Paolo Contis observes that good friend Manny Pacquiao has changed for the better: "Sobrang laki ng pagbabago...Walang puyat, walang inom, walang babae."

Paolo Contis who plays the villain Gimo in the Kapuso teleserye, My Beloved, would like to portray an unconventional role in an indie film. "Sabi ko nga, gusto ko at vocal ako na gumawa ng indie na kasama sina Coco [Martin], Baron [Geisler]. Yung mga mahihirap katrabaho," he says.


Ibinalita nga ni Paolo Contis, ang kontrabida sa primetime series na My Beloved, na dahil na-extend sila, may ilang linggo pang mapapanood ang primetime series na ito ng Kapuso network.

At si Paolo mismo ang isa rin sa nagsasabi na maraming puwedeng abangan sa pagtatapos nito lalo na ang kalalabasan ng ending at mangyayari sa mga characters.

Kuwento nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes ng gabi sa isang restaurant sa Shangri-La, “Siyempre lahat naman ng soap opera, may katapusan. We’re down to our last five taping days.

"Hanggang ending ako ro’n. Hanggang sa magkamatayan ng lahat,” natatawa pa niyang sabi.

Malapit na kaibigan niya in real life sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at ilang beses na rin silang nagkasama sa mga shows ng GMA-7.

“Refreshing naman palagi magka-trabaho sina Dingdong at Marian. Sina Direk Dominic [Zapata], Direk Lore Reyes.

"I [made] new friends, sina Alden Richards. Actually gusto ko siya. Isa siyang mabait na bata.

"Maganda ang work ethics, in fairness naman sa bata. I think he will succeed.”

May follow-up na ba ang My Beloved sa kanya?

“Well, sabi nila may gagawin ako after. May Manny, Many Prizes, then I’ll be doing a movie, hindi pa puwedeng sabihin kung ano, e.

"Nag-meeting pa lang kaya hindi ko pa masabi kung ano yung movie.

“Tapos yun, July, magsisimula na ako ng bagong soap.”

GAME SHOW. May balitang gagawin daw araw-araw ang programang Manny, Many Prizes?

“Well, nagkaroon ng konting usapan na parang gustong gawing daily. Malalaman natin sa management yan kung aaprubahan ba nila.

"Si Manny naman, mahilig magbiro yan na ganoon ang gusto niyang trabaho. Pero sa kabisihan niya, kahit once a week, nahihirapan siya, e.”

“I guess, at the end of the day, nakikita naman ang sincerity ng pagtulong ni Manny at nabubuhay kami sa konsepto na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo mahirap lang ngayon kasi si Manny, training. We’re not doing it live for two months already.”

Malapit si Paolo kay Manny Pacquiao. Alam ng lahat ang naging pagbabago ni Manny ngayong nahilig na ito sa pagbabasa ng Biblia.

PACMAN HAS CHANGED. “Malaki ang pagbabago, e. Sobrang laki ng pagbabago. Maraming positive na nangyari sa kanya talaga," ang sabi ni Paolo.

"Walang puyat, walang inom, walang babae. You can actually say it’s because he’s vocal about yung pagbabago niya.

“He says it kahit nandiyan pa si Ma’am Jinkee."

Sabi pa ni Paolo, “Maganda, wala na siyang mga manok. Pinamigay na niya lahat ng manok niya. Sinara na niya ang mga bars niya. Even the casinos, wala talaga.”

Naniniwala rin daw si Paolo na may gift si Manny.

“Si Manny, naniniwala ako na may gift yan to influence people. Even if he doesn’t see those people. He has that influence.

"Maybe because people idolize him. Maybe because may ibang tao na may ibang motibo na nai-influence niya para mapalapit sa kanya.

“Pero whatever it is, Manny is influencing people to read the Bible."

Sa parte niya, may naging epekto rin ba ang pagbabago ni Manny?

“Oo, aminado ako ro’n. Without even Manny telling us, wala, na-influence niya lang kami.

READING THE BIBLE. "Totoo ‘to ha… kahit si Lian [Paz], nakita ko. Hindi naman niya nakakasama si Manny, pero, for some reason, napag-isipan naming dalawa na magbasa ng Bible araw-araw noong nagbasa si Manny.

“Pero feeling ko lang, never namin sinabi na ’Uy, nagbabasa na si Manny, magbasa na tayo.’

"Parang nagkakaroon lang ng domino effect, tingin ko lang. It becomes easier.”

Sa pagiging family man niya, may nakita rin ba siyang pagbabago?

Mabilis naman ang naging sagot ni Paolo, “Dati pa naman akong family man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Hindi naman ako nakikipag-barkada dati pa. Ano lang, busy. Busy sa work. Maraming ginagawa. Dumaan din kami sa adjustment period.”

FAMILY LIFE. Sa married life nila ni Lian, masasabi nga bang tapos na ang adjustment period sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama?

“Sakto lang,” sabi niya.

“Alam niyo, ang pag-a-adjust, kailangan 50-50. Kailangan pareho kayong nag-a-adjust.

"Yun lang ang natutunan namin. Hindi puwede sa marriage yung o, nagbago na ko rito. Ikaw naman, dito ka naman.

"Walang mangyayari sa inyo sa ganoon. Yun lang ang natutunan namin. Hindi kayo dapat na nagbibilangan ng mga kasalanan.

“Hindi ka rin dapat gumaganti. Kasi, ang pag-ganti, mas malala yan. We actually learned from our mistakes. Kapag gaganti ang isa, wala, damay pa yung mga anak niyo.”

Payag din si Paolo kung ang dalawang anak nila ni Lian na sina Xonia at Xalene ay pumasok sa showbiz.

"Pero sa ngayon, bata pa masyado. Siguro kung commercial, yun, okay lang. Sa ngayon, bata pa, e.”

Exclusive contract star ng Kapuso network si Paolo. Sa ngayon, halos mga kontrabida roles ang nagagawa niya sa mga teleserye at nakakapag-hosting naman siya. Hindi naman maitatanggi na sa henerasyon ngayon, isa siya sa masasabing mahusay na aktor.

Nakakapag-demand ba siya ng role?

“Kasi actually, sa TV wala ka namang masyadong ganoon unless ikaw talaga ang bida ng show.

"Pero, marami na rin akong mga naging demands na ganoon. Actually, ang demand ko lang naman sa working hours at bilang may mga anak na ko.

"Yun lang naman ang mga demands. But acting-wise, I think you cannot do so much sa television.”

INDIE FILM. Hindi pa rin daw nasusubukan ni Paolo gumawa ng indie film.

Sabi nga niya, “Hindi kasi ako kinukuha ng indie! Pero, nagparating na ko na gusto kong gumawa ng indie.

"Sabi ko nga, gusto ko at vocal ako na gumawa ng indie na kasama sina Coco [Martin], Baron [Geisler]. Yung mga mahihirap katrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw problema kay Paolo yung mga unconventional role o theme ng indie.

“Bakit ka pa nag-indie kung hindi mo naman gagawin?”

Yung mga temang mala-Brokeback Mountain, wala raw problema kay Paolo.

“Again, kung sino rin yung kasama. Kasi, napapansin ko ngayon, kapag may kissing scene, parang conscious.

"After ng kissing scene, kailangan ba magka-textan? Napapansin ko yun.

"Like ako with Lian, kung may kissing scene, okay lang kung halimbawa si Pen Medina ang ka-eksena, okay, kasi, alam kong propesyunal.”

Sabi pa ni Paolo, “I think isa si Coco sa mga ganoong klaseng artista na very professional. I’d honestly love to do a movie with him.”

Nami-miss na niya yung mga proyektong talagang nahahamon pa ang pag-arte niya?

Ayon naman kay Paolo, “Oo… kasi naman, you cannot really get out of the box kapag sa TV.

"Kahit sabihin natin na ginawa ko na ang gay role sa TV, ka-love team ko pa si Mark Herras.

"Pero, alam niyo yun, challenging siya kung sa challenging pero may limit. Minsan lang, masarap yung wala.

“At ako naman, wala naman akong limitasyon. Wala naman akong imahe na pino-protektahan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN