Shalani Soledad contemplates running for Valenzuela representative

Shalani Soledad on husband Congressman Roman Romulo: "Kami ni Roman, we support each other in terms of our career and in terms of what we do.”


Umaasa si Shalani Soledad-Romulo na “makasabay” siya sa mga batikang hosts na kasama niya sa bagong game show ng TV5, ang Game ‘N Go, na sina Edu Manzano, Gelli de Belen, Arnell Ignacio, at Joey de Leon.

Dagdag ng konsehala ng Valenzuela City, “Of course, I am sure naman na yung mga kasama natin are team players also so we will be working as a team.”

MULTI-TASKING. Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Shalani kung hindi ba siya nahihirapang pagsabayin ang hosting career niya at ang pagiging misis ni Pasig Representative Roman Romulo.

Ikinasal ang dalawa noong January 22, 2012.

Sagot ng politician-TV host, “Hindi naman. Kami ni Roman, we support each other in terms of our career and in terms of what we do.”

Kaya naman daw niyang pagsabayin ang mga ito.

Aniya, “Working as a public official and working with TV5 are two things that I really love doing.

“And of course, now that I am married, we will be starting our family, so sana mapagsabay-sabay lahat.”

May balitang tatakbo siya ulit sa 2013; paano ang trabaho niya sa Game ‘N’ Go?

Aalis ba muna siya sa show since pinagbabawalan ang mga kumakandidatong artista o celebrities na ituloy ang kani-kanilang showbiz career during the campaign period?

“That’s something we haven’t discussed yet, so siguro ‘pag napag-usapan na namin with the management of TV5, we will also let you know.

“Pinag-iiisipan pa rin natin kung ano yung tatakbuhan natin for 2013—kung tutuloy tayo to run for Congress,” sabi ni Shalani.

Pumayag kaya ang TV5 na magpapaalam siya sandali, gayong kakasimula pa lang umere ng show by the time na ipalabas ito sa June 17, Linggo, 12:30 ng hapon?

Paliwanang ni Shalani, “Official campaign period starts forty-five days prior to the election date itself.

“So kung ang election is the second Monday of May, probably official campaign period would start by March.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya medyo mahaba-haba na ang inieere ng Game ‘N’ Go by that time?

“Ah, yes. Pero we will let you know.

“Hindi ko pa rin nakakausap ang TV5 about it so wala pa rin akong masasabi sa inyo.”

Tinanong namin si Shalani kung totoong senador na ang tatakbuhin niya.

“Ay, hindi po, hindi po… sa Valenzuela lang po, sa Valenzuela po tayo tatakbo.”

Bilang congresswoman?

“Sana po.”

Ano naman ang tatakbuhin ng kanyang mister na si Congressman Romulo?

“He still has one term in Pasig.”

Kung ma-elect ulit si Shalani sa Valenzuela at si Roman naman ay sa Pasig ang panunungkulan, paano ang residency nilang mag-asawa?

“We will be building our own house in Valenzuela as well as in Pasig.

“Kasi as of now, we have a house in Valenzuela, it’s our family house in Valenzuela.

“But we are also planning to have our own home in Valenzuela. We will be maintaining two houses.”

TV5 OFFER. Gaano katotoo na kaya hindi niya natanggihan ang offer ng TV5 ay dahil sa napakataas na talent fee?

“Pakitanong po kay Sir Perci [Intalan of TV5]!” ang tumatawang reaksyon ni Shalani.

Isa ba sa mga na-consider niya ang TF?

“In accepting the show, what I consider is how much I love working with TV5, since sila yung kasama ko unang araw ko sa television, sa Wil Time Bigtime.

“And nung nag-offer naman sila ng Game ‘N’ Go, it’s something naman na I know I would also enjoy doing, so tinanggap natin,” paliwanag niya.

Bukod sa hosting, hindi ba pumasok sa isip ni Shalani na mag-artista rin at umarte sa isang drama series?

“’Pag nag-offer ang TV5, ‘pag nag-offer sila!” tawang muli ni Shalani.

Tatanggapin niya?

“Naku, baka ano, baka hindi matapos ang role kasi walang nakukuhang maayos na…” tawa na naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saka niya sinabing, “As of now, I would want to focus muna with Game ‘N’ Go.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN