Theater actor Nicco Manalo on parents Jose and Annalyn’s troubles: "I’m just taking it one day at a time."

How did actor Nicco Manalo (right) make the shift from theatre to indie to mainstream TV? "They asked my dad [Jose Manalo, left]. Actually, napanood nila ako sa Zombadings, ’tapos sabi nila, nagustuhan nila ako do’n.


Nakausap kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang stage at indie movie actor na si Nicco Manalo.

Si Nicco ay anak ng popular na komedyanteng si Jose Manalo.

Marami nang nagsanga-sangang issue tungkol sa nagkahiwalay na mag-asawang Jose at Anna Lyn.

Naghabla si Anna Lyn sa TV-movie comedian at Eat Bulaga! co-host sa kasong violation of RA 92621 (Anti-Violence Against Women and Children Act), bago na-contact at sumagot sa interview request ng PEP si Nicco.

Pero matagal-tagal na ring nakilala ng PEP ang 26-year-old young actor—na ang tunay na pangalan ay Sherwin Nicco Manalo.

Sa larangan ng teatro ay higit na popular si Nicco dahil sa mga natampukan niyang dula, sa Tanghalang Pilipino (TP-Actor’s Company) at Dulaang UP (DUP), simula 2006 hanggang sa kasalukuyan tulad ng Baquereta, Huling Habilin Ng Sirena, American Hwangap, Hermano Puli, at Titus Andronicus/Tinarantadong Asintado.

Nakapasok na rin siya sa mainstream television at may partisipasyon sa teleseryeng, Valiente, ng TV5.

Kilala rin si Nicco sa mga indie films, na ang pinakahuli ay ang Zombadings at San Lazaro, na parehong naitanghal sa 2011 Cinemalaya Filmfest.

Bilang kilalang personalidad sa mga larangan ng dula at indie cinema, nananatili namang low profile, mailap, at hindi bukas si Nicco pagdating sa mga bagay na personal—‘tulad ng kanyang family o home life.

"I would really rather not say anything about my family’s issues right now," simula ni Nicco nang banggitin namin ang isa sa mga paksa na nais naming bigyan niya ng pahayag.

"If you would still be interested in interviewing me, then let me know. I would love to tell you about my journey [as an actor] and my career," sabi pa niya.

Noong Miyerkules, May 23, nagpa-interview si Nicco sa PEP sa Baang Coffee Shop, sa may Tomas Morato Ave., Quezon City.

Despite his parents’ much talked about controversies, Nicco projects a very calm stance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man siya nagbigay-komento sa mga partikular na detalyeng napaulat, tungkol sa kaso ng magulang niya na kasalukuyang nasa korte, naging matapat ang aktor sa pagpapahayag ng kanyang mga saloobin tungkol sa ilang bagay.

"You know, for me... parang... our life... yung buhay namin, or my life, is colorful as it is.

"Makulay na siya, para madagdagan pa," ang sabi niya.

Tinanong ng PEP kay Nicco kung pang-ilan siya sa magkakapatid; may napaulat na dalawa ang anak ni Jose from a previous marriage; at limang anak, sa asawang si Annalyn.

May inconsistency rin sa iba pang nailathala na ang sabi’y lima lang ang anak ni Jose; dalawa sa una, at tatlo kay Annalyn.

"Mahabang kuwento ’yan... [pero] ako ang panganay. First child [ako], yeah," banggit ni Nicco.

Nilinaw niyang mommy niya si Anna Lyn Manalo, ang nakahiwalayang asawa ni Jose Manalo.

"That’s my mom.

"Mahabang kuwento ’yon, e! Basta, original ako! Yun na lang!" natatawang sambit nito.

A BIT MORE PERSONAL. Nagpasalamat ang PEP sa pagpayag ni Nicco na magpa-interview at magbahagi ng ilan pang bagay tungkol sa kanyang "more personal" concerns.

‘Tulad ng aniya’y pagiging independent na rin niya.

He now lives separately from his mom and siblings.

"I live alone," sabi pa ni Nicco.

Sa isang city resort daw siya namamalagi ngayon, matapos lumisan sa tahanang tinitirhan ng kanyang ina at mga kapatid.

Ayon kay Nicco, pag-aari ng pamilya nila ang exclusive village resort kung saan siya namamalagi.

Nung tinanong kung ano ang kanyang "immediate concerns," na siyang dahilan ng pakikipag-usap sa kanya ng PEP, simple lang ang tugon ng morenong young actor:

"Well... para malaman ng mga tao that I exist. I’ve been doing theater... magsi-six years na, e, after I graduated from college [St. Benilde]," ang sabi niya.

Sa isang punto ng interview ay napansin namin ang tattoo ni Nicco sa ibaba ng kanyang kanang braso. Hindi ito larawan ninuman, kundi ng katagang ’Real’ (na nakasulat nang kabit-kabit).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last year ito, got this last year," pagtukoy ni Nicco.

"Akala ko dati, never akong maglalagay ng tattoo."

Bahagi raw ito ng kanyang pag-arte o pagbuo ng anumang ginagampanang karakter.

"Parang naisip ko kasi noon, magpapalit lang ako ng buhok, magpapalit lang ako ng image, ganyan, depende sa character.

"Pero yun... it’s real, yun yung joke. It’s a real tattoo!" natawang sabi ni Nicco.

"Ano lang, nagkaroon lang ng time, last year na I felt like it… kasi parang real talaga yung nangyari sa akin.

"Na I’m more exposed to real things. Halo-halo... [it’s] being in this real world and, parang real things happen!

"Siguro, parang ano na rin... turn na rin ng maturity ko, na parang nakaramdam ako na hindi na ako bata."

Like an awakening of sorts?

"Puwede, puwede... puwedeng next chapter, gano’n," makahulugang sambit ni Nicco.

May kinalaman ba ito sa naging sitwasyon ng pamilya nila?

"Well, hindi naman pangit lang na experience," aniya, "but a learning experience, I guess, na tumutugma sa akin."

Kasama ba dito ang tungkol sa kanyang lovelife?

"Uhhmmm... kasama rin," at nangiti siya pero hindi pa rin tinukoy.

COPING WITH HIS FAMILY’S SITUATION. May kaguluhan man ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang magulang at apektado na ang personal niyang buhay, nananatiling matatag si Nicco.

"Uhm, yeah... I’m just taking it one day at a time.

"And whatever I can do to help, or para maayos yung sitwasyon... parang ano, I do it.

"Like now, yun nga, that’s why I want to get more work, kasi mas kailangan ko yung pera para makatulong."

Kaiba raw ang sitwasyon noong bata pa si Nicco, na hindi pa dama ang mabigat na responsibilidad bilang panganay na anak.

Laging apektado ang young actor sa sitwasyon ng kanyang pamilya.

"I think noong bata pa ako, parang okey lang. Come and go lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, pinapabayaan ko lang na mangyari."

Pero positibo raw ang epekto ngayon kay Nicco ng mga problemang pampamilya sa pagiging aktor niya.

"That’s true! It helped a lot," pagsang-ayon niya.

Bukas ba ang komunikasyon nila ng mga magulang niya kahit hiwalay na siya sa mga ito?

Napailing ng bahagya si Nicco. "Kahit ang mommy ko, hindi ko masyadong nakakausap.

"Sila yata [ng dad ko], nagko-communicate..."

ON JOSE MANALO. Prior to the much talked about troubles of his parents, napanood naman ng PEP si Nicco sa isa sa mga major plays na ginawa niya: ang American Hwangap ng Tanghalang Pilipino (TP) na itinanghal sa CCP Little Theater noong 2010.

Sa pagganap niya sa role ng isang troubled son of a dysfunctional family ay nagtamo si Nicco ng critical acclaim.

"Mahilig talaga siyang umarte kahit noong maliit pa siya," banggit ni Jose Manalo, na nanood ng performance ng anak sa naturang dula, kasama ang isa pang batang kapatid na babae nito.

Nicco admitted he was happy with his father’s moral support.

Sa ngayon, walang anumang tampo si Nicco sa kanyang ama.

Inaalala niya ang kanyang ama sa naging pagkakakilala niya rito habang siya’y lumalaki at nagkakaisip.

"Makulit na talaga siya," paglalarawan pa ni Nicco sa TV host-comedian na iniidolo ngayon ng publiko, lalo na sa tandem nito at ng kapwa komedyanteng si Wally Bayola.

"That’s him... yeah, siya na ’yon!" sabi pa ni Nicco patungkol sa kanyang ama.

AN ACTOR’S JOURNEY. Bilang aktor, may dahilan naman si Nicco para maging masaya rin sa ngayon.

Bukod sa pagiging stage actor, na pangmalagian na niyang gawain, bahagi siya ng teleseryeng Valiente ng TV5.

Paano naka-penetrate si Nicco mula sa pagiging alagad ng teatro o tanghalan, at mabilis na nakikilalang indie film actor, sa pagiging "mainstream" TV actor?

"They asked my dad," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, napanood nila ako sa Zombadings, ‘tapos sabi nila, nagustuhan nila ako do’n..."

At sa pagiging aktor sa mainstream television, tinutulungan din si Nicco ng APT Entertainment, ang namamahala rin sa career nina Jose at mga kapwa talents ng Eat Bulaga!.

Bago naman sumabak sa trabahong pang-TV, maraming indie films ang natampukan si Nicco, ‘tulad ng Agleon (2004), 69-1/2 (2008), Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio (2010) ni Mario O’Hara, Zombadings (2011) ni Direk Jade Castro, at San Lazaro (2011) ni Wincy Aquino-Ong.

Currently, he is part of Supremo, a historical indie biopic by director Richard Somes.

"Very excited ako about Supremo, kasi ang laki ng scale niya," banggit pa ni Nicco na gumaganap bilang Emilio Jacinto.

Mula 2006, naging bahagi rin si Nicco ng taunang Virgin Labfest (a Festival of One-Act Plays) ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

He also became a member of Tanghalang Pilipino Actors’ Company, after graduating with a Theater Arts degree from the Dela Salle College of St. Benilde (DLS-CSB).

Noon pa raw sana siya naging regular na TV actor, having first appeared in a GMA-7 fantaserye, Fantastik Kids.

"Yung kina Marky Cielo," patungkol ni Nicco sa namatay na young actor/former Kapuso talent.

Nagkaroon din daw siya ng offer sa ABS-CBN sa pamamagitan ng matalik niyang kaibigan, si Mico Pelino, anak ng TV director na Ipe Pelino.

"Nasa MYX siya [as a video jock]," ang sabi ni Nicco sa PEP.

"Si Direk Ipe ang nag-ask sa akin [to join ABS-CBN]."

Ngunit hindi natuloy ang pagpasok ni Nicco sa telebisyon. nagpasya siyang mag-teatro at sumali sa Actor’s Company ng Tanghalang Pilipino.

Kung sa simula ay nag-alangan si Nicco at magulang niya na pumasok siya sa showbiz, via mainstream TV, dahil sa anila’y "malaking deals and expectations," sa teatro ay naging maluwag sa kalooban ng baguhan na i-commit ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ni Nicco na hindi well-compensated ang mga aktor sa teatro, pero itinuloy niya ang pinasok na propesyon.

"Nung nasa Actors’ Company ako, dun ako nagkaroon ng problem, financially," pagtatapat niya.

"Tapos, hindi ako sinusuportahan ng parents ko. Ayaw nila, kumbaga, yung pagrerebelde ko.

"Yun na yung pagre-rebelde ko, in a way.

“pero, yun na nga, dahil sa pagre-rebelde ko, nakita ko rin kung ano yung mas magugustuhan ko.

"In theater, mas nakilala ko yung sarili ko, as an actor."

Kung mayroon man siyang pagsisisi sa ngayon, ito ang kumonti ang theater work niya dahil sa trabahong pang-TV.

"Wala akong Virgin Labfest ngayon," aniya.

"Well, ang hirap... ang hirap, kasi mas nagpu-focus ako sa... ang hirap aminin... kung saan ako mag-e-earn [ng talent fees].

"I started na kasing gumanap sa TV. Naka-penetrate na ako [dahil sa Valiente], nakasimula na rin.”

Gusto rin niyang makagawa ng mainstream movies, bukod sa mga pelikulang indie.

"Sana, yun din ang isa pang dream ko," sabi rin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN