Sid Lucero insists he and Heart Evangelista are good friends: “Hindi kami talo!”

Now that Sid Lucero is single again after splitting from General Luna band drummer Bea Lao, does he plan to pursue his co-star, Heart Evangelista? “She is really a good friend, and sometimes pag ni-risk mo yung friendship for something greater, you lose something more. Hindi pa ako ready, hindi ko pa kaya, at alam ko hindi pa rin niya kaya,” he says.


Guest si Sid Lucero kanina sa StarTalk TX, May 26, kaugnay ang finale week ng Legacy.

Gumaganap si Sid na Iñigo sa naturang primetime series ng GMA, samantalang si Heart Evangelista naman ay gumaganap na Diana sa teleserye.

Nali-link ngayon sina Sid at Heart.

Tinanong si Sid kung sino ang pinakamami-miss niya sa pagtatapos ng Legacy.

“Lahat sila! Barkada na kaming lahat.”

Kung isa lang na mami-miss niya…

“My new best friend! Mami-miss ko talaga si Heart, siyempre.”

Ang pinakamami-miss niya kay Heart…

“Nakakatuwa nga na sa gitna ng show siyempre script-script kami tapos habang nakikilala namin ang isa’t-isa, nagiging, ‘O, ikaw na ang bahala diyan, ako na bahala dito.’

“Kasi medyo malapit din, e. Kung ano yung pinagdadaanan ni Sid tsaka kung ano yung pinagdadaanan ni Heart, pinagdadaanan din ni Iñigo at ni Diana in their own personal lives. Separately ha,” sabay-tawa ni Sid.

Alam daw niya na nali-link sila ni Heart.

“Oo naman, oo. Aware naman ako. E, sa lahat naman ng shows nangyayari yan, e.”

Pero ang sa kanila, totohanang pagli-link…

“Totohanang link? Ah, talaga? Whoa!” sabay-tawa muli ni Sid.

Naisama na ni Sid si Heart sa isang family gathering ng mga Eigenmann.

“May misconception diyan, e. Hindi ko siya dinala doon para ipakilala sa family.”

Kaibigan daw ng kapatid niyang si Maxine si Alessandra de Rossi na kasama rin nila sa Legacy na ninang sa binyagan ng anak ni Maxine.

“E, kaibigan rin ni Maxine si Heart so since lagi namang lumalabas yung barkada… yun nga lang hindi nakapunta yung iba, silang dalawa lang ang nakapunta.”

FRESH FROM A BREAKUP. Kagagaling lang ni Sid sa isang breakup kay Bea Lao ng grupong General Luna, kaya single siya ngayon.

“Single pero hindi ibig sabihin nun libre kasi may hang-over pa rin yung puso, e. Alam mo yun?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magaling sigurong panggamot sa puso si Heart?

“Sabi nga nila,” at muling tumawa ang aktor.

Ngayong single na siya, maaari sigurong mas maging espesyal sa puso niya si Heart.

BEST FRIEND. “She is really a good friend, and sometimes pag ni-risk mo yung friendship for something greater, you lose something more.

“Hindi pa ako ready, hindi ko pa kaya, at alam ko hindi pa rin niya kaya.”

Nagbibigayan raw sila ng advice sa isat’t-isa, lalo pa at pareho silang galing sa isang breakup.

“Iyon, yun, puro iyon ang pinag-uusapan namin, wala ng katapusan. Tapos the thing pa that brought us closer together was the fact na kung ano yung frustrations niya, kung ano ang frustrations ko, iyon.”

Nali-link si Heart kina Senator Chiz Escudero at Pangulong Noynoy Aquino. Sino ang itinuturing niyang mas mabigat na karibal?

“Hindi ko sila kino-consider na karibal,” ang natatawang reaksyon ni Sid.

Kung siya ang tatanungin ni Heart, sino ang pipiliin niya?

“Ako? Kung papipiliin ako ni Heart, sasabihin ko, kung sino ang mas makakapagpasaya sa kanya.”

Sila raw ni Heart ay mag-best friend lang talaga.

“Hindi kami talo!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN