Court grants Raymart Santiago and Claudine Barretto’s application for Temporary Protection Order

Bagamat humingi na ng apology ang isa sa mga kapatid ni Mon Tulfo (left, inset) na si Erwin (right, inset), humingi pa rin ng Temporary Protection Order ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto (main) mula sa Quezon City Regional Court, na pinaboran naman ang kahilingan ng mag-asawa.


Ang dami nang nangyari simula noong nabugbog si Mon Tulfo sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong May 6.

Naayos na ang sinasabing pinag-ugatan ng lahat—ang pagtataray ni Claudine Barretto sa dalawang ground crew ng Cebu Pacific—nang humingi ng tawad ang aktres noong May 17.

(CLICK HERE to read story)

Nagpatuloy na rin sa pag-ere ang T3: Kapatid, Sagot Kita, ang show ng Tulfo brothers na nadamay sa isyu noong nagpahayag mg threats ang mga kapatid ni Mon na sina Ben, Raffy, at Erwin— na siyang hosts ng programa.

Pero inaantay pa rin ang desisyon ng adjudication panel ng Movie and Television Classification and Review Board (MTRCB), na siyang nagre-review ng position paper na isinumite ng TV5.

Ang pinakabagong development ay ang pag-usad ng application for Temporary Protection Order ni Claudine at asawang Raymart Santiago.

Bagamat humingi kaagad ng apology si Erwin tungkol sa mga tinuran nilang magkakapatid, nagsumite pa rin sa Quezon City Regional Trial Court ng petition for a writ of amparo ang celebrity couple noong May 16.

Ayon sa sc.judiciary.gov.ph, ang petition for a writ of amparo ay isang: “remedy available to any person whose right to life, liberty and security is violated or threatened with violation by an unlawful act or omission of a public official or employee, or of a private individual or entity."

(CLICK HERE to read story)

Sa araw na ito, pinaboran ng korte ang kahilingan nina Raymart at Claudine.

Ayon sa text na ipinadala ng kanilang legal counsel na si Atty. Jennifer Jimeno- Mendoza sa staffwriter ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na si Joyce Jimenez, mag-de-designate daw ng "security personnel" para sa mag-asawa at hindi rin daw makakalapit ang magkakapatid na sina Ben, Raffy, at Erwin sa dalawa at immediate famila family "within 500 meters."

Narito ang kabuuan ng text update:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I am pleased to inform you that the Hon. Bayani Vargas, Presiding Judge of the Regional Trial Court of Quezon City Branch 219 issued an Order dated today24 May 2012 granting our application for issuance of a Temporary Protection Order in favor of the spouses Raymart Santiago and Claudine Barretto.


Pursuant to the TPO, the Chief of the Philippine National Police was ordered to designate the necessary security personnel to the petitioner spouses Santiago.


In the same order, the respondents Ben, Raffy and Erwin Tulfo, their aides and security men were ordered not to do any harm nor approach the petitioners and their immediate family within five hundred (500) meters.


Samantala, wala pa ring development tungkol sa pagpapalitan ng demanda ng mga taong sangkot.

At nananatiling unresolved ang nangyari sa airport, kung saan ang tanging pruweba na lumabas sa publiko ay ang "incomplete" video na nagpapakitang pinagtulungan nina Raymart, Claudine, at mga kasamahan nito si Mon.

Pinadalhan na ng PEP ng text message ang veteran broadcaster subalit wala pa itong sagot.

Bukas ang website na ito sa reaksiyon niya, sampu ng Tulfo brothers, at iba pang sangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN