Eula Caballero reveals real score with Ivan Dorschner: "Wala talaga. Nangyari lang talaga na barkada kami at si Ivan sobrang makulit."

Eula Caballero explains how the romance rumors with Ivan Dorschner started: "Ang ginawa niya pinakialaman niya yung cellphone ko tapos nag-tweet siya gamit yung account ko ng something na wala lang, nakakatawa lang talaga...Doon lang naman nag-start yung pagli-link sa amin.”


Nagdiwang ang TV5 princess na si Eula Caballero ng kanyang ika-17 kaarawan noong May 23. Pero kahapon, May 26, ay nagkaroon siya ng double celebration para pa rin sa kanyang kaarawan.
Una ay sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, kung saan naging surprise guest niya ang nali-link sa kanya ngayong si Ivan Dorschner, na dating housemate sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.
Pagkatapos ng kanyang guest appearance sa Paparazzi ay nakapiling naman ni Eula ang ilang press people sa birthday presscon na inihanda para sa kanya ng TV5 Talent Center, ang siyang nagma-manage sa kanyang career.
Present din sa event na ito, na ginanap sa Cravings restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ang bagong upong Head ng Talent Development at Creative Consultant ng TV5 na si Direk Mac Alejandre.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula sa birthday presscon at agad naming inusisa ang tungkol sa kanila ni Ivan. Aware ba siya na pupuntahan siya ni Ivan sa Paparazzi?

“Nalaman ko nung nandun na rin ako. Pero hindi ko alam na pupunta siya,” sabi ni Eula.

Ano ang naging reaksyon niya sa pagdating ni Ivan at may dala pang cake at flowers para sa kanya?

“Hindi ko nga alam kung paano nila napapunta yun. Pero thank you naman sa kanya.

"Kasi ang ine-expect kong pupunta si Kiray [Celis, isa sa mga close friends niya] kaso hindi siya pinayagan [ng ABS-CBN].

"Sabi ko, walang makakapunta sa mga barkada ko roon, walang papayagan. Tapos ayun nagulat ako na nandun si Ivan.

"Siyempre happy ako kasi nag-effort naman siya at may schedule pa siyang iba tapos siningit niya lang yun.”

THE REAL SCORE. Ano ba ang totoo sa kanila? May relasyon na ba sila?

“Wala talaga. Nangyari lang talaga na barkada kami at si Ivan sobrang makulit.

"Ang ginawa niya pinakialaman niya yung cellphone ko tapos nag-tweet siya gamit yung account ko ng something na wala lang, nakakatawa lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baliw-baliw nga rin talaga yun. Makulit lang talaga siya. Tapos nag-tweet ako, nag-follow-up tweet ako ng, ‘Sorry guys, it wasn’t me.

"’That was Ivan blah-blah-blah…’ Doon lang naman nag-start yung pagli-link sa amin.”

Hindi ba pag ganun pinakikialaman na ang cellphone ang ibig sabihin ay close ka na doon sa tao o special na siya sa iyo?

“Hindi naman, kasi ang dami ko ring friends na nanggaganun.”

So, hindi na siya na-offend sa ginawa ni Ivan?

“Hindi naman, kasi nakakatawa lang yung tiniweet niya.”

Ano ba yung tweet ni Ivan?

“Marami yun e. Tapos yung pinaka-latest, yung parang pinaka-nag-react yung ibang followers ko, kasi magkasama kami noon, kasi nga magkakasama kami sa isang movie, magkasama kami sa meeting.

"Tapos sabi niya, ‘In a meeting with the handsome blah-blah-blah…’ Ganun lang.

“Marami naman talagang ganun ngayon. Kahit ako ginagawa ko yun, e. We’re just really comfortable sa isa’t isa.”

Pero wala pa ba sila sa ligawan stage?

“Wala naman. Si Ivan lang talaga malambing.”

Crush niya ba si Ivan?

“Si Ivan kasi nung nakita ko siya… hindi naman magkamukha pero minsan nagkaka-aura sila ni David [Archuleta] at saka ni Markki Stroem.

"Parang ganun lagi yung nakaka-pair ko, yung mestizo. May mga ganung aura sila. Nacu-cute-an lang talaga ako kay David. So, cute na rin si Ivan.”

Pareho niyang naging leading men sa TV5 shows sina David at Markki. Si David sa mini-series na Nandito Ako habang si Markki naman ay sa teen drama na Luv Crazy.

MOVIE WITH IVAN. Magkakasama sina Eula at Ivan sa pelikulang Right To Love sa ilalim ng Regal Entertainment at sa direksyon naman ni Adolf Alix Jr. Ano ang role na gagampanan niya rito?

“Bale magkatambal kami ni Ivan. So, kami yung magka-loveteam for this movie.”

Nag-start na ba sila ng shooting?

“Hindi pa po. Sana mag-start na ngayong June.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panay naman ang papuri ni Eula sa bago niyang ka-love team?

“Interested talaga akong makapareha si Ivan kasi matalino siya e. Pinag-aaralan niya talaga yung gagawin niya sa movie.

"Nakikita ko sa kanya na pinag-aaralan niya talaga yung script. Nagse-share kami kung paano niya ba gagawin yun.

"I think masarap siyang katrabaho, maganda siyang katrabaho. So, hopefully makapag-start na kami.”

Light romance ang tema ng movie nila kaya natutuwa si Eula dahil break daw ito sa sunud-sunod na drama projects na ginawa niya sa TV at sa pelikula.

NO LOVE LIFE FOR NOW. At 17, nagkaroon na ng isang non-showbiz boyfriend si Eula. Iniyakan nga niya noong time na mag-break sila habang nasa kumpetisyon pa siya ng Star Factor, na eventually ay siya ang itinanghal na grand winner o Brightest Star.

Nagkikita pa ba sila ng ex-boyfriend niya?

“Hindi na po, wala na pong communication. He moved to another country.”

Pero alam ba ng guy na pumasok na siya sa showbiz?

“Yeah, nandito pa po siya nung natapos ang Star Factor.”

Hindi kaya may ibang karelasyon na ang ex-bf niya?

“I don’t know. But I’ll be happy for him.”

Iyon daw ang unang relasyon niya at unang ma-experience na masaktan sa pag-ibig kaya talagang iniyakan niya ito.

Ngayon ba ayaw niyang magka-love life ulit?

“Wala po muna sa ngayon kasi I mean, marami rin naman akong ginagawa. And so far talaga, wala pa ako yung tipo ng lalaki na magugustuhan ko talaga na sa sobrang gusto ko ay posibleng mag-lead into a relationship.”

Pero meron na bang ibang nagpaparamdam sa kanyang guys?

“Meron din po.”

Paano sila magparamdam?

“Meron pong nagbibigay ng flowers tapos yung parang, ‘Uy, pwede ba akong pumunta sa inyo.’ E, ayoko muna talaga. Parang nahihiya rin akong magpaligaw.”

Mas gusto niya ba sa lalaki yung direktang sinasabi na crush siya o yung mababalitaan na lang niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko po nung ganun na sinasabi na crush ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Pero usually what happens kapag nalamang kong… like for example, nagka-crush ako kay boy.

"Tapos pag nalaman kong may gusto rin siya sa akin parang hindi ko alam, parang nababawasan yung pagka-crush ko sa kanya.

"Madalas na nangyayari sa akin yun. Pero hindi naman all the time.”

Mas gusto niya ba yung natsa-challenge siya sa guy?

“Ewan ko, hindi naman.”

Si Johan Santos ba na dating na-link sa kanya ay hindi na itinuloy ang panliligaw sa kanya?

“Hindi naman po siya talaga nanliligaw. Pero nagte-text kami, kumustahan. Nag-text siya nung birthday ko, ganun. Ano lang casual lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN