa Pilipinas]. Sabi niya, July siya uuwi.

“Sabi ko, ‘Sakto kasi July din ako uuwi.’ E, kaso siya, nasa Melbourne, ako nasa Sydney, medyo malayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko sa kanya, ‘Pwede tayong magsabay umuwi.’ Hindi pa lang namin sure kung kailan talaga.”

THE POSSIBLE MERGING OF TV5 AND GMA-7.Bagamat wala pa raw nagaganap na negosasyon, hindi matigil-tigil ang balita na posibleng bilhin ng TV5 chairman na si Manny Pangilinan ang GMA-7.

Matatandaang dating Kapuso si JC at naging masalimuot ang pag-alis niya sa datin niyang tahanan. Nagkaroon ng alitan ang ngayon ay magkabati nang sina Annabelle Rama at Wilma Galvante, retired executive ng Channel 7.

Ang maikling tinuran ni JC, “Lamang ako. Lamang ako kasi pioneer ako ng TV5."

So, confident siya na hindi siya mawawalan ng puwesto sakaling mag-merge ang dalawang istasyon?

“Hindi naman sa mawawalan ng pumuwesto, pero confident ako na alam kong aalagaan ako ng TV5.

“Magiging loyal yung TV5 sa akin, magiging loyal din ako sa kanila. So, let’s see. Ang contract ko naman hanggang March 2013 pa, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN