Vina Morales learns to be more disciplined while preparing for Rock of Ages

“I’m beginning to like it not love, pero medyo papunta na doon. Iba yung fulfillment mo kapag nagawa mo ‘to,” says Vina Morales about her first try on stage acting. She and the other cast members are currently busy preparing for the local production of the Broadway musical Rock of Ages, which will open on June 15 at the Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.


Bagamat matagal na sa industriya ang singer-actress na si Vina Morales, marami pa rin daw siyang natutunan sa bagong proyektong kanyang ginagawa, ang local adaptation ng Broadway musical na Rock of Ages.

Ito ang unang pagkakataong magtatrabaho si Vina para sa isang theater production at ilang mahahalagang bagay ang napulot niya mula rito.

Sa halos dalawang linggo na nilang pagsasanay, mas nakita raw ni Vina kung gaano kadisiplina ang mga tao sa teatro.

Sa katunayan, habang kapanayam siya at ang co-star niyang si Nyoy Volante ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa rehearsal nila kahapon, May 24, biglang napatigil si Vina at sinabi niya, “Did you hear that bell? That’s our time.”

Pagkatapos natawa niyang sinabi, “Very strict talaga kami with our time, detalyado.”

Hindi ba siya nanibago lalo na’t mas madalas siya sa paggawa ng teleserye at pelikula?

“Of course, nanibago ako,” sagot ni Vina.

“Actually, before naman we started, we have rules already, rules and regulations.

“We have to read it. So, when we’re at the rehearsal area, alam ko na rin ‘yon.”

(CLICK HERE to read related article)


RIGID REHEARSALS. Hindi rin problema kay Vina ang halos araw-araw nilang pagre-rehearse para sa Rock of Ages, na magsisimula sa June 15, sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.

“We rehearse every day. Kailangang maayos yung voice mo, yung acting mo, yung levels na ibibigay mo.”

Bukod dito, sabi ng Kapamilya actress, “Honestly, I’ve learned a lot from my co-stars. They’re really helping me.

“There are times, you know, when I really ask them kung tama ba, kung yung consonants ba tama ang pagkaka-pronounce. Everything has to be clear.

“Hindi ko akalain na you just do your own part na solo. Hindi pala. You have to learn everything, all songs.”

Ibang-iba raw ang karanasang ito sa mga nagawa na niyang proyekto na may kaugnayan din sa pag-awit at pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sa akin kasi, I’ve done concerts, I sing and dance, and it’s totally all here. Kaya lang ito, plus acting and there’s no take two. ‘Yon lang ang nakakatakot.

“It is also exciting because you have to focus kasi may mga katrabaho ka, e.

“Unlike when you do your concert, kung magkamali man, it’s not really obvious. You can go to your next song or you can adlib.

“But this time, you can’t adlib because alam nila, ng mga kaeksena mo, kung ano ang last word mo.”

NOT THE FIRST AND LAST STAGE PLAY. Bagamat maituturing na mas mahirap gawin ang teatro, hindi naman ito ang magiging huling proyekto sa entablado para kay Vina.

Kuwento ni Vina, “Sabi ko nga sa sarili ko, I’ve been longing for this for a long time.

“Kumpleto na. Kasi gumawa na ako ng albums, movies, soap operas, concerts. Ito na lang talaga ang hindi ko pa nagagawa.

“I’m so proud na it will happen, I’m part of this Rock of Ages, na napakaganda ng project at the same time maganda ang role ko.

“Pero sabi nga ni Nyoy, ‘I don’t think this will be your last.’

“Kasi noong una, naiisip ko lang, magawa ko lang, puwede na ako. Parang makagawa lang ako ng isa, happy na ako.”

Sa ilang araw nilang pagre-rehearse, sabi ni Vina, “I’m beginning to like it not love, pero medyo papunta na doon.

“Iba yung fulfillment mo kapag nagawa mo ‘to.

“Sobrang dami mong gagagawin, too much to learn...sa mga katrabaho ko ngayon.

“I feel I’m part of the family. Parang very light.

“Siguro, I would do another… hindi pa nga tapos, e, ‘no?

"I think I’m still gonna do another one, maybe.”

Para sa una niyang pagsabak sa stage production, umaasa si Vina na maging masaya ang mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We expect it to be really fun.

“We expect people to be really dancing and singing with us.

“At the same time, they’re gonna be watching, siyempre, dahil maa-amaze sila sa mga jokes, mga lines namin, sa mga scenes na gagawin,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN