Arnell Ignacio on why he agreed to do new game show in another network

Arnell Ignacio joins co-hosts Joey de Leon, Edu Manzano, Shalani Soledad, and Gelli de Belen in the new game show Game ‘N’ Go on TV5 starting June 17, 12:30 p.m.


“Alam mo, pag si Edu mataas ang talent fee, nagpapasalamat kami kasi pag kasama mo sa show yan, walang ginawa yan kundi mamigay ng ano e,” umpisang pahayag ni Arnell Ignacio nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng bagong game show ng TV 5 na Game ‘N’ Go na magpa-pilot airing saJune 17, Linggo, 12:30 ng hapon.

Kasama ni Arnell sa show sina Joey de Leon, Edu Manzano, Shalani Soledad, at Gelli de Belen.

“Ayan nakita ninyo nagyayaya ng lunch, sagot na niya yun kaya masarap pagka iyan ang malaki ang talent fee. May utang pa nga ako diyan e,” tumatawang sinabi pa ni Arnell tungkol sa kanyang male co-host.

Samantala, last May 6 ay nagwagi si Arnell sa Celebrity Talentado sa results night ng Talentadong Pinoy kung saan nag-piano ang comedian/host with Talentadong Pinoy Hall of Famer na si Leah Patricio at ang singing group na 92 A.D.

Matapos niyang manalo, nagka-offer na ba sa kanya na mag- piano in a gig dahil sa kahusayan niya?

“Wala pa nga e, wala pa. Actually gusto ko ngang gumawa ng palabas e, gusto kong gumawa ng show na tugtugan.

“Pero wala pang offer, e.

“Buuin ko nga iyon. Kahit siguro ako ang mag-produce, iisipin ko, gusto ko nga iyon, e. Sige…”

Bago ang show niya sa Kapatid Network, sa GMA napapanood si Arnell, sa game show rin na K: The 1M Videoke Challenge.

Matagal bago ito nasundan dahil inamin ni Arnell na choosy o mapili siya pagdating sa mga projects.

Biniro nga namin siya na marahil ay mas inuuna niya ang kaligayahan sa buhay?

“Contentment…”

Na kahit malaki ang bayad pero alam niyang hindi siya magiging masaya ay tinatanggihan niya ang offer?

“Oo, oo.”

WHY HE’S DOING A GAME SHOW. Ito ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang Game ‘N’ Go

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, tingnan mo naman ang mga kasama, ang mga ito, oh! At yung mga staff ng show puro barkada ko kaya masaya ito.

“Yung EP [executive producer], yung mga writers, mga dati kong katrabaho. Parang reunion ito, e.”

Marami silang mga hosts sa show na bagong offering ng TV5 sa publiko; okay lang iyon kay Arnell kahit na kaya niya ang show na solo siyang host?

“E, kasi yung mga kasama mo, gusto mo. Di ba? Na alam mo na pagka ganito na ang level mo, iisipin mo na lang basta masarap gawin yan.

“E ang mga kasama mo, Joey de Leon, Edu Manzano. Si Gelli, ang sarap-sarap kaharutan. Si Shalani, ay naku!

"Akala mo lang tahimik si Shalani pero nakakatuwa yang si Shalani, nakakatawa siya. Kaibigan ko rin ang asawa niya.

“Hindi nga trabaho ito, e.”

Nais sana ni Arnell na paminsan-minsan ay nasa labas siya or sa field at nakikihalubilo sa publiko na audience ng show nila.

“Sabi ko nga gusto ko rin yung labas-labas, e. Wala pa talagang official assignment e, pero gusto ko yung nakikipagharutan sa labas.”

Kung sa acting naman, this year ay naging isang artista si Arnelll sa isang indie movie, ang Bola. At gusto raw ni Arnell na masundan iyon.

“Wala pa ulit kumukuha sa akin hanggang ngayon. Ang ganda pa naman ng akting ko dun sa Bola,” sabay-tawa ni Arnell.

At bilang paghahanda sa susunod niyang acting job…

“Nag-enrol nga ako sa Stella Adler, noh! Yung acting workshop na suplada. Tapos ko na.

“Dumating dito… alam mo kung sino pa nagturo? Galing Royal Shakespeare Company, si Andrew Wade. Oo!

“Sandali lang yun, two weeks lang yun kasi masyadong mahal.”

Speaking of presyo, we learned from Arnell na ni hindi pa niya alam kung magkano ang talent fee niya sa bago niyang show sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito wala pa, wala pang usapan.”

Pumayag siya sa ganun?

“Oo! E puro ang kakausap sa yo mga barkada mo rin e, kaya sabi ko sige na.”

Ang love life niya…

“Stable. Eight years na kami, yung nakikita ninyong lagi kong kasama.”

NO RELATIONSHIP WITH SUZUKI. Never raw silang nagkarelasyon ng modelo at Survivor contestant na si Suzuki Sadatsugu na natsismis sa kanya dati.

“Wala iyon.

“Kasi nakita ko siya na nakatayo sa may mga motel sa Pasay.

“Tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya doon. Baka kako makita ka ng press. So isinakay ko, hinatid ko sa Makati, may VTR siya.

“Tinawag ko ngayon kay Shalala at kay John Fontanilla [reporter and PEP contributor na kaibigan rin ni Arnell], kako ‘Ano na nga ba pangalan nitong Hapon,’ blah, blah, blah.

“Ayun tsinismis kami.”

Ano nga raw ang ginagawa ni Suzuki sa may mga motel noong una niyang nakita at nakilala?

“Ah taga-Tondo siya. Doon pala siya bumababa dun sa Pasay Rotonda tapos pupunta ng Makati so hinatid ko na kasi nga… sabi ko, ‘Alam mo hindi puwedeng nakikita ka na nakatayo sa may mga motel.’”

Naging kaibigan na raw niya ang Hapon pati ang mga magulang nito. Hanggang friendship lang raw umabot ang lahat.

“Wala, wala talagang nangyari. Ako pa? Bakit ko naman ide- deny yun kung may nangyari,” pagtatapos pang sinabi ni Arnell.

Balitang nagtatrabaho na sa Japan ngayon si Suzuki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN