Dominic Zapata on working with Ogie Alcasid: “Very, very hands-on si Ogie, iisipin mo nga he’s the producer.”

Direk Dominic Zapata explains the difference between Boy Pick-up The Movie and Boy Pick-up the segment on Bubble Gang: "Kuwento na ng buhay ni Boy Pick-Up [ito], may back story, may love angle..."


Bago ang Boy Pick-Up The Movie, ang huling pelikula ni Direk Dominic Zapata ay isang comedy, ang My Valentine Girls.

At ang pagkakaiba ng dalawang comedy flicks…

“Mas comedy ito kasi ang My Valentine Girls medyo may konting comedy, ito [Boy Pick-up] talagang all-out comedy. Tsaka, trilogy yung [una], tapos medyo may konting mumu factor pa yun, e.

“Tapos mas kilig yung hinahabol mo doon, ito talaga all-out comedy,” kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Poral) ni Direk Dominic sa shooting ng Boy Pick-Up The Movie kahapon sa Tomas Morato, Quezon City.

Paanong atake ang ginawa niya sa very first solo-starrer ni Ogie Alcasid?

“Una, kinailangan kong i-immerse yung sarili ko doon sa Boy Pick-Up na concept kasi mundo niya iyon, e.”

Noong una raw niyang panoorin ang clips ng naturang character ni Ogie sa Bubble Gang ay hindi niya ito na-“gets” agad o naintindihan.

“Hindi ko na-gets! Hindi sa corny, parang ‘Ano ito?’

“Oo, nonsense! Tapos biglang, ’Ahhh, okay gets ko na.’

“Tapos… may ganun e, meron siyang, ano ba tawag dito, hindi mo siya basta-basta maaano kapag unang pasok mo.

“Kaya kinailangan ko ngang ano e, masakyan yung buong konsepto.

“Although it works for me na wala akong pinanggagalingan, so it would be a fresh take on my part para gawin siya at hindi ako yung gumawa nung original nun.”

GOOD FRIENDS. Paano siya na-convince na i-direk ang movie samantalang hindi nga niya gets noong simula?

“Kaibigan ko [si Ogie], at tinawagan ako. At tsaka na-gets ko muna, nung na-gets ko na parang… sabi niya ‘Panoorin mo ito, panoorin mo yung ginagawa namin sa Bubble Gang.’”

Sa TV, as is na, isang segment lang, ang movie nila, kuwento na ng buhay ni Boy Pick-Up, may back story, may love angle…

“Actually palagay ko mas nakatulong pa nga kasi mas narrative naman yung ano ko e, yung background ko e. So nung nilagyan ng narrative, it made more sense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May narration pero hindi siya [Ogie] yung nagna-narrate, pero I mean, may story siya, so siguro mas mahihirapan ako kung walang story, kung puro ganun lang.”

Unang beses niyang nai-direk si Ogie in a movie. Aside from occasional TV guestings, kahit sa isang regular TV show ay hindi pa niya na-handle ang singer/songwriter.

Kumusta katrabaho si Ogie?

TEAM WORK. “Masarap, masarap kasi it’s a team effort, kaming dalawa we sit down, we talk about it. We stick to the script pero we add to it.

“Very, very hands-on si Ogie, iisipin mo nga he’s the producer.”

Hindi ba siya naiinis kapag pinakikialaman siya bilang direktor?

“Hindi! I like it. I’ve always thought of myself as a team player.

“Alam ko naman na hindi ako katulad ng iba na genius. Hindi ako genius. Pero gets ko yung what I could… what I’m probably good at.

“I’m always trying to get everyone to work with me so we could come up with a good product.

“What I like about that kind of a system is that everyone has an investment in it. So whether it be the camera person, yung actors, yung production designer.

“Because I treat all of them as artists and I take all of their input.

“Kasi medyo mas may sense of ownership sila doon sa proyekto so they’ll love it, mamahalin nila yung proyekto kahit hindi naman sila yung direktor.

“So parang patas-patas lang tayo dito tapos lahat tayo, we all give our input so it comes up as a group, as team work, hindi yung akin lang.”

Si Ogie raw ay sobra ang dedikasyon sa pelikula…

“Pati sa music ng movie. Nagtatawagan kami, actually nga we sit down, nag-uusap kami tungkol sa lahat ng bagay about the movie. Bawat detalye sa bawat eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Showing on June 6 sa mga sinehan at produced ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc. ang Boy Pick-Up The Movie.

Si Direk Dominic ba ay nakagamit na ng pick-up lines sa bar para makipagkilala sa mga babae?

“Hindi kasi ako nagba-bar, e. At hindi gumagana sa akin ang pick-up lines.

“Sa akin kasi I take the friendship route,” ang tumatawang pagtatapos pa niya sa aming interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN