Marian Rivera and Dingdong Dantes will take a break abroad after My Beloved wraps up

Dingdong Dantes (left) as Benjie and Marian Rivera (right) as Sharina play star-crossed lovers in GMA-7’s My Beloved.


Hindi dapat palampasin ang huling linggo ng GMA Primetime series na My Beloved. Dapat tutukan at pakaabangan ang kahihinatnan ng pag-iibigan nina Benjie (Dingdong Dantes) at Sharina (Marian Rivera).

Ayon kay Marian sa taped interview sa kanila ni Dingdong na ipinalabas kanina sa StarTalk TX, May 26…

“Ang mga kinukunan namin ngayon ay mabibigat, pero sa bandang huli e, matutuwa sila sa ending namin.”

Na sinegundahan naman ni Dingdong ng …

“Kahit nga kami nung kalagitnaaan, nasu-sorpresa kami sa mga kaganapan na nangyayari rito. Hanggang sa ending, sigurado yan, maraming mga bagong mangyayari.”

Pagkatapos ng My Beloved, mangingibang-bansa muna daw ang magkasintahang Dingdong at Marian para sa isang maigsing bakasyon.

“Siguro pagkatapos... rest muna kahit konti. Ito, magiging bakasyon dahil magtu-tour kami sa Canada para sa mga Kapuso natin doon.

“So siguro iyon na ang kukunin kong oportunidad para makapag-relax,” sinabi pa ni Marian.

Kuwento naman ni Dingdong…

“Ako mauuna ako sa New York, e. So meron din tayong, kumbaga araw para sa mga Kapuso natin na nandoon, sa June 3.

“Tapos right after, pupunta na kami sa Canada, doon na kami magkikita.”

After their short vacation, magiging abala na sina Dingdong at Marian sa kani-kanilang mga proyekto.

May time pa ba sila para sa isa’t-isa, ngayong magiging busy na ang kanilang individual schedules?

“Yakang-yaka,” ang sagot ni Dingdong. “Yeah, we always make time for each other.”

Ayon naman kay Marian…

“Dapat parehas, hindi puwedeng isa lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN