Shalani Soledad-Romulo finally breaks silence on why she left Wil Time Bigtime: “There are some things that happened na hindi mo naman din inaasahan, na hindi mo rin naman gusto.”

After a long absence, Shalani Soledad-Romulo returns to TV hosting via the new show Game ‘N Go.

The Valenzuela City councilor says she has moved on since leaving Wil Time Bigtime: “You just try to accept changes in our lives and we always look forward and always hope for the best.”


Hindi maitago ni Konsehala Shalani Soledad-Romulo ang kasiyahan at excitement dahil sa wakas ay matutuloy na ang TV show nilang Game ‘N Go na magkakaroon ng pilot airing sa Hunyo 17, Linggo, 12:30 ng hapon, sa TV5.

“Very excited kami, kasi heto na, tuloy na tuloy na,” masayang balita ni Shalani sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press kanina, May 24 sa TV5 Delta Studio sa Quezon Avenue, Quezon City.

Ano ba ang kaibahan nito sa kinabilangan niyang show noon na Wil Time Bigtime?

“Ang Game ‘N Go will have more games. So, it will be game, after game, after game,” sagot ni Shalani.

Excited din si Shalani sa mga makakasama niya sa show.

“So, makikita ninyong makakasama natin, of course, yung expertise ni Mr. Joey de Leon, Mr. Edu Manzano, Arnell Ignacio, Ms. Gelli de Belen.

“So, this will be one game, after another na iba-iba iyong timpla.

“Yung variety ng show, mas marami ang makakasama, mas marami yung mga games na makikita,” saad ni Shalani.

RESPECT FOR JOEY. Inihayag ng konsehala ang paghanga at respeto niya kay Joey.

“Maliit pa lang ako, naku, institution na siya,” aniya tungkol sa beteranong komedyante at TV host.

“Of course, when you say Joey de Leon, institution na iyan sa Philippine television.

“So, nandoon iyong magic, e. Nandoon yung kuhang-kuha niya yung timpla o kiliti para makapagpasaya sa viewers every day. Nakikita naman natin iyon.

“So, sana ay pati sa amin, pati kami. I’m sure na mas marami kaming matututunan. And sana ay mas magustuhan ito ng mga viewers,” tukoy ni Shalani sa bago niyang show.

Kilala sa mga medyo pilyong jokes si Joey, kakayanin ba ni Shalani ang mga pilyong biro nito?

“Ako kasi, I grew up with a brother and most of my cousins are boys. So, sanay ako na ako yung kinukulit ng mga pinsan ko, pati ng brother ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi naman tayo masyadong sensitive na tao pagdating diyan,” sagot ni Shalani.

Positibo naman ang politician turned TV host na makakasabay siya sa mga kasamahan sa bagong Sunday gameshow ng TV5.

“Well, sana ay mag-level-up tayo. Para… of course mga expert na yung mga makakasama natin, no?

“So, sana ay mag-level-up tayo, and sana ay mag-improve rin ako na kasama sila.

“I will try my best to be able to contribute also to the show,” nakangiting wika niya.

FROM DAILY TO WEEKLY. Dapat sana’y daily noontime show ang Game ‘N Go, pero ginawa itong once a week. Ano ang naramdaman ni Shalani noong ginawa na ngang once a week na lang ang dapat sana’y araw-araw niyang show?

“Sabi nga nina Sir Perci [Intalan, TV5 Creative and Entertainment head], mas pinaghandaan pa itong show.

“So, daily man o once a week, it is still an honor for us to be doing this show.

“Kasi masaya siya, kaya sana ay maramdaman din iyon ng ating viewers. Sana ay makita rin nila kung gaano ito pinaghirapan.

“I think alam nyo naman po na nakailang revisions ito pagdating sa mga games, nakailang revisions ito pagdating sa mga gagamiting materials, sa sets, nakailang revisions even sa mga hosts.

“So, sana ay makita nila at ma-appreciate kung gaano naman ito pinaghirapan ng TV5,” pag-asam ni Shalani.

MS. ENERGY. Noong nasa Wil Time Bigtime siya ay ginagawang katatawanan ang pagiging mahinhin at malamya niyang pagho-host. Binansagan tuloy siyang “Ms. Energy.”

Hindi ba niya ito kinaiinis?

“Nakikita nyo naman talaga kung gaano kataas ang energy level ko, e,” natatawang pagsakay ni Shalani sa bansag sa kanya. “So, hindi naman, hindi naman.

“Of course this is me. I will also try my best, sabi nga, to level-up.

“Because I will be working with the premier hosts of our country. So, I will try my best.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Birong tanong pa sa kanya, handa ba niyang tapatan ang tinagurian namang “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano?

“Kung may Mr. Pure Energy, mayroon ding Ms. High Level Energy ang TV5, ako po iyon,” natatawang biro pa ni Shalani.

ENJOYING MARRIED LIFE. Matapos ikasal kay Pasig Representative Roman Romulo noong Enero, nag-focus muna raw sa pagiging public servant si Konsehala Shalani.

Nag-enjoy rin daw siya sa kanyang buhay may-asawa.

“Masaya iyong alam mong pag-uwi mo ng bahay ay may naghihintay sa iyo.

“Na no matter what happens, at the end of tha day ay mayroon kang kasama, mayroon kang kaibigan, mayroon kang kakampi. So, masarap iyong ganoon.”

May plano na ba silang magka-baby?

“In terms of having a baby, kami ni Roman, we really do not plan.

“We decided na kung kailan kami bibigyan ng baby, it would be a blessings to our family.”

Sana rin daw, kung magdadalang-tao na siya ay hindi maapektuhan nito ang kanyang pagtatrabaho.

“Hopefully, sana ay hindi. Pero let’s see. Let’s see,” nakatawang saad pa niya.

MOVING ON AFTER WIL TIME. Hinggil naman sa isyu ng pagkawala niya sa Wil Time Bigtime ni Willie Revilame, tila umiiwas siyang sagutin kung sumama ang loob niya sa pangyayaring iyon.

Tumawa muna ang konesehala ng Valenzuela bago sumagot: “Of course, there are some things that happened na hindi mo naman din inaasahan, na hindi mo rin naman gusto.

“But then, you also have to move on. Kasi, that’s how life goes.

“So, you just try to accept changes in our lives and we always look forward and always hope for the best,” nakangiting saad niya na idinagdag din na hindi pa sila nagkakausap ni Willy mula noong nawala na siya sa show nito.

PATCHING THINGS UP WITH WILLIE. Nang usisain pa ng PEP kung handa ba siyang maplantsa ang kung anumang gusot o misunderstandings sa pagitan nila ni Willie, hindi rin niya direstahang sinagot ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A… Wala naman… Wala naman akong ibang masasabi sa Wil Time Bigtime.

“They have been my family also. So, I have nothing, but grateful [ako] sa kanila.

“Dahil kung hindi rin naman sa Wil Time Bigtime ay hindi rin naman ako mapupunta sa TV5 at hindi rin ako mapupunta sa television.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN