Claudine and Raymart’s lawyers on new video showing who started fight with Tulfo: “We cannot form conclusions based only on mere seconds of footage.”

Raymart and Claudine’s legal counsel, Gana Atienza Avisado Law Office, on the video shown May 25 on Aksyon TV, TV5’s primetime news program: "It is important to bear in mind how simple editing in sequencing can easily mislead us."


Ngayong araw, May 26, ay nagpadala na ng statement sa PEP ang legal counsel ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, kaugnay sa bagong video na lumabas kahapon na nagpapakita umanong ang mag-asawa ang nagsimula ng away nila sa kolumnistang si Mon Tulfo.

Sa statement na ipinadala ng Gana Atienza Avisado Law Offices sa pamamagitan ng text message ay nakasaad na hindi dapat kumuha ng konklusyon mula lamang sa ilang segundong video.

Ang video ay ipinakita kahapon, May 25, sa Aksyon TV, ang primetime news program ng TV5.

Sa video ay ipinakitang nagpapalitan ng salita ang kampo nina Claudine at si Mon Tulfo. Maya-maya, makikitang binatukan ng isang lalaking naka-pink, na kasamahan nina Raymart, si Mon.

BACKGROUND. Importante ang maikling video na ito dahil ito ang maaaring magbigay-linaw kung sino nga ba ang unang nagbuhat ng kamay para magsimula ang gulo na naganap sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong May 6.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa rin malinaw ang buong kuwento sa gulong iyon. Magkakasalungat ang mga pahayag na binitawan ng dalawang panig, at wala ring nakuhang CCTV footage ng insidente.

Ang malinaw lamang ay parehong lumapag sa airport ang kampo nina Raymart at si Mon. Galing sa Boracay sina Raymart, at galing naman sa Davao ang kolumnista.

Pagdating nina Raymart sa NAIA ay nalaman umano nilang iniwan ng Cebu Pacific ang kanilang mga bagahe sa Boracay, kaya naman nagreklamo sila sa counter ng nasabing airline.

Pagdaan naman ni Mon ay nakita niya umano ang isang babaeng sinisigawan ang staff ng Cebu Pacific, kaya naman kinunan niya ito ng litrato. Si Claudine ang babaeng ito, na hindi raw nakilala ni Mon.

Nang makita nina Raymart na kumukuha ng litrato ang isang lalaki, na hindi rin daw nila kilala, ay nilapitan nila ito para hingin ang cellphone nito.

Dito na nagkasalungat ang pahayag ng dalawang panig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kina Raymart, malumanay nilang hinihingi ang cellphone ng lalaki, ngunit agad daw siyang sinapak nito. Tinulak din daw ng lalaki si Claudine, at pinagsisipa.

Ayon naman kay Mon, unang nanakit ang kampo nina Raymart. Inilagan niya ito, at pilit siyang lumayo, ngunit sinusundan daw umano siya ng grupo, kaya nagsimula ang gulo.

Humantong ang gulo sa pagkakabugbog sa kolumnista, na siya namang nakita sa isang video na nauna nang kumalat. Sa videong ito ay pinakitang pinagtutulungan ng kampo nina Raymart na bugbugin si Mon.

At sa video naman na ipinalabas ng Aksyon TV kahapon, ipinakita nga na ang kampo nina Raymart ang unang nagbuhat ng kamay.

In-upload din sa YouTube ang nasabing video, kaya naman marami na ring nakapanood nito. Majority ng mga reaksyon ng publiko ay pumapabor kay Mon.

RAYMART-CLAUDINE STATEMENT. Sa statement ng legal counsel nina Raymart at Claudine ay nagpaalala ito na huwag agad magbigay ng konklusyon sa mga video.

Narito ang buong pahayag ng Gana Atienza Avisado Law Office, legal counsel ng mag-asawa (published as is):

“At this point, we can only reiterate what we said earlier. We cannot form conclusions based only on mere seconds of footage, which represents fragments of the true story. It is important to bear in mind how simple editing in sequencing can easily mislead us. The case is before the proper courts, which will undoubtedly base their decisions on the ENTIRE turn of events.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN