Lorna Tolentino has guest role in Valiente, stars in new horror series directed by Topel Lee

Lorna Tolentino talks about her guest role in TV5’s Valiente: “Nagustuhan ko agad [ang role]. Kasi nung kinuwento nila sa akin, maganda kasi natahi nila e. Ang problema kasi doon kung basta siningit mo na lang. Pero kung natahi nila nang maayos yung from the past hanggang yung sa ngayon na mangyayari, yun ang ikinaganda, nagtugma, nag-unite yung character niya."


Masaya at kuntento naman si Lorna Tolentino sa pag-aalaga sa kanya ng TV5 simula nang lumipat siya rito.

Pagkatapos ng teleseryeng Glamorosa, kung saan isa siya sa main cast, ay hindi naman siya nabakante sa Kapatid Network dahil nagkaroon naman siya ng guestings at special projects gaya ng one-month special ng Pidol’s Wonderland.

“Contented ako, kumbaga yung one year ko, puno talaga. Kung tutuusin, lamang ako. Kasi nga one year di ba, tapos may guaranteed ako na contract.

"Minsan nga kinukulit ko sila, sasabihin ko, ‘O nandito lang ako. Marami pa akong number of works na pwedeng anuhin sa inyo.

"Kaya lang matatapos na tayo, September na [ang tapos ng contract niya sa TV5].’ So, parang marami yung blessings na dumating, nadagdagan,” sabi ni Lorna.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si LT sa presscon ng primetime series ng TV5, ang Valiente, noong May 22 sa Alex III restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang latest project nga ni Lorna sa TV5 ay ang pagganap sa isang special role sa nasabing teleserye. Siya ang nadagdag sa cast matapos ma-extend ang naturang serye ng apat na linggo hanggang June 29.

Hindi nagdalawang-isip si LT at ang kanyang manager na si Lolit Solis na tanggapin ang guest role dahil maganda at markado naman ang karakter niya bilang si Mila Regalado Arden, kapatid ni Don Luis Regalado na ginagampanan ni Tirso Cruz III.

“Nagustuhan ko agad [ang role]. Kasi nung kinuwento nila sa akin, maganda kasi natahi nila e.

"Ang problema kasi doon kung basta siningit mo na lang. Pero kung natahi nila nang maayos yung from the past hanggang yung sa ngayon na mangyayari, yun ang ikinaganda, nagtugma, nag-unite yung character niya," aniya.

SAMPALAN WITH JACLYN. Sa ipinalabas na audio-visual presentation ng Valiente sa presscon, kasama na rito ang confrontation scene ni Lorna kay Jaclyn Jose bilang si Donya Trining, na may matinding sampalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanong tuloy ng PEP kay LT kung anong sampalan scene ba ang mas matindi – ang sampalan nila ni Alice Dixson sa Glamorosa o ang sampalan nila ni Jaclyn sa Valiente?

“Yung sa amin ni Jaclyn totoong sampalan. Yung sa amin kasi ni Alice daya yun e. Kasi as much as possible, sana ayoko na talagang masampal o manampal kung kaya namang gawin at iarte nang tama, di ba?”

Paano siya napapayag sa totoong sampalan?

“Mahirap makipagdiskusyon,” biro ni LT. “Kasi yung director namin, si Direk Joel [Lamangan] gusto niya talagang marinig yung tunog ng totoong sampal. So, ginawa ko talaga. Nag-usap naman kami ni Jaclyn.”

Wala naman daw problema sa kanila ni Jaclyn na gawin ang mga eksenang ganito dahil magkakilala naman daw sila. Hindi rin daw ito ang first time nilang magkasama sa isang project.

“Nagsama na kami sa movie. Tapos nung nakasama ko si Andi [Eigenmann, anak ni Jaclyn] sa Minsan Lang Kitang Iibigin, pumapasyal si Jaclyn sa set.”

Bakit ba ayaw na niya sa totohanang sampalan?

“E kasi nga pwede naman na hindi, pwede namang dayain. Bakit naman kailangang totohanin mo?

"At saka mabuti na yung hindi kayo nagkakasakitan. Hindi mo rin naman mapipigilan, kasi pag tumama nang hindi maganda.

"Minsan kasi pag ang artista mahusay na, alam kung saan patatamain, sa mukha lang. E, kung matamaan ka sa tenga, sa hindi tamang lugar, medyo parang nakaka-off, di ba?”

WORKING WITH NEW BREED OF ACTORS. Kasama ni LT sa Valiente ang new breed of actors na kinabibilangan nina JC de Vera, Oyo Sotto, Nadine Samonte at Nina Jose. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa mga ito?

“Sanay naman na ako makasama yung mga younger stars. Maski nga yung mga bago pa talaga na hindi pa subok.

"E, etong mga kasama ko sa Valiente subok na. Marami na silang nagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pwera lang yung mga bago na nakitaan nila ng ganito, yun nakakasama ko. I mean like si Ritz Azul, parang ang pinaka-launching niya yung Glamorosa.”

Hindi ba siya naiinis pag baguhan at hindi pa talaga marunong umarte ang nakakasama niya lalo na nakaka-ilang take pa sa eksena nila?

“Wala naman akong nakasamang ganun. Yung mga nakasama ko naman magagaling, may promise lahat sila.”

Hindi ba siya napupuwersang turuan o tulungan yung mga hindi talaga makaarte?

“Kasi minsan lalong nagiging grabe pag alam mo na yung nape-pressure yung tao.

"Kaya para mawala yung nerbiyos, at ikaw ay paulit-ulit na may mga direktor naman na naiintindihan yun sasabihin, okay na.

"Pwedeng pag-aralan mo muna yung susunod mong scene tapos siya naman yung kukunan.

"Nakukuha rin naman yun sa editing na kukunan kayo na magkasama, tapos kukunan yung ikaw lang. Pagkatapos noon pwedeng siya lang ang kukunan para maibuhos niya lahat yung emosyon niya.”

Meron na bang partikular na young actor or actress na na-challenge siya dahil ang galing umarte?

“Simula nung nagteleserye ako… sina John Lloyd [Cruz], Bea [Alonzo], Coco [Martin], Rica [Peralejo]. Tapos yan sina JC, Nadine, nakaeksena ko sila e.”

NEW SHOW. May sisimulan na bagong show si LT sa TV5. Ang title raw nito ay Third Eye, na isang horror series at mapapanood once a week.

Patikim nga ni LT sa gagampanan niyang role, “Writer ako, author ako, may kolum ako, ako yung sumusulat nung lahat ng nangyayari.”

Sisimulan na raw ang taping ng pilot episode nito bukas, May 27. Ang direktor nito ay si Topel Lee.

RENEWING HER CONTRACT? Sa September 2012 matatapos ang kontrata ni Lorna sa TV5. Posible bang mag-renew siya ng kontrata?

“Hindi ko alam kay Nay Lolit, siya ang nakakaalam e. Depende, pag-uusapan namin yan ni Nanay after September kung ano na ang gagawin namin.”

Personally, gusto niya bang mag-stay sa TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas maganda siguro yung makakatrabaho ka sa lahat. Pero sabi ko nga pag-uusapan pa namin ni Nanay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN